Chapter 36

97 2 0
                                    

Ember's POV

"Nurse Ember, paki-check si baby Amara Santos," ani ng kasamahan kong nurse.

Isang buwan na akong naka-graduate at nakahanap ako kaagad ng trabaho, dalawang linggo na ang nakalipas. Malapit lang ito sa mansyon nila Don Vicente, pwedeng walking distance lang din kaya't hindi ako nahihirapan sa paguwi at pagpasok. Hindi katulad ng mga kasamahan ko sa trabaho na apura ang reklamo dahil sa traffic.

Pinuntahan ko kaagad ang baby na pinapatingnan ni Natasha sa nursery room. Mahimbing ang tulog nito at parang naghihilik pa na ikinangiti ko. Hinaplos ko ang pisngi niya. Naalala ko si Baby Angelo, hindi ko man lang siya nahawakan, nayakap, at nakita. Ni hindi ko rin narinig ang pag-iyak niya. Ilang taon na ang nakalipas pero para parin hinihiwa ang puso ko sa tuwing naaalala ang anak kong namayapa.

Ito ang pinili kong kurso at trabaho dahil gusto kong mag-alaga ng mga baby. Gusto kong maramdaman sa kanila ang pagiging isang ina kahit sa sandaling panahon. Hindi ko kasi 'yon nagawa kay Baby Angelo dahil nung mga panahon na 'yon ay mahinang-mahina pa ako. Kung alam ko lang na sa paggising ko ay wala na siya, hindi na sana ako lumaban pa. Siguro ngayon ay magkasama kami.

Isang iyak ang pumukaw sa atensyon ko. Ang isang bagong panganak lang din na sanggol na si Baby Henry ang umiiyak. Nilapitan ko siya at kinarga. Inayos ko ang lampin na nakabalot sa kanya at saka siya hinele-hele habang hinahaplos ang buhok niya. Humina ang pag-iyak niya hanggang sa makatulog na. Napangiti ako. Ang isa sa pangarap ko ay natupad na, ang magpatulog ng isang sanggol.

"Nurse Ember, lunch?" Si Nicko, isa sa katrabaho ko.

Hindi ko namalayan ang pagpasok nya sa nursery room dahil masyado akong nalibang sa pag-hele kay baby Henry. Isang haplos sa pisngi nya ang iginawad ko, bago siya maingat na ilapag sa higaan niya.

"Sige, susunod ako," tango ko kay Nicko habang inaayos ang higaan ni baby Henry.

Simula nang magtrabaho ako rito ay walang araw na hindi ako inimbita ni Nicko na kumain at palagi ko siyang tinatanggihan. Nabanggit din ni Natasha na may gusto sa akin si Nicko ngunit isinawalang-bahala ko iyon. Hindi ako interesado.

***

Full Chapter is Available on VIP :)
Posted on VIP : April 25, 2024

Full Chapter is Available on VIP :)Posted on VIP : April 25, 2024

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ex-Convict: Deangelo MondegoWhere stories live. Discover now