1

1.1K 47 7
                                    


11:30 PM

Isang lalaki ang nakatayo sa nakabukas na pinto ng kwarto. Matangkad, na may taas na 6'2, moreno, at matipuno. Nakasuot siya ng brown na polo shirt at itim na pantalon. Clean shaven, matangos ang ilong, mapungay ang mga mata na binagayan ng makapal na kilay at mahabang pilik mata. Sa edad na twenty-four ay kilala na si Marcus Del Pierro sa larangan ng negosyo. Madalas makita ang kanyang mukha sa mga magasin kasama ang ilang sikat na chef dahil sa kanyang sikat na chain of restaurants sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. "Do you like to eat dinner? I can order food if you want?" tanong ni Marcus. Nakatingin siya sa banyo habang nakabukas ang pinto. Maririnig ang marahang pagbuhos ng tubig mula sa gripo. "Sure. I'll take the wine. I need to go home," boses ng babae ang sumagot sa tanong nito.

Sumandal si Marcus sa pinto at inilagay ang kanang kamay sa bulsa ng pantalon. "Are you sure you don't want to stay?" Tumikhim siya at pilyong ngumiti. "You know, Dionne, you can just say it?" Napadako ang tingin niya sa kama, makikita ang isang king-size bed na nababalutan ng itim na kumot. Malawak ang kwarto na napapalibutan ng glass windows. May nakasabit na dalawang abstract paintings sa puting pader, may 70-inch wall TV na pinaganda ng mga ornamental plant sa gilid at kapansin-pansin ang malaking aquarium malapit sa black leather sofa na bumagay sa Persian carpet. Bahagyang nakabukas ang pulang kurtina, at sa labas, makikita ang kumikislap na mga gusali.

"No, to your first question."Lumabas ang babae sa banyo. Nakasuot lang ito na itim na bra at lacey panty. Nasa 5'10 ang tangkad, slim ang legs, well toned ang mga braso at malaman ang dibdib. Tumingin si Dionne sa dako ni Marcus. "Say? What?" nakakunot noong tanong nito. Bahagyang nagsalubong din ang kilay. Halatang hindi ito masiyadong gumagamit ng eyeliner dahil natural ang kapal at perpekto ang kurba ng kilay nito. Bumagay din sa kaniyang maliit na mukha ang maliit na nunal sa kaliwang kilay, mapungay ang mga mata na mukhang laging inaantok ngunit mas nakakaakit tingnan dahil parang tinunaw na tsokolate ang kulay ng mga mata nito. "Wala akong maalala, Marc? I mean...may nakalimutan ba ako at need mo ako i-remind?" Pinulot ni Dionne ang white blouse sa sahig at sinuot. Sabay din tinali ang buhok na abot balikat at sinuot din ang black fitted mini skirt.

Tumikhim si Marcus. "You don't want to stay? Dito ka na muna matulog, it's late bukas ka na umuwi." Pahayag nito at nauna nang pumunta sa malawak na kusina, binuksan ang cupboard at kumuha ng dalawang wine glass.

Umupo si Dionne sa mahabang stool na malapit sa kitchen island. "You left me unsatisfied, I need to take my frustration to my bed." Nakangiting biro nito.

"That's not what I heard a couple of minutes ago." Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Marcus. Kumuha ito ng isang bote ng wine, binuksan gamit ang cork at ekspertong binuhos sa dalawang baso.

"Uh-uh. What did I say?" Mapanghamon tugon ni Dionne, umarko ang kanang kilay nito at paharap na sumandal sa counter.

"Oh! Harder!" Natatawang turan ni Marcus at sabay na inilapag ang dalawang baso ng alak sa counter at umupo sa tabi ni Dionne.

Isang matulis na heels ng sapatos ang sumipa sa paa ni Marcus. "Ouch! Please don't hit me!" Tumawa ito at bahagyang napangiwi sa sakit.

"You deserve it!"

"Okay!" Tumikhim si Marcus at seryosong tumingin sa katabi. "So?"

"So?" Inulit ni Dionne ang tanong at uminom ng alak.

"When are you going to tell me that you're in love with me?" ulit na tanong ni Marcus.

Napaubo si Dionne nang masamid sa alak. "A-anong klaseng tanong 'yan?" Tumatawang sagot niya at napailing.

"It's alright, Baby. I know. You're in love with me."

"In your dreams," walang ganang tugon ni Dionne. Mas umepekto pa ang ininom nitong red wine na gumuguhit sa lalamunan kumpara sa sinabi ni Marcus.

Dandelions in the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon