Chapter 17

539 27 7
                                    

Ember's POV

ISANG LINGGO na simula nang iwasan ko si Dean. Pagkatapos nung naging usapan namin sa loob ng banyo ay iniwasan ko na siya. Hindi ko alam kung dahil sa natatakot ako o galit talaga ako dahil sa nakita kong paghahalikan nila ni Miss Venna.

Ayokong aminin sa sarili ko na nakaramdam ako ng selos sa nakita ko, dahil natatakot ako para sa sarili ko. Natatakot akong magmahal sa mura kong edad. At lalong nakakatakot mahalin ang isang Deangelo Mondego.

Huminga ako ng malalim at binuklat ang librong nasa ibabaw ng mesa ko. Wala pa si Cara. Masyado yata akong napaaga sa pagpasok.

“Can we talk?” Awtomatikong nagrambulan ang dibdib ko sa gulat at kaba.

Hindi ako nag-angat ng tingin at nanatiling nakatitig sa libro na kunwa'y binabasa ko.

“Ember...” tawag niyang muli.

“Embeeeer!” Laking tuwa ko nang marinig ang sigaw ni Cara.

Nakahinga ako ng maluwag kahit na paano dahil sa pagdating niya.

“Ay, nandito ka pala Dean..” tikhim niya. “Ano pinag-uusapan nyo?” Curious niyang tanong kaya napaangat ako ng tingin.

Nilagpasan ng mga mata ko si Dean at diretsong tumingin kay Cara.

“Wala, bakit ngayon ka lang?” Pag-iiba ko ng tanong.

“You will talk to me now, young lady!” Malamig at may pagbabanta niyang sabi na ikinatingin ko sa kanya.

Sa gulat at bilis ng pangyayari ay pasan-pasan na niya ako na parang sako ng bigas sa balikat niya.

Naririnig ko pa si Cara na sumisigaw at nagtatanong kung ano raw ang nangyayari sa aming dalawa. Obviously, she have no idea.

Mabilis akong pumiglas sa pagkakapasan sa akin ni Dean ngunit masyado siyang malakas. Mabuti nalang at walang tao sa hallway na gagawin kaming pulutan sa tsismis.

“Anong ginagawa mo?! Ibaba mo ko!” Mahina ngunit puno ng gigil na sabi ko sa kanya. Ayoko makaagaw ng pansin sa ibang mga classroom na nadadaanan namin. At hangga't maaari ay itinatago ko ang mukha ko sa likuran niya upang hindi ako makilala kung sakali mang may makasalubong kami.

“Hinayaan kita na iwasan ako sa buong isang linggo, Ember. Sa tingin mo makakapaghintay pa ako ng isa pang linggo para lang kausapin mo ko? No way!” Malamig niyang sabi habang naglalakad pa rin. Mas nadagdagan ang hilo ko sa kinalalagyan ko.

Nang huminto siya sa paglalakad ay napadilat ako. Halos mahilo ako nang mabilis niya akong maiupo sa malamig na tiles.

Nilibot ko ang mga mata ko at nasa loob kami ng banyo. Banyo ng mga lalaki.

Matalim ko siyang tinitigan. Galit at inis at kung anong emosyon pa ang nararamdaman ko ngayon sa kanya. At hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit. Kahit ako mismo, hindi maintindihan ang sarili ko.

“Ano bang kailangan mo at kailangan mo pa akong buhatin na parang sako ng bigas?! Hindi ka ba nahihiya sa inasta mo at nasa loob pa man din tayo ng paaralan!” Angil ko sa kanya.

Malamig lamang niya akong tinitigan.

“Ano?!” Inis kong sabi sa kanya. Itinulak ko ang dibdib niya para magkaroon ng distansya sa amin. Iniupo lang naman niya ako sa ibabaw ng lababo rito sa banyo, habang siya ay nakatayo sa harapan ko.

Namulsa siya at umangat ang sulok ng labi. Para siyang natutuwa na napipikon sa akin. At wala akong pakialam.

“Avoiding me in a whole week Ember huh?” Walang emosyon niyang sabi.

Ex-Convict: Deangelo MondegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon