Kabanata VIII

1.1K 50 15
                                    



Chapter 8: Trust


**


Busy ang lahat sa kanya-kanyang pagkain dito sa cafeteria habang ako ay hindi maintindihan ang sarili kung kakainin ko ba 'tong pagkaing nasa harap ko o hindi. Halos hindi ko rin magalaw itong inorder sa'kin ni Czie. Until now, nasa isip ko parin ang nangyari kay Yna at ang ginawa ni Miss Fuentero.


Like, who is she para gawin 'yon kung marami namang pwedeng paraan. Kung siguro nandoon ako, baka magawan ko pa ng mas maayos na solusyon.


"Tulala ka diyan te? Huwag mo na isipin 'yon, tahimik na si Yna. Baka nag f-fly high na siya as angel tapos gagabayan ka niya. Baka nga siya yung butterfly kanina na nakita natin sa garden e." si czie na palaging walang matinong sinasabi.


Inirapan ko siya ng mata at bumuntong hininga. "Hindi ko kasi maintindihan kung bakit. Kahit ikaw, sige maiisip mo bang magagawa sa'kin ng isang professor na patayin ako knowing na tinagurian pang professor?"


"Hoy! Magtigil ka nga! Anong patay patay, walang mamamatay. Mas okay pang tumanda kang dalaga kaysa mamatay ka"


"Kaya nga sinabi ko na kung iisipin mo lang 'di ba? Saka hindi ako mamamatay. Sinong papatay sa'kin aber?" Iling-iling kong tanong.


"Ako" aniya habang seryoso ang mukha. Kumunot ang noo ko.


"Ako ang papatay sayo ng pagmamahal! Kaya bawal kang mamatay okay? Kahit barilin ka sa ulo, dapat pilitin mong mabuhay!"


"Immortal lang ang mabubuhay kapag binaril sa ulo at hindi ako 'yon. Ewan ko sa'yo Czie. Ikain mo 'yan, nalipasan ka ata ng gutom kaya kung ano ano lumalabas sa bibig mo"


Hindi ko na siya pinansin at inabala nalang ang sarili tignan ang paligid ko. May kung anong hinahanap 'tong mata ko na hindi mahanap dahil wala siya dito sa loob. Hindi rin ako mapakali. Gusto ko siyang kausapin na parang ayoko. Pero gusto pang malaman kung ano ang pinaka behind the reason of it bakit pinagawa ni Yna 'yon, ewan ang gulo!


Tatayo palang sana ako nang biglang umupo sa pwesto namin ang isang babaeng hindi ko naman kilala pero mukhang estudyante din ng University, kasama si Bryan. Ang lalaking nakita ko kahapon sa Auditory Room.


"Mind us to seat here?" tanong ng babae. Chinita ito at may suot na red ribbon sa buhok.


"Sure" ngiting sagot ko.


The girl winked before sitting beside me saka inilapag ang pagkaing dala nila. Nasa gitna ako ng dalawang 'to kaya medyo nakakaramdam ako ng awkwardness lalo na't hindi ko naman sila gano'n kakilala.


"Hi again, sorry but what's your name nga pala? Hindi ko na natanong kahapon kasi nag ring na yung bell" si bryan naman ang nagtanong sa'kin.

The Lunatic PsychopathWhere stories live. Discover now