Chapter 15

2.7K 127 46
                                    

Ember's POV

Ang mga mata ko ay nasa pagkain na nasa harapan ko at iyon ang pilit kong binibigyan ng pansin, at hindi ang taong nakaupo sa harapan ko na walang ginawa kung hindi ang titigan ako. Sa bawat galaw ko ay ramdam ko ang pagsunod nang mga mata niya na dahilan para kumalabog ang dibdib ko.

Nang hindi ko na makayanan ay huminga ako ng malalim, at ibinaba ang kubyertos na mga hawak ko bago sinalubong ang mainit niyang titig.

“Pwede bang huwag mo kong titigan ng ganyan?” Mahina pero may kalakap na inis na sabi ko sa kanya.

Tumaas ang sulok ng labi niya bago umayos ng upo at nginisihan ako.

“Iba talaga ang epekto ng karisma ko sa’yo,” mayabang niyang sabi na ikina-irap ko sa kanya. “Sige na, hindi na kita tititigan. Ubusin mo na ‘yang pagkain mo. May tatawagan lang ako sandali.” Paalam niya bago ako iwang mag-isa sa lamesa.

Napairap akong muli sa kawalan at sinundan na lamang siya ng tingin na naglalakad palayo sa akin.

“Ember!” Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Cara habang nakasunod sa kanya ang mga pinsan ni Dean.

Mabilis silang lumapit sa lamesa kung nasaan ako.

“Oh, bakit mag-isa ka? Nasaan si Dean mo?” Pang-aasar  ni Cara na mabilis nakaupo sa tabi ko.

“Cara, hindi siya sakin. Umalis lang siya sandali dahil may tatawagan lang daw,” sagot ko pero nginisihan lang niya ako. Pinandilatan ko siya pero tinawanan lang niya ako. Ano pa aasahan ko sa kaibigan ko? “Kumain kana ba?” Pag-iiba ko.

“Oo, kasama ko ‘tong mga babaero kumain.” Biglang seryoso niyang sagot na ikina-kunot ng noo ko. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Gustavo.

Magtatanong sana ako pero dumating na si Dean at mukhang nagmamadali.

“Nakausap ko si Gunner, manganganak na si Azariah,” sabi niya habang nakatingin sa mga pinsan niya bago inilipat ang tingin sa akin. “Kailangan namin pumunta sa hospital at kasama kayo.”

“Ha?! Bakit kasama kami? Hindi ba pwedeng maiwan nalang kami rito ni Ember para makapag-enjoy?” Ramdam ko ang pagka-dismaya ni Cara.

“After natin sa hospital ay didiretso na tayong pauwi,” sagot ni Dean at muli akong tiningnan. “Are you done?”

Napatango nalang ako bigla dahil ramdam ko na hindi siya mapakali. Nakikita ko ang pag-aalala sa kanya.

“Let's go. Pack your things now. Magkita-kita nalang tayo sa lobby mamaya,” sabi niya kila Gustavo na mga tumango lamang at mukhang pati sila ay seryoso na ngayon.

“Eh, sila mommy mo? Si Miss Venna?” Tanong ko nang naglalakad na kami.

"Maiiwan muna sila rito.” Napatango-tango nalang ako at nag-iwas na ng tingin sa kanya.

Si Cara ay dumiretso sa kwarto niya habang ako ay hinatid ni Dean sa kwarto ko.

“Salamat sa paghatid. Aayusin ko lang mga gamit ko na nasa loob,” sabi ko bago hawakan ang seradura ng pinto.

“Hihintayin na kita rito.” Sagot niya na ikinatango ko na lamang bago tuluyang buksan ang pinto.

Pumasok ako at hindi na inabalang isara ang pinto. Tutal ay mabilis lamang ako.

Inayos ko ang mga gamit ko na nagkalat sa ibabaw ng kama bago kumuha ng mga damit ko at dumiretso sa banyo. Nagpalit ako ng isang summer dress. Wala akong choice kung hindi ito na ang suotin dahil ito na lamang ang tuyo kong damit. Ipinusod ko ng mataas ang buhok ko at tumingin sa salamin. Namumula ang pisngi ko dahil nababad sa init. Tinampal ko ng mahina ang magkabila kong pisngi bago tuluyang lumabas ng banyo.

Ex-Convict: Deangelo MondegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon