Chapter 10

2K 179 46
                                    

Ember's POV

Lunch break namin at kanina pang alas-diyes ng umaga natapos ang maikling program para kay Dean at sa magulang nito. Hindi din ako nakalampas sa mga tsismisan ng ilang istudyante dahil sa nangyari kanina.

Kumakain kami ngayon dito ni Cara sa cafeteria. May ilang napapatingin sa lamesa namin pero hindi ko na sila pinansin.

"Ember, ang haba ng hair! Ganda ka te? Ganda ka?" Pang-aasar ni Cara na ikinairap ko.

"Tumigil ka nga, Cara. Kaya ako natsi-tsismis, e." Naiinis kong saway sa kanya pero tinawanan lang niya ako.

"Hayaan mo 'yang mga tsismosa na 'yan! Wala ka naman ginagawang mali. At isa pa, hindi ikaw ang lumalapit kay Dean, siya! Tingnan mo, susunduin ka raw niya mamayang uwian. Hayy, sana all nalang talaga ako..." Kinurot ko siya sa braso na ikinatawa niya.

"Alam mo, Cara.. tama si Miss Venna. Hindi magkaka-gusto sakin si Dean. Mayaman 'yon, ako eto lang ako oh." Tinitigan niya ako bago napailing na parang nadidismaya sa sinabi ko.

"Ember, huwag mong tingnan ang sarili mo na mababa dahil hindi. Sa relasyon hindi basehan ang estado sa buhay. Mahirap ka man o mayaman, kapag tinamaan ka ni kupido, aayaw ka pa ba? Parang si Dean lang 'yan. Tinamaan sa 'yo kahit mahirap ka lang. Alam niya 'yon at inayawan ka ba niya? Hindi! Ayan oh, sinasampal na sa 'yo na gusto ka niya at handa niyang gawin ang lahat para sa 'yo," seryoso niyang sabi bago huminga ng malalim at kumagat sa burger niyang hawak. "Ang tao kapag ayaw, aayawan ka niyan. Pero sa nakikita ko kay Dean mukhang malaki ang tama sa 'yo. Walang pakialam kung mahirap ka. Saan nga kayo ulit nagkakilala ng lalaking 'yon?" Pagpapatuloy niya habang ngumunguya.

"Naaksidente siya malapit sa amin. Ako ang nakakita sa kanya kaya tinulungan ko siya. Doon nagsimula ang lahat." Tumango-tango siya sa sinabi ko.

"Mukhang na-love at first sight sa 'yo si Dean. Nakakaloka kayo!" Tawa niya bago muling kumagat sa burger niya. "Gusto mo ba siya?" May ngiting multo sa labi niya habang hinihintay ang sagot ko.

Napailing ako at nagkibit-balikat dahil hindi ko alam kung gusto ko ba si Dean. Bilang kaibigan, oo.

"Bilang kaibigan, Cara," sagot ko. Hinampas niya ako sa braso na ikina-simangot ko.

"Seryoso ka ba? Wala ka bang ibang nararamdaman kapag nasa paligid siya?" Nangingiti niyang sabi bago ako hampasin ulit sa braso. "Sus, Ember! Ni hindi ka nga makatingin sa kanya ng mata sa mata, e! Wag nga ako! At isa lang ang ibig sabihin nyan, may nararamdaman ka para sa kanya." Tili niya habang kinikilig.

Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Hindi ko pa naman talaga alam kung ano itong nararamdaman ko para sa lalaking 'yon. Kailan lang naman kami nagkakilala.

Muli niya akong hinawakan sa braso at niyugyog.

"Parating na ang prince charming mo.." Kinikilig niyang wika.

Napatingin naman ako sa kung saan siya nakatingin at naroon nga si Dean at may kasamang dalawa pang lalaki.

Nagtama ang mga mata namin. Nanatili siyang seryoso habang ang dalawa niyang kasama ay mukhang nagkukulitan.

Ang ilang istudyante ay napapatingin din sa kanila.

Napalunok ako nang papunta sila sa direksyon namin ni Cara.

"Hala ka, Ember! Dito sila papunta, salubungin mo dali!" Tulak niya sakin pero matalim ko lang siyang tiningnan. Konti nalang ay mapipikon na ako sa babaeng ito.

Nang makalapit sila sa mesa namin ay kinuha agad ni Dean ang isang plastic na upuan at inilapit sakin bago siya naupo. Rinig ko ang eksaheradang pag-ubo ni Cara.

Ex-Convict: Deangelo MondegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon