Chapter 37

87 1 0
                                    

Ember's POV

Room 110

Pagpasok ko sa loob ay wala pa ang pasyente na babantayan ko. Naiinis ako dahil mas gusto ko mag-duty sa nursery room kung saan nakikita ko ang mga cute na sanggol. Hindi ko pa alam kung adult na o bata ang babantayan ko. Habang wala pa siya ay inayos ko na muna ang buong kwarto. Pinalitan ko rin ng mga bagong laba na punda, kumot at bedsheet ang kama. Nag-request ako ng mop sa janitor at ako na mismo ang naglinis ng sahig. Nang matapos ay kinuha ko ang alcohol at nag-spray sa buong kwarto.

Tiningnan ko ang suot na relo na nasa bisig ko, maaga pa. Minabuti kong kumuha muna ng kape sa canteen. Wala pa naman ang pasyente ko.

Bumaba ako mula sa second floor ng hospital at tinungo ang canteen na nasa groundfloor.

"Pupunta ka rin sa canteen? Sabay na tayo?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Nicko sa tabi ko pero hindi ako nagpahalata.

Hindi ako kumibo at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Sino yung lalaking sinamahan mo kagabi?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Ayoko maging rude, pero kung hindi naman tayo close bakit kailangan tanungin ang ganitong bagay? Ngunit naalala ko ang sinabi sa akin ni Wray, sabihin ko raw na may asawa na ako para tigilan ako nitong si Nicko.

Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Napatigil kami pareho sa paglalakad. Nagtataka siyang nakatingin sa akin.

"May asawa na ako, Nicko. Ayoko maging rude sayo pero ang uncomfortable ng pakiramdam ko kapag nagpapakita ka ng interes sa akin," diretsa kong sabi.

Natulala siya sa akin bago napaubo na parang may tinatanggal na tinik sa lalamunan niya. Pagkaraa'y natawa siya at mabilis na hinawakan ang mga kamay ko bago ngumiti pero hindi umabot sa mga mata.

"You're single, wala ka ngang singsing na suot," tawa niya.

Pahablot kong binawi ang mga kamay ko sa kanya at umirap.

"Live in palang kami," sabi ko at saka siya nilagpasan pabalik sa Room 110. Nawalan na ako ng gana magkape.

***

Full Chapter is Available on VIP :)
Posted on VIP : April 26, 2024

Full Chapter is Available on VIP :)Posted on VIP : April 26, 2024

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ex-Convict: Deangelo MondegoWhere stories live. Discover now