Chapter 39

102 3 0
                                    

Ember's POV

Napapikit ako habang pinagmamasdan ang sarili sa malaking salamin na narito sa loob ng banyo. Hindi mawala sa isip ko ang sakit at pagsusumamo na nakita ko sa mga mata ni Deangelo. Kailangan ko 'tong gawin para maisalba agad ang sarili ko sa taong minsan nang sinira ang buhay ko.

Inayos ko ang sarili ko at nag-retouch na rin ng make up ko upang maitago ang pamumula ng mga mata ko. Paglabas ko sa banyo ay siyang lapit sa akin ni Nicko na ipinagtaka ko.

"Anong ginagawa mo rito, Nicko?" Tanong ko.

"Nabalitaan ko na asawa mo raw ang may-ari ng hospital na 'to, totoo ba?"

Kumunot ang noo ko sa himig ng pagtatanong niya. I also noticed an unusual emotion in his eyes. I am not a psychiatrist, but we as human beings, we have instincts when someone in our surroundings has malicious intentions.

Iiwasan ko sana siya pero hinarangan niya ang daraanan ko. Napatingala ako sa kanya bago napaatras.

"Naghihintay ang pasyente ko sa akin, Nicko," ani ko sa malamig na paraan.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," seryoso niyang sabi na ikinalunok ko. Nakakaramdam ako ng takot sa kanya ngayon.

"Bakit kailangan kong sagutin ang tanong mo? Sino ka ba sa buhay ko?"

Sa sinabi ko ay napatigil siya at napatulala habang tinitingnan ako. Naningkit ang mga mata nya at hinablot ang isang braso ko na ikinangiwi ko sa sakit.

"Matagal na kitang gusto, Ember. At alam kong alam mo 'yun, unang tapak mo palang dito sa hospital ay akin kana," pinagpapawisan ako ng malamig sa mga oras na 'to habang nakatitig kay Nicko na namumula ang mga mata ngayon sa akin. "Pero naghihintay lang pala ako sa wala dahil may asawa kana at boss pa natin. Bakit, dahil mas mayaman siya? Mas makapangyarihan? Kung pera lang din ang hinahanap mo sa isang lalaki ay kaya kong—"

Isang malakas na sampal ang pinadapo ng malaya kong kamay sa isang pisngi niya, baka sakaling magising siya sa kabaliwan niya.

"Let me go, Nicko! You're not in your right mind! Bitawan mo ko bago ako magpatawag ng mga security!" Sigaw ko sa kanya.

***

Full Chapter is Available on VIP :)
Posted on VIP : May 1, 2024

Full Chapter is Available on VIP :)Posted on VIP : May 1, 2024

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ex-Convict: Deangelo MondegoWhere stories live. Discover now