Chapter 41

120 2 0
                                    

Ember's POV

"Anong simangot 'yan?" Natatawa niyang tanong.

Napairap ako at saka dinukwang ang mukha ko sa kanya. Nagda-drive siya ngayon at napansin ko agad na nagtaas-baba ang adams apple niya dahil sa ginawa ko. Lihim akong napangisi. Ganito pala kalakas ang epekto ko sa kanya.

"Bakit pinagkakalat ni Kyline na ikakasal kayong dalawa? Imbes na hindi ko pinagsasabi sa mga katrabaho ko na asawa kita, naipagyabang ko pa tuloy kanina dahil nakakainis si Kyline!"

Ipinarada niya ang sasakyan sa isang gilid. Magtataka sana ako pero mas okay na 'to, para makapagusap kami ng maayos.

"Alam mo ba 'yang kababata mo napaka-feelingera?! Binibigyan pa ako ng invitation para sa engagement party nyo raw dalawa! Sinong hindi kukulo ang dugo sa ganoon?! Isipin mo, ako ang asawa pero siya ang nagbibida-bidahan sa hospital at sinasabing pakakasalan mo sya?! Ang funny diba?!"

Kulang nalang ay magbuga ako ng apoy mula sa ilong ko sa sobrang gigil!

"Kaya pinapunta kita sa hospital nang makita ng mga tao kung sino ako sa buhay mo! At nang 'yang si Kyline ay malaman kung hanggang saan lang siya sa buhay mo!"

"Nakakatakot ka naman pala magselos baby.." natatawa niyang sabi bago kinuha ang isa kong palad. "Sila mommy lang naman ang may gusto na makasal ako kay Kyline at sisiguraduhin kong hindi mangyayari 'yon. Ikaw lang ang gusto kong pakasalanan at iharap sa altar, Ember."

Sa sinabi niya ay napangiti ako. Hinawakan ng maliit kong mga kamay ang mukha niya at dinampian siya ng halik sa labi.

"Dapat lang na ako lang, binigyan kita ng pangalawang pagkakataon kaya alagaan mo. At binigay ko rin sayo yun hindi para hayaan kong masira ng ganoon-ganoon lang. Dalawa tayong aalagaan ang pagkakataon na 'to para kay baby Angelo," napangiti siya sa sinabi ko.

Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya. "I love you so much, Dean..." bulong ko sa tainga niya.

Halos hindi ko na nakikilala ang sarili ko simula nang tanggapin ko siyang muli sa buhay ko. Parang lumabas ang isang ugali kong nakatago. Katulad nitong paglalambing ko sa kanya na ngayon ko lang ginawa.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa beywang ko at ang pagbaon ng mukha niya sa leeg ko. Inaamoy at pinapatakan niya iyon ng magagaan na halik. Naghahatid iyon ng kakaibang pakiramdam sa akin.

"Mahal kita, Ember. Mahal na mahal.." bulong niya sa leeg ko.

***

Full Chapter is Available on VIP :)
Posted on VIP : May 3, 2024

Full Chapter is Available on VIP :)Posted on VIP : May 3, 2024

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ex-Convict: Deangelo MondegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon