14

286 33 10
                                    


Lumusot ang banayad na sikat ng araw sa bintanang salamin habang mahimbing pa ring natutulog si Dionne. Ilang beses nang nag-vibrate ang suot niyang smart watch, senyales na may tumatawag sa kanyang telepono. Biglang naalimpungatan si Dionne at agad niyang tiningnan ang relo: Tracy Arnaiz, calling.

Agad hinanap niya ang telepono at natagpuan sa ibabaw ng bedside table. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag. "Hello, Tracy?" paos na sambit ni Dionne, boses na halatang kagigising lang. "Hi, good morning, Dionne. I just called to let you know that Miranda has moved the event date up. We're now holding it three weeks earlier. Is that fine with you?" Wika ni Tracy sa kabilang linya.

Napaupo si Dionne sa kama. "Yes, that's fine. I was half-expecting it to be moved up. It's better that way than getting canceled, right?" Nahimasmasan na siya at tuluyang nawala ang antok. Ngayon niya lang napansin na mag-isa lang siya sa kuwarto.

"Oh, that's great. Kagigising mo lang ba?" tanong ni Tracy nang napansin ang mahinang boses nito. "Yes, I just woke up. If it wasn't for your call, I'm probably still sleeping," sagot ni Dionne at dumiretso sa banyo.

"Oh, sorry for waking you up," nahihiyang paumanhin ni Tracy. Binuksan ni Dionne ang gripo, pinuno ng tubig ang baso, kumuha ng bagong toothbrush, at nilagyan ito ng toothpaste. "It's alright. Mabuti na lang tumawag ka. It's already late, and I need to get going. Is there anything else, Tracy?"

"No. That's it for today, Dionne. I'll keep you updated. Bye." Si Tracy na ang nagkusang putulin ang tawag.

Binaba na ni Dionne ang telepono at sinimulan mag-ayos ng sarili. Pagkalipas ng ilang minuto, may narinig si Dionne na ingay sa kusina. Naisip na nasa kusina si Charlotte at nagluluto. Hindi maiwasang maaliw ang mukha ni Dionne sa hinala.

Agad siyang lumabas ng kuwarto at nagulat sa hindi inaasahang bisita.

"Clarissa? What are you doing here?" nabiglang tanong ni Dionne nang makitang naghahanda ng almusal si Clarissa. May isang plato na nakalapag sa mesa, nakalatag rin ang mangkok ng fried rice at isang plato ng omelet. Isang basong juice, tubig at nakahanda na rin ang tasa para sa kape. "Good morning, Dionne! Nauna nang umalis si Charlotte. Hinatid na rin yung mga kabayo. Sasabayan kita papunta sa mansion, nakahanda na rin ang susuotin mo," magiliw na wika ni Clarissa habang hinahanda ang table napkin at nagsalin ng malamig na tubig. "Halika na, kumain ka na ng almusal. Upo ka." Kinuha na ni Clarissa ang kamay ni Dionne at iginiya na maupo. Nalilito man ay naupo na rin si Dionne.

Tahimik na nagsalin si Dionne ng fried rice sa plato at tinikman ang omelet. "Thank you, Clarissa for this." Itinago na lang ang gumugulo sa kaniyang isipan at ngumiti kay Clarissa. "Walang anuman. Maiwan na muna kita, Dionne. Kain ka lang. Hintayin na lang kita sa labas; tawagin mo lang ako kung may kailangan ka," paalam ni Clarissa at hinayaan siya na mag-isa.

++++

Napatingin si Dionne sa suot na relo. Alas-diyes y medya na pala ng umaga. Isinuot niya ang malinis na riding gear na inihanda ni Clarissa: puting long sleeves, jodhpur pants at itim na coat. Naisuot na niya ang kanyang boots at sabay silang sumakay ni Clarissa sa kotse. Hindi maipaliwanag ni Dionne ang kaba na kanyang naramdaman habang papasok sa mansyon.

"There you are! I miss you!" Mukhang kakarating lang ni Marcus mula sa biyahe, na makikita sa gusot ng kanyang asul na polo at jacket. Agad siyang sinalubong at niyakap ni Marcus, na may bakas ng saya sa mukha nang makita si Dionne na nag-iisa at nakatayo malapit sa hagdanan. "What time did you arrive?" Gumanti rin ng yakap si Dionne.

"Past eight. Mom told me you and Charlotte stayed in a cabin last night due to the storm," wika ni Marcus, nanatiling nakayakap kay Dionne. "Yes. Sorry, I woke up late. Hindi tuloy kita nasundo," saad ni Dionne, habang unti-unting lumuluwag ang yakap niya kay Marcus.

Dandelions in the WindWhere stories live. Discover now