Chapter 13

2.3K 188 51
                                    

Ember's POV

Tulad ng gustong mangyari ni Dean ay sa front seat nga ako naupo, si Miss Venna at Cara ay magkatabi naman sa backseat. Ang dalawang pinsan niya ay nasa isang sasakyan habang nakabuntot sa amin.

"Here's my pillow neck, Ember. Medyo malayo ang biyahe natin." Napalingon ako kay Dean at agad bumaba ang tingin ko sa hawak niya.

Kinuha ko iyon at bahagyang ngumiti sa kanya. "Salamat," sabi ko.

Pakinig ko ang pag-ubo ni Cara sa likuran namin, "Sana all!" Tawa niya.

May narinig ako na parang nagdabog pero alam ko nang si Miss Venna 'yon.

"Alam ba nila Tita na may kasama tayong mga stangers?" Si Miss Venna at nasa tono ang pagtataray.

Nilingon ko si Dean na nasa tabi ko na nagda-drive.

"Walang problema sa mga magulang ko kung may isasama akong hindi na ibang tao para sakin, Venna." Malamig niyang sagot kay Miss Venna.

Napakagat labi ako nang marinig ang bungisngis ni Cara.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan, Miss Peñaflor?"

"Venna." Walang emosyon na sita sa kanya ni Dean.

Sa buong biyahe ay walang nangyari kung hindi ang mga parinigan, pagdadabog ni Miss Venna, at ang paulit-ulit na pagsaway sa dalawa ni Dean. Parehas yata kaming sasakit ang ulo sa dalawang nasa likod.

Sobrang layo ng binyahe namin dahil mula Nueva Vizcaya ay nakarating kami dito sa Tagaytay. Nakailang idlip din ako pero dahil hindi ako sanay sa biyahe na natutulog ay nagigising agad ako.

Parehas pa kaming walang dalang extra na damit ni Cara, tanging mga bag lang namin ang mga dala namin at ang laman ay ilang notebooks.

Sinundan ko ng tingin ang nakasulat sa itaas ng building. Hotel Kimberly. Mukhang private resort 'to.

"Venna, bumaba kana rito. Nasa loob sila mommy. Sabihin mo may pinuntahan lang kami sandali." Pakinig kong utos ni Dean.

Nagdadabog na bumaba ng sasakyan si Miss Venna. Malakas pa nitong sinara ang pinto ng sasakyan at nagmartsa papasok sa loob ng hotel.

"Sorry about her. Isipin n'yo nalang na may kasama tayong 7 years old." Napalingon ako kay Dean at naiiling siya na tinanaw din si Miss Venna.

"Ang tanda-tanda niya na, ganyan pa attitude niya?! May padabog-dabog pa! Teacher pa 'yan ha!" Inis na wika ni Cara na nasa likuran namin.

Nagkibit-balikat ako sa kanilang dalawa. Ayoko ng dagdagan ang mga sinasabi nila dahil tama naman sila. Hindi ko rin maintindihan si Miss Venna kung bakit mainit ang dugo sakin. Wala akong ginawang masama o mali sa kanya. Mabuti na nga lang at hindi naaapektuhan ang mga grades ko. Ayos naman siya magbigay sakin ng mga marka pero iba pa rin ang pakikitungo niya sakin kaya napapaisip ako.

"Saan tayo pupunta?" Si Cara nang paandarin ni Dean muli ang sasakyan niya.

"Sa malapit na mall lang. Bibilhan ko kayo ng mga gamit n'yo," sagot niya habang ang mga mata ay nasa daan.

"Ay mabuti naman! Wala kaming dalang kahit na anong gamit, maliban sa mga bag namin. Hindi mo kasi agad sinabi, hindi kami nakapaghanda tuloy!" Natatawang sabi ni Cara.

"Sorry, naisip ko lang na boring ang maikling bakasyon na ito kung hindi ko makikita si Ember." Seryoso niyang sabi na hindi man lang iniwan ng tingin ang daan.

Namula ako sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin. Pakinig ko ang kinikilig na tawa ni Cara sa likuran. Gusto ko siyang sipain palabas ng sasakyan.

"Wala kana bang ibang pinsan na single bukod sa dalawa?" Biglang tanong ni Cara matapos kiligin.

Ex-Convict: Deangelo MondegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon