10

305 32 5
                                    


7:00 am.

"You know, madali lang lutuin ito. Japanese omelet is one of my favorites. There are a lot of omelets, French-style, American-style, Souffle, and Frittata." Kuwento ni Dionne habang nakatayo ito malapit sa counter at nagluluto. Maayos na nakalagay sa malaking bowl ang mga binasag na itlog, maliliit na bote na naglalaman ng spices at iba pang gamit sa pagluluto. "You want more?" magiliw na alok niya kay Clarissa.

"Busog na ako, Dionne. Ang dami ko nang kinain. Ang dami palang klase ng omelet." Natutuwang pahayag ng mayordoma, bagama't istriko ang unang tingin kay Clarissa ay madali ito mapatawa at makagaanan ng loob. Dahilan para hayaan niya na magluto si Dionne at hindi rin niya inaasahan na ipagluto rin siya nito. "Yes, it's one my favorite food that's the reason why I love to cook it." Turan ni Dionne habang may hawak na spatula at nagluluto ng omelet. Nakasuot lang ito ng green two-piece bikini na pinatungan ng grey silk robe. Hindi man lang naasiwa si Clarissa sa suot nito dahil sanay na rin na nakikita si Dionne na gumagamit ng swimming pool at minsan ay napapadaan sa kusina para kumuha ng inumin.

Tumayo si Clarissa sa pagkakaupo pagkatapos kainin ang omelet. Itinabi niya ang plato sa lababo at naghugas ng kamay. "Iwan mo na lang yan pinagkainan, Dionne hah." Magiliw na tinapik nito ang balikat. "Ako na bahala magligpit. Punta muna ako sa garden tatapusin ko muna yung pinatanim ko sa hardinero."

"Thanks. I'll make sure to tidy up!" Nakangiting tinaas ni Dionne ang hawak na spatula nang magpaalam si Clarissa at umalis na ito.

Pinahina muna ni Dionne ang apoy at binaba ang spatula. Kinuha ang chopping board at nagsimulang hiwain sa maliliit na piraso ang scallions, mushrooms at crab meat. Abala ito sa pagluluto at tanging ang ingay na nagmumula sa chopping board ang maririnig sa loob ng kusina. Inalintana rin nito ang sikat ng araw na humahaplos sa kaniyang katawan. Kita ang tingkad ng green two piece bikini nito dahil hindi man nag-abalang itali ni Dionne ang suot na grey robe. Magmula ulo hanggang balikat ay nasisinagan ng sikat ng araw ang katawan nito. Nakalugay ang buhok na tumatakip sa kalahating mukha ni Dionne at hindi tinamaan ng araw mula sa bintanang salamin.

Isang mahinang tikhim ang narinig malapit sa pintuan. Napaangat ng tingin si Dionne at awtomatikong ngumiti. "Hey! Good morning!" Pansamantala rin itinigil ang paghiwa sa chopping board.

Nakahalukipkip lang si Charlotte at nakasandal ang braso sa pintuan. "Am I in the wrong kitchen?" Bungad nito, nakasuot na riding gear at nakatali ang buhok. Beige long sleeves at grey pants ang suot na bumagay sa mahabang boots. Nakasuot din ng itim na guwantes na gawa sa leather at black coat na katulad sa equestrian.

"What do you mean?" pagtatakang tanong ni Dionne.

Lumapit si Charlotte at tinanggal ang suot na guwantes. Inilapag ito sa ibabaw ng kitchen island at umupo sa mahabang stool. "I'm just surprised seeing you cooking in the kitchen, half naked." Kaswal na wika nito, pasimpleng iniwas ang tingin at hinawakan ang nilapag na guwantes. Hindi yata nakatulong na maupo sa harapan ni Dionne dahil nakikita ang buong katawan nito sa malapitan at wala rin silbi ang suot na robe. Nakikita ang ganda ng hugis ng clavicle, ang dibdib na kasing laki ng melon, di masiyadong malaki di rin maliit.

"Oh! Right..." Mahinang tumawa lang si Dionne at pinagpatuloy ang pagluluto. "I'm planning to take a swim. Nagutom ako. I went to the kitchen and crave something to eat. So, I've been thinking if I'm going to eat half-naked, I might as well cook half-naked."

"You didn't ask, Clarissa? You can always ask her if you need anything," suhestiyon ni Charlotte.

"I..." Saglit na umangat ang tingin ni Dionne at ibinalik ulit sa pagluluto. "I kinda bribe her?"Nakayukong tumawa ito. "I cooked meal for her," walang anumang pag-amin nito.

Dandelions in the WindWhere stories live. Discover now