Chapter 20

596 21 3
                                    

Ember's POV

Nagising ako sa mga marahan na tapik sa aking pisngi. Pupungas-pungas kong iminulat ang mga mata ko at gumala agad ito sa paligid.

Hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa lalaking nakatanghod sa akin.

“Narito na ho kayo Miss Ember, naghihintay na po sa loob ang Lola po ninyo.”

Naguguluhan man ay sumunod na lamang ako sa kaniya papasok sa loob ng.. mansyon ba ito? Hindi ko na magawang makita ang bahay na ito mula sa labas dahil na rin sa pagtatakha ko.

Napakalawak na sala ang bumungad sa akin pagpasok ko sa main door. Walang tao. Puro maid lang ang nakikita ko.

“Uh, si Wray po?” Tanong ko sa lalaking sinusundan ko sa paglalakad.

“May pinuntahan lang po si Sir Wray sandali. Babalik din po siya kaagad.”

Inihatid ako nang lalaki sa isang kwarto kung saan naroon si Lola at isang matandang lalaki na hindi ko pa nakikilala.

"Hija, halika rito.." tawag sa akin ni Lola. Agad naman akong lumapit sa kaniya at nagmano. "Siya si Don Vincent, ang tatay ni Don Vicente na ama ni Wray."

Ngumiti ako nang matamis.

"Hello po! Ember Rose po." Pagpapakilala ko naman.

Ngumiti sakin ang matanda at tumango.

"May alam na ba ang magandang batang ito?" Tanong ng matanda kay Lola.

Umiling si Lola at ngumiti.

"Hintayin lamang natin si Wray at ang kaniyang ama para tayo'y makapagsimula na." Tumango na lamang ako kay Don Vincent.

Ano naman kaya ang dapat kong malaman? Ano nga rin ba ang dapat pag-usapan? Wala akong ideya dahil na rin ang mga taong ito ay ngayon ko lamang nakilala. Ni hindi ko nga alam na may mga ganitong tao na kilala pala si Lola. Hindi naman kami mayaman na tao. Nasa average lang ang pamumuhay namin kaya't nagtataka lang ako kung paanong may nakilala si Lola na mga ganitong kayayaman na tao.

Naputol ang pag-iisip ko nang bumukas ang pinto. Pumasok doon si Wray at si Don Vicente. Ngumiti agad sa akin ang matanda at marahan akong niyakap. Habang si Wray ay seryoso lamang.

"Kumpleto na tayo, pwede na nating umpisahan para pagkatapos nito ay magkasiyahan pa tayo." Wika ni Don Vincent.

"Ember, apo.. para sayo 'to." Wika ni Lola. Kahit walang maintindihan ay tumango na lamang ako.

"Ikaw Wray at Ember ay ipinagkakasundo namin para maging isa. . ." Napakunot ang noo ko sa sinabi ng Lolo ni Wray. "Tatlong buwan mula ngayon ay gaganapin ang kasal ninyong dalawa." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"A-ano po?" Naguguluhan kong tanong. Nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa tatlong matanda bago kay Wray. Nakakuyom ang isang kamao nito na tila nagpipigil ng galit. "Wala po ako naiintindihan. Sino po ang magpapakasal? K-kami po ni Wray?" Sumisikip ang dibdib ko sa mga narinig.

Tumango ang tatlong matanda. Halos kapusin ako ng hangin dahil sa paninikip ng dibdib ko. Masyado akong nabibigla sa mga naririnig ko ngayon.

"Nagjo-joke po ba kayo? Kasi hindi po magandang biro.." seryoso kong sabi. "At isa pa po, hindi po namin gusto ni Wray ang isa't isa."

"Anak, natututunan ang pagmamahal. Kalaunan ay mapapamahal din kayo sa isa't isa.." nagtawanan ang tatlong matanda sa sinabi ni Don Vicente.

Anong nakakatawa? Walang nakakatawa sa mga sinasabi nila sa amin ngayon. At hindi ko alam na uso pa pala ang arrange marriage na ganito.

Ex-Convict: Deangelo MondegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon