Chapter 40

110 2 0
                                    

Ember's POV

Kinabukasan ay nagising akong mag-isa sa kama. Naalarma ako dahil baka iniwan ako rito ni Deangelo. Mabilis ang naging kilos ko palabas nang silid. At dahil hindi naman ganoon kalaki ang condo niya ay natanaw ko kaagad ang malapad niyang likuran, nasa kusina siya at mukhang nagluluto ng almusal.

Ang mabilis kong paglalakad ay unti-unting bumagal patungo sa direksyon kung nasaan siya. At nang makalapit ay sumandal ako sa pader na papasok ng kusina at saka sya pinagmasdan.

Naglalakbay ang mga mata ko sa kabuuan ng lapad at tigas ng likuran niya. Para bang ang sarap yakapin niyon. Napakagat labi ako sa naisip. Fuck, Ember! Umayos ka. Para kang nanghahalay sa isipan mo!

"Love what you see?" Napapitlag ako nang magsalita siya.

Napaalis ako sa pagkakasandal sa pader at napatayo ng diretso.

"Anong niluluto mo?" Kaswal kong tanong, pilit ikinukubli ang kahalayan sa isipan.

"Usual breakfast, egg, bacon, hotdog, corn beef-"

"Tayong dalawa lang ba ang kakain? Bakit ang dami mong niluto naman?" Wika ko nang makalapit sa kanya, tumayo lamang ako sa gilid niya.

Nagluluto na siya ngayon ng fried rice. Napatingin ako sa matitigas niyang braso, naglalabasan ang ugat niya roon sa tuwing hinahalo niya ang kanin sa kawali. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin ngunit sumalubong sa akin ang pilyo niyang ngisi, may munti ring emosyon sa mga mata niya na para siyang natutuwa sa nakikita niya sa akin ngayon.

Inirapan ko siya at lumayo sa kanya. Naupo ako sa isang silya at nanahimik na lamang doon. Ayoko na syang tingnan at baka mahuli na naman ako.

Pero napatigil ako nang ma-realize ang ginagawa ko ngayon.. Shouldn't I be worried about what I am doing at the moment? Shouldn't I be feeling angry with him? Shouldn't I consider leaving this place now? Shouldn't I be concerned about the fact that he brought me here to his condo without my permission?

But he saved you, Ember.

Napapikit ako nang sinagot ko rin ang sarili kong mga katanungan. Tama, niligtas nya ako kaya kailangan kong ibalik sa kanya ang kabutihan niya. Ayoko lang din magkaroon siguro ng utang na loob sa kanya.

Huminga ako ng malalim at napa-face palm. Really, Ember? Sinong niloloko mo? Sarili mo lang din syempre. Hindi lang dahil gusto mong suklian ang pagligtas nya sayo, may iba ka pang nararamdaman na gusto mong gawin.

Napatingin ako sa inilapag nyang pinggan sa harapan ko. May laman iyong fried rice, scramble egg, corn beef, and bacon. Inilapag din niya sa gilid ng pinggan ko ang isang kape na humalimuyak kaagad ang bango, nagwala kaagad ang tiyan ko sa nakikitang nakahain sa harapan ko.

"Shall we eat?" He asked with a smile. Bahagya akong napatulala pero kaagad ko rin inayos ang sarili.

Bakit ba mas gumagwapo siya ngayon?

***

Full Chapter is Available on VIP :)
Posted on VIP : May 2, 2024

Full Chapter is Available on VIP :)Posted on VIP : May 2, 2024

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ex-Convict: Deangelo MondegoWhere stories live. Discover now