Chapter 38

110 2 0
                                    

Ember's POV

Natapos ang duty ko at nakauwi na ako pero laman pa rin ng utak ko ang sinabi ni Dean. Gusto nyang ayusin ang relasyon namin without knowing na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakausad sa sakit ng pagkawala ng anak namin, na sila ang rason kung bakit siya nawala sa akin.

Kung hindi niya ako iniwan sa ere baka ngayon ay masaya kami bilang isang pamilya. Buhay si baby Angelo at kumpleto kami. Ang sarap lang siguro sa pakiramdam na magkaroon ng isang buo na pamilya. Dahil ako mismo hindi naranasan iyon. Simula nang mamulat ako sa mundo ay si Lola na ang nag-alaga sa akin.

"Kumusta ang unang trabaho bilang nurse, hija?" Tanong ni Doc Vicente sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Okay naman po, masaya kahit medyo nakakapagod," sagot ko at saka ngumiti.

"On Sunday we need you here, there is important thing that we need to talk. Your Lola and Wray will be here too," wika niya.

"Sige po," sagot ko bago binalingan si Lola Mercedez. "Lola, next week magpa-file po ako ng leave for three days. May usapan po kami ni Cara na magkikita," patango-tango ang naging sagot niya sa akin. Napangiti ako at alam kong pinayagan niya ako.

Kung noon ay mahigpit sa akin si Lola, ngayon ay hindi na. Hinahayaan niya na ako sa mga desisyon ko.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Si Maam Olga ang tumatawag.

"Excuse me po, I need to answer this," turo ko sa cellphone kila Lola at sa Don. Tumango lang sila sa akin kaya't umalis ako sa hapagkainan.

Nagtungo ako sa terrace at doon sinagot ang tawag, baka importante.

"Hello, Maam?"

"Good evening, Mrs Mondego, sorry for the late call pero si Mr Mondego ayaw ipalinis ang mga sugat niya sa ibang nurse, gusto niya ay ikaw ang maglinis ng mga sugat niya. Straight duty ka muna ngayon, then tomorrow take your day off," wika niya sa kabilang linya.

Napatampal ako sa noo ko sa mga narinig. Hindi ko alam kung ano na namang kalokohan 'to ni Deangelo pero gustong-gusto kong sakalin ang leeg niya sa mga oras na 'to.

***

Full Chapter is Available on VIP :)
Posted on VIP : April 27, 2024

Full Chapter is Available on VIP :)Posted on VIP : April 27, 2024

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ex-Convict: Deangelo MondegoWhere stories live. Discover now