16

330 30 10
                                    


"Is it far?" Humihingal na tanong ni Marcus habang tumatakbong nakasunod kay Dionne.

"C'mon we're almost there!" Sigaw ni Dionne na tumatakbo papunta sa hanay ng Jacandara trees. Nang makaabot ay tumigil at napaupong sumandal sa puno. Umiihip ang sariwang hangin at may mga pulang dahon at asul na bulaklak ang sumasabay sa hangin. Tiningnan ni Dionne ang suot na relo. Alas siete pa lang ng umaga at matingkad na ang sikat ng araw. Napapikit muna ito habang nakasandal at hinayaan ang hangin na haplusin ang kaniyang mukha.

"This is not our route whenever we run," takang tanong ni Marcus nang makarating. Umupo siya sa tabi at sumandal din sa puno.

"Here." Inabot ni Dionne ang hawak na bottled water sa katabi. "It's not even far. You look tired," tukso nito. "It's nicer here. The view is too beautiful, it's shaded, and not too hot," dagdag din niya. Hindi man lang pinagpawisan ang suot na red sando at black yoga pants. Habang si Marcus ay basa na ang puting t-shirt at humihingal pa. "You're right, I seem to lose out of shape, I'm too busy focusing on my
restaurant."

"How did it go? How's the business?" tanong ni Dionne at uminom ng tubig mula sa bottled water. "It's fine. Naayos na rin problema. Everything is going smoothly for now," sagot ni Marcus. Pinagmasdan niya mga nalalagas na bulaklak at may mga paru-paro rin na lumilipad sa kanilang kinauupuan. "You're right, this place is cozy and beautiful."

"Told you." Nakangiting pahayag ni Dionne at uminom ng tubig.

"By the way, Neil invited us to a party. Mamayang gabi ang celebration. Opening night ng spa. There will be fireworks and lots of booze, so I guess I'll be more out of shape." Lumingon siya sa dako ni Dionne. "Me and Charlotte, we're going." Saglit napatigil magsalita si Marcus at napahaplos sa batok. "Pwede ka bang sumama?" nahihiyang paanyaya nito.

Bahagiyang kumunot ang noo ni Dionne. "Tonight? I don't have a dress. I don't think I can go. Besides, I don't think I can buy dress to wear right now, walang boutique sa San Mateo. The shopping malls sells casual wear."

Naging malapad ang ngiti ni Marcus sa narinig. "I got you covered. Charlotte agreed to lend you some of her dress. That's, if you want to go?"

Napatingin si Dionne. Mababasa sa mukha ni Marcus na umaasa ito na papayag siya. Napabuntonghinga na lang si Dionne, wala na rin siyang maisip na dahilan para tumanggi. "Sure, why not," kaswal na sambit nito.

"That's great! I can't wait to go to the party! I heard that Neil, hired the famous Dj for his rave party," hindi maitago ang pananabik sa boses ni Marcus sapat na dahilan para matawa si Dionne. "Hold on there, cowboy! You need to recharge. You're too tired," panunukso nito.

Tumayo si Marcus. "I'll be heading home. I'll ask mom to call her massage therapist. You want to join?"

Umiling si Dionne, tinatamad pa siyang gumalaw. Masyadong malambot ang mga damo na kinauupuan nito at ang presko ng hangin. "You go ahead. Have you seen Charlotte? I need to talk to her about the dress."

"If you can't find her in the house, she's in the stable." Natatawang turan ni Marcus at nagsimulang maglakad palayo. "See you later!" Kumaway si Marcus at nagsimulang mag-jogging papunta ng mansiyon.

"See you!" Sigaw na pahabol ni Dionne at hinatid ng tanaw si Marcus hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kaniyang paningin.

++++

Napagpasiyahan ni Dionne na pumunta sa kuwadra bago umuwi ng mansiyon. Makulimlim ang kuwadra nang pumasok ito, bawat kabayo ay may sariling silid na mabibilang sa sampu. Malinis ang pasilyo at wala rin amoy. "Hello, goodmorning," magalang na bati ni Dionne sa mga trabahante ng kuwadra na nakakasalubong. "Good morning po, Miss Dionne," sinusuklian din ang kaniyang bati na may kasamang ngiti.

Dandelions in the WindWhere stories live. Discover now