5

343 32 5
                                    


Maingat na binaligtad ni Dionne ang omelet, napakakinis ng ibabaw nito habang niluluto sa fry pan. "You know, kung mag-aapply ka sa restaurant ko, I'll definitely hire you." Nakangiting turan ni Marcus habang nakaupo ito sa kitchen island. Nakahanda na ang plato nito. "Nope, I don't think I can survive in your kitchen. I'm a bit of a clutz. Magiging liability mo lang ako." Nang maluto na ang omelet ay inilipat niya ito sa plato ni Marcus. "Here it comes, careful it's hot. Besides, magagalit sayo ang chefs mo sa restaurant, baka masunog ko ang kusina." Maayos na inilagay sa plato at pinunasan din ang kumalat na mantika gamit ang tissue.

"You're hotter than this." Itinuro ni Marcus ang umuusok na omelet sa ibabaw ng plato. Natatawang umismid lang si Dionne sa papuri nito. "Yeah...yeah. Huwag mo na ako bolahin. I like to cook this for you."

"Thanks for cooking my favorite." Nakangiting turan ni Marcus at napalingon ito sa pinto nang bumukas ito. "Good morning, Charlotte! Had a good sleep?" masiglang bati nito.

"Good morning, Charlotte," magiliw na turan ni Dionne. Bahagyang umangat ang gilid ng labi nito at pinagpatuloy ang pagluluto ng omelet.

Saglit napatigil si Charlotte nang makitang hindi lang si Marcus ang nasa kusina. "Oh? Hi? You two, why are you up this early?"

"It's six thirty a.m. Niyaya ako ni Dionne mag-jogging. Now, she's making me omelet." Saad ni Marcus habang kumakain ito.

Pumunta ito sa tabi ni Marcus at hinalikan ang pisngi nito. Malambing din na kinurot ang kabilang pisngi. "Morning." Tipid na bati nito. Hindi maiwasan ni Dionne na magtaka kung normal ba talaga sa magkapatid na maging malambing? May isang bahagi rin sa kaniyang puso na naiinggit sa ganitong klaseng atensiyon. Hindi napansin ni Marcus ang hindi pagbati kay Dionne dahil abala ito na kumakain.

"Where's Clarissa?" Pumunta si Charlotte sa coffee maker at nagtimpla ito ng espresso. "She's in the garden. We didn't ask her to cook kasi maaga pa," tugon ni Marcus.

Halatang ayaw siya pansinin ni Charlotte habang kinakausap nito ang kapatid. Fine by me. Pabor na turan ni Dionne sa isipan nang kanina pa napapansin ang pag-iwas ng tingin ni Charlotte.

Hindi maiwasan pagmasdan ito ni Dionne habang nagluluto ng omelet. Nakasuot si Charlotte ng full riding gear, tight fit black jodhpurs na bumagay sa kurba ng kaniyang legs, at berdeng jacket na umayon sa puting long sleeves. Kung hindi lang nasa Pilipinas ang villa, iisipin ni Dionne na nasa Europa ito dahil sa ganda ng damit na bumabagay kay Charlotte. "What's her skin secret?" hindi maiwasan ni Dionne na mapansin ang makinis na kutis ni Charlotte, walang make-up ngunit maganda pa rin tingnan. Nakatali ang mahabang buhok ni Charlotte, at naging matingkad ang kulay nito nang nasinagan ng araw mula sa bintanang salamin, mistulang dark blonde na bumagay sa porselanang kutis. Simple lang ang ayos ni Charlotte, nakasuot lang ng isang pares na earrings na may disenyong diamante.

"Ready na ba yung ibibigay sa mga bata? I can buy more if you want? Ipapasyal ko rin si Dionne sa bayan," sambit ni Marcus habang nakatingin sa kapatid.

"It's already set, I want you to be there. I need you to be on my team. Maraming naisip na games si Clarissa," sumandal si Charlotte sa kitchen counter at komportableng hinigop ang espresso mula sa itim na mug.

Nang matapos na si Dionne magluto, tinanggal niya ang suot na apron. Nakasuot siya ng sports bra na pinatungan ng grey fitted sando at black yoga pants. Abala ang atensiyon ni Dionne sa paglalagay ng omelet sa plato, nakayuko ito kaya nakita ang cleavage na sadyang asset ni Dionne, dahilan para saglit na mawala ang atensiyon ni Marcus sa kausap at napatingin kay Dionne na sinundan naman ng tingin ni Charlotte. Tinupi ni Dionne ang apron at inilagay ito sa lalagyan na malayo sa counter, kaya nakita na ang buong katawan niya na nakatago kanina sa counter. Tinali ni Dionne ang kaniyang buhok na katulad ng messy bun, nasinagan ang leeg ng araw at naging mapula ang tainga. Nakikita ang ilang hibla ng buhok sa likod ng makinis na leeg at na-highlight sa sikat ng araw ang bawat kurba ng katawan, mula balikat hanggang paa na nagpatingkad sa alindog ni Dionne.

Dandelions in the WindWhere stories live. Discover now