Chapter 1

7.3K 327 38
                                    

Ember's POV

PAUWI na ako mula sa school. Ginabi na ako dahil kailangan ko pang tapusin ang report ko sa library. Wala kasi akong libro kaya kailangan ko na sa library gumawa dahil kumpleto roon at may computer na libre mong magagamit.

Napatingin ako sa suot kong relo. Napamura ako nang makitang pasado alas-otcho na ng gabi. Tiyak na nag-aalala na si Lola Mercedez sa akin. Ito kasi ang kauna-unahan kong pag-uwi ng gabi. Hindi sanay iyon na umuuwi ako ng late. Binilisan ko na ang paglalakad para makauwi agad.

Nakakaramdam ako ng takot dahil madilim sa dinaraanan ko. Hindi ako sanay ng naglalakad mag-isa lalo na at gabi.

May iilan akong nakakasalubong pero mga hindi ko naman kilala. Mga taga-ibang baranggay siguro sila.

Gusto kong umatras nang maalala ko na ang dadaanan ko ay medyo magubat at madilim na mas'yado roon. Kung di naman ako agad uuwi, saan ako tutuloy? At ayokong mag-alala ang Lola sa akin. Huminga ako ng malalim bago mas binilisan ang lakad papasok sa magubat na daanan. Naka-ilang sign of the cross na ba ako?

Ah basta! Lord, please po. Keep me safe po hanggang sa makauwi ng bahay. O kahit po may makasalubong lang ako na kakilala ko na makakasabay ko sa paguwi.

Dasal lang ako ng dasal at paulit-ulit lang din ang sinasabi ko nang makarinig ako ng rumaragasang sasakyan. Napatingin ako sa taas at sasakyan nga iyon na mahuhulog dito sa kinalalagyan ko. Bundok itong lugar namin at ang kinalalagyan ko ay bangin na. Habang sa taas ay tanaw mo ang high-way kung saan iba't-ibang sasakyan ang dumaraan.

Sa taranta ko ay hindi ako agad nakagalaw. Pumikit na lamang ako at hinintay ang pagtama ng sasakyan sakin pero makaraan ang ilang segundo ay wala akong naramdaman.

Pero napatalon ako sa gulat at napadilat nang marinig kong tumama ang sasakyan sa isang puno. Umusok iyon at namatay. Tatalon na ata ang puso ko sa takot at kaba.

Unti-unti ay lumakad ako papunta sa kinaroroonan ng sasakyan. Baka buhay pa ang sakay niyon.

Nang makalapit ako ay sumilip ako sa bintanang bukas at isang lalaki ang nakita ko. Duguan ito at walang malay.

Agad kong binuksan ang pintuan ng kotse niya at mabilis na hinagilap ang pala-pulsuhan niya. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko ito. Buhay pa siya.

Tinapik ko ang pisngi niya. Sa una ay hindi talaga siya nagre-response pero makaraan lamang ng ilang sandali ay umuungol na ito bilang sagot.

"Manong, naaksidente po kayo. Gumising na po kayo para masamahan ko kayo sa pagamutan." Ramdam ko ang panghihina niya dahil hindi niya maidilat ng maayos ang mga mata niya gustuhin man nito.

"Fuck! I'm so careless!" Sambit nito habang napapangiwi sa pag-galaw. Sigurado akong masakit ang katawan niya.

"Manong, dadalhin ko kayo sa pagamutan. May alam po akong--"

"Where am I?" Putol nito sa sinasabi ko. Lumilibot rin ang mga mata nito sa paligid.

"Nasa partes po kayo ng Nueva Vizcaya at nalaglag po ang sasakyan n'yo po dito sa bangin. Mabuti nalang ho at hindi kayo napuruhan." Npatingin siya sakin at napatitig na ikina-ilang ko.

"Who are you?"

"P-po?"

"Nevermind! Just--- fuck!" Daing niya at pilit hinihila ang paa niyang naipit. "Can you please help me?!" Pasinghal niyang sabi sakin na ikina-taranta ko.

"O-opo!" Ani ko at mabilis siyang nilapitan.

Ipinasok ko na ang katawan ko sa loob ng sasakyan niya at hinanap ang binti niya. Mabilis ko iyong hinawakan at hinila pataas para matanggal sa pagkaka-ipit.

Ex-Convict: Deangelo MondegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon