9

309 33 6
                                    


Ekspertong isinalin ni Clarissa ang red wine sa baso ni Dionne. Inilapag din ang isang plato na naglalaman ng umuusok na beef steak, dinurog na parsley at ilang hiwa ng carrots. Nalalanghap ang linamnam ng karne, amoy ng paminta at butter na dumudulas sa ibabaw ng mainit na inihaw na karne. "Thank you." Magiliw na pasalamat ni Dionne sa mayordoma pagkatapos pagsilbihan. Tumango ang mayordoma bilang tugon at nagtungo sa puwesto ni Charlotte na nakaupo sa harapan ni Dionne.

Maaliwalas ang loob ng dining room, winawagayway ang mga puting kurtina sa pagpasok ng hangin na nagmumula sa malalaking bintana. Makikintab ang mga kubyertos na nakalatag sa dining table, may  mangkok ng sopas, lalagyan ng sauce at ilang baso para sa juice, wine at tubig. Kasali na rin ang ilang prutas na maayos na nakalatag sa malaking dining table at ilang rosas na nakalagay sa flower vase.

"What a delectable lunch you have here, Clarissa." Humahangang sambit ni Charlotte pagkatapos rin siyang pagsilbihan nito. Nangibabaw ang kulubot sa gilid ng mata ng mayordoma nang ngumiti ito. "Gaya ng bilin niyo, pinaghanda ko na rin kayo ng dessert. Yung paborito niyong strawberry cake," saad nito. "You're spoiling me. I'll be gaining more weight when I get back at work." Lumalim ang dimples ni Charlotte nang ngumiti at tinikman ang steak. "Wonderful as always." Papuri nito, yumuko si Clarissa bilang tugon at tahimik na bumalik ito sa kusina.

"I'm surprised you finally agreed to see him." Natutuwang saad ni Margaret. Nagsalin ito ng orange juice sa baso at uminom. Marahang hiniwa ang steak sa maliit na piraso, tinusok ng tinidor at eleganteng kinain na hindi man lang nasayaran ng mantika ang pulang lipstick. "You see, Dionne, I've been telling my daughter to socialize and have a romantic date with Neil or with any guy she likes." Banayad na pinahid ang labi nito gamit ang table napkin at pinagpatuloy ang pagsasalita. "Now, out of the blue she decided to refrain from work and have a life, isn't wonderful?" Nakangiting turan nito.

"Yes, wonderful indeed, Margaret." Nakangiting pag-sang ayon ni Dionne, kinuha nito ang baso na naglalaman ng red wine, hinawakan sa manipis na hawakan at banayad na pinaikot ang alak. Tumingin ito sa dako ni Charlotte na nasa kaniyang harapan. "Are you always busy in work? Even if you're having a vacation?" tanong nito.

Binaba ni Charlotte ang tinidor na may nakatusok na steak. "Uhm...yes. I really have no time to socialize. So, I guess, I'll try."

"Why all of a sudden? He must be really special." Tipid na ininom ni Dionne ang red wine matapos paikutin ang likido nito.

"Charlotte wants  some distraction. Staying in this house is such a temptation. Isn't that what you told me, dear?" walang anumang sagot ni Margaret.

Muntik nang masamid ni Charlotte ang ininom na white wine at napaubo ito. "I need a distraction from work, mom. I'm ---I'm always tempted to work." Namumulang pahayag nito at agad pinunasan ang bibig. "You always told me to hang out, get off from work. I'm just doing what you told me." Napahaplos ito sa buhok at itinuon ang pansin sa paghiwa ng steak.

"Careful with the wine, dear." Marahang tinapik nito ang kamay ng anak.

Hindi maiwasan ni Dionne na matawa ngunit pinigilan kaya napakagat labi na lang. Pinahid ang tinidor sa sauce at banayad na inilagay sa ibabaw ng hiniwang steak. Marahang binudbod ang dinurog na parsley sa ibabaw ng karne, tinusok ang hiniwang steak gamit ang tinidor at eleganteng kinain na nakasara ang bibig. Sumambulat ang linamnam ng pinaghalong butter, karne at parsley sa panlasa nito. Napapikit at mahinang bumuntonghinga si Dionne sa sarap.

"What about you, Dionne? Are you enjoying your stay here? It's unfortunate Marcus isn't here para samahan ka." Napabuntonghinga si Margaret. "Ah, my children's priority is work. I think namana nila sa kanilang lolo. My dad likes to work a lot."

Dandelions in the WindWhere stories live. Discover now