Kabanata XXXII

491 20 3
                                    


Chapter 32: She needs me.


**


''Sigurado kang ayos kana? Magsabi ka kung may masakit pari sa 'yo, ha?'' pang limang beses na tanong na 'to ni Czie sa akin ngayon. Medyo nakakarindi na rin.



''Oo nga! Juliet juliet lang?'' naiirita kong sagot. Ayoko ng paulit ulit talaga. ''Si Ck nga pala, nasaan? The last time I saw him noong araw pa na nagising ako.''



''Nagpaalam na kila Inang at Itang. May kailangan daw ayosin sa Hotel. Saka 'wag mo na nga isipin 'yon. Hindi mo naman na gusto si Ck hindi ba?''



''Hindi naman ako nagtanong dahil gusto ko pa siya. Natanong ko lang kasi syempre kahit papaano naging mabait siya sa akin, kaya nagaalala lang din ako. Bukod pa doon, kapatid siya ng girlfriend ko ngayon.'' napabuga ng hangin si Czie at umupo sa upuang katabi ng kama.



''Basta! Huwag mo nalang siya isipin ngayon. Dapat ang isipin mo ay yung sarili mo at si Miss Fuentero. Malaki na 'yon si Ck, hindi na kailangan alalahanin.''




''Naririto tayo ngayon sa isinagawang pres-conference kung saan matutunghayan at maririnig nating lahat ang pahayag ng may-ari ng Winterville University, ang nagiisang babaeng anak ng pamilyang Fuentero na si Cali Jaze Fuentero, ukol sa naganap na trahedya sa nasabing eskwelahan nitong kumakailan lang.''





Agad na nabaling ang atensyon ko sa telebisyon pagkatapos marinig ang pangalan na iyon. Kasama kong nanonood sila Czie, Inang at Itang. Si Miss Elli naman ay nagpa discharge kanina at sinundo ni Lucas bago samahan si Cali papunta sa pres-conference. Nagwawala ang puso ko sa sobrang kaba ko kahit nanonood lang naman ako. Syempre, normal feeling lang 'tong nagaalala parin sa mahal ko.



''Kalma ka lang, alam kong kaya 'yan ng bebe dragon so sweet mo. Para kasing kailangan kang pasakan ng sampong dextrose sa sobrang putla mo.'' pangaasar ni Czie. Simula noong nalaman niya ang tungkol sa amin ni Cali, dalawang araw na ang nakakalipas, wala talaga siyang tigil kaka-tudyo sa 'kin.



Like, paano ko daw nagayuma ang isang ubod ng sungit na proepsora tulad ni Cali. Hindi pa ba obvious?




'Ganda lang'




''Oo anak, 'wag ka masyadong kabahan. Alam naman nating matapang na babae si Cali. Magtiwala at magdasal lang tayo sa panginoon.'' Hinawakan ni Inang ang kamay ko para pakalmahin. Oo, alam na din nila Itang ang tungkol sa relasyon na meron ako kay Cali at wala silang problema doon. Hindi rin sila tumutol. Sobra pa nga ang suportang binibigay nila.

The Lunatic PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon