Kabanata VII

1.1K 46 0
                                    



Chapter 7: Disappointment


**


''Hello po. Dito po ba sinugod si Yna Delavega kaninang tanghali? Student po ng Winterville University.'' tanong ko sa isang nurse na nandito sa Information Desk. 


''Yes po. Kaano ano niyo po yung pasyente?'' 


''Uhm ano po, kaibigan niya po ako. Nasaan po siya ngayon?'' 


Actually hindi ko naman talaga kilala si Yna pero wala naman akong ibang pwedeng isagot bukod sa kaibigan lang. Nasa Sacred Heart Hospital ako nang malaman ko kay Ma'am Elli kung saan ba siya isinugod. Kay Ma'am Elli ko lang din nalaman ang pangalan niya kaya nandito ako ngayon para kausapin siya. She's a victim at hindi ako papayag na ilang estudyante pa ang pwedeng magawan ni Ma'am Cali ng ganon. I need to protect my bestfriend—Czie in that kind of Psychopath after threatening me earlier.


Tinignan ng Nurse ang isang papel kung saan nakalagay ang bawat room numbers ng bawat pasyente. ''Nasa room 66 po siya. Bali 3rd floor po 'yon then left side lang po'' 


''Thank you po''


Wala nang pagdadalawang isip kong tinahak ang daan papuntang third floor. This situation need to be settled in a right way. Magmukha man akong detective sa lagay ko ngayon, I don't care. Masyado na akong nagagambala sa nangyayari sa school na pinasukan namin ng kaibigan ko. Una si Jade, pangalawa ang janitor ng school tapos pangatlo itong student naman. Oh gosh! It's so horrifying to believe!


Huminga ako ng malalim bago buksan ang sliding door at halos lumuwa ang mata ko sa panlalaki nang makita si Ma'am Cali na nakaupo sa tabi ng kama habang kinakausap si Yna na ngayo'y walang tigil sa pag iyak. Ano na naman ginawa niya?


''What are you doing to her?!'' mahinang singhal ko nang makalapit saka siya marahang itinulak, sapat lang para mapaatras siya ng kaonti. 


Nagulat siya sa ginawa ko pero agad din itong napalitan ng malalamig niyang tingin. ''What are you doing here Ortega?'' 


''Hindi pa ba sapat yung ginawa mo sa kanya? Mawalang galang na po Ma'am pero ang kapal din ng mukha niyong magpakita sa kanya pagkatapos ng ginawa niyo?'' 


I don't care if it's sounds so rude pero hindi ko na ma-reach ang taas ng confidence nitong professor ko. Bakit hospital ang pinuntahan niya kung pwede naman sa prisinto?


''Just leave.'' malamig niyang sambit saka umirap.


''Aba! Kayo pa may ganang magtaray? Hindi ako aalis hanggat hindi mo inaamin ang kasalanan mo 'no.'' tinignan ko si Yna na patuloy parin sa pag iyak. ''Tama naman hindi ba? you know 'wag kang matakot, pwede kitang tulungan. Si Cali Fuentero ang gumawa nito sa'yo hindi ba?'' 


''Shut up Ortega! You don't know anything so just fucking leave Yna alone''


The Lunatic PsychopathWhere stories live. Discover now