20

368 33 10
                                    


"Tracy, could you please bring me the file for the new art piece we're considering for the exhibit?" Nakayukong pakiusap ni Dionne habang pinagmamasdan ang mga nakakalat na polaroid pictures sa ibabaw ng malawak na mesa. Kumuha siya ng isang polaroid na may larawan ng abstract piece at idinikit sa board.

Agad inilapag ni Tracy ang itim na portfolio na naglalaman ng polaroid pictures at binuklat ang ilang pahina. "Of course, Dionne. Here it is. It's a captivating sculpture by a renowned contemporary artist, Anna Dalvente." May kinuha siyang isang polaroid picture at inabot kay Dionne.

"Oh, I remember reviewing the proposal. This piece explores themes of identity and cultural heritage, doesn't it? What can you say about this one?" tanong ni Dionne nang tiningnan ang larawan at itinusok sa board ang maliit na karayom. Kinuha niya ang itim na marker at nilagyan ng numero ang ibabang bahagi ng polaroid.

Nagtungo si Tracy malapit sa board at pinagmasdan ang larawan. "The intricate details and symbolism in the sculpture offer a thought-provoking commentary on those themes." Napakumpas din ito ng kamay habang nagsasalita. "I believe it would resonate well with our audience."

Lumapit si Dionne sa kinatatayuan ni Tracy at tumabi. Sabay nilang pinagmasdan ang mga naidikit na polaroid pictures sa board. "I agree. It's important for our exhibits to spark meaningful conversations. How about the logistics? Will it fit within the allocated space?" sambit ni Dionne, saglit na lumingon sa katabi at ibinalik ang atensyon sa board.

"I've taken measurements, and it should fit perfectly in the gallery we've designated for it. Plus, the artist has assured us of its durability and ease of installation," sagot ni Tracy.

"Excellent. And what about security measures? Do we need to make any adjustments?" Nakangiting turan ni Dionne, nagtungo siya sa mesa at iniligpit ang ibang nakakalat na polaroid pictures.

Tiningnan ni Tracy ang hawak na tablet at tiningnan ang schedule. "I've consulted with our security team, and they're confident in our existing protocols. But they recommend installing additional surveillance cameras in the vicinity of the sculpture to ensure its safety," pagkukumpirma nito.

Tumango si Dionne bilang pag-sang ayon. "Good call. Let's proceed with acquiring the piece. Please inform the artist and arrange for transportation and installation."

"Will do, Dionne." Isinulat ni Tracy ang bilin sa hawak na maliit na notepad. Tiningnan ulit ang ipad at inilahad ang sunod na schedule. "Uhm...you will have a meeting with Gwynett Sy and Miranda, together with her lawyer, attorney Castelo. Tomorrow at three o clock."

Napaikot lang ng mata si Dionne, maririnig ang tunog ng heels sa marmol na sahig nang pumunta sa swivel chair at umupo. "What now? We already discuss the revisions of her contract, right? Meron na naman bang ipapabago si Gwynett? Is she planning to redecorate the whole museum?" hindi makapaniwalang turan nito.

"Uhm...I think so? May babaguhin yata sa kontrata?" hindi siguradong sagot ni Tracy.

"Rich people problems." Sinuklay ni Dionne ang kaniyang buhok gamit ang daliri at nagdekuwatro. "There's a saying if it's not broken why fix it. Well for Gwynett, if it's not broken, just change it." Sumandal na lang sa kinauupuan at hinilot ang magkabilang sentido. "Fine!" Itinaas na lang ang dalawang kamay, tila napagod na rin sa pabago-bagong desisyon ng kliyente. "If she wants to conjure a fire-breathing dragon into thin air, so be it." Napakumpas na lang ito ng kamay sa pagkadismaya, binaling baling ang swivel mula kaliwa at kanan habang nakasandal.

Napatikhim na lang ang assistant sa pagpigil tumawa. "I'll cancel your remaining priorities on that day, mukha kasing matatagalan ang meeting. Anyway, is there anything you need, Dionne? I'll be going now," paalam ni Tracy.

Dandelions in the WindWhere stories live. Discover now