Kabanata I

2.3K 70 16
                                    



Chapter One: The Province Girls



**

Lizzy's POV

----


''Inang, mag iingat po kayo dito ha? Yung mga gamot niyo ni itang huwag niyong kakalimutang inomin gayong matatagalan pa ang balik ko. Mamimiss ko po kayong dalawa'' nangingiyak ang mata kong paalam. 


Gaya ko'y hindi na rin napigilan ni Inang ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo at kinulong ako sa kanyang bisig. ''Lizzy anak, mag iingat kayo pareho ni Czie ha? Huwag kayo magpapalipas ng kain, ang tutuluyan niyong bahay palagi niyong siguradohing nakasara at nakakandado. Diyos ko, kayo na ang bahala sa mga anak ko'' 



''Anak, tumawag ka sa amin kapag nakaratig na kayo sa destinasyon niyo ha? Czie hija, ikaw na bahala sa anak namin. Kami na ang bahala sa dalawang kapatid mo. Magiingat kayo'' malumanay na sambit ni Itang. Kita sa mga mata niya kung paano niya pigilan ang hindi maiyak. 



Ngumiti naman si czie. ''Huwag ho kayo mag alala, ako po ang bahala kay Lizzy. Mag iingat din po kayo Inang, Itang. Mauna na po kami at lumulubog na din po ang araw, baka maglakad yung bukid natin, sige kayo'' 


''Osiya't sige na't gumayak, baka mahuli kayo sa terminal ng bus. Huwag kayo mag alala, okay lang kami ng Itang niyo dito'' 


Lahat kami'y muling nagyakapan ng mahigpit bago tuluyang magpaalam at umalis. Hindi ko naman ginustong umalis pero kailangan, sa hirap ng buhay kailangan kong makatapos habang nag t-trabaho para may maipadala sa kanila. Si Czie, ang kababata ko, ay gano'n din ang rason. Bukod sa wala na silang magulang ng mga kapatid niya dahil sa pagkamatay ng mga ito, wala na din silang maasahan bukod sa kanya. 


Humigit kalahating oras na rin simula nang makarating kami dito sa terminal ng bus para hintayin ang sasakyan namin papuntang Manila at humigit mag kakalahating oras na din akong abala sa pag s-scroll sa aking facebook para maghanap ng trabaho. Pero hanggang nagyon wala parin akong mahanap. Halos mga nakikita ko kasi ay networking o hindi kaya'y trabaho sa Bar, which is ang pag GRO. 


At hindi kaya ng sikmura ko 'yon.


''Bes, Tara na! Sa wakas nandito na ang bus number natin'' si Czie nang tapikin ang balikat ko at tinuro ang isang bus na kararating lang.


Tinanguan ko siya saka kinuha ang backpack ko na nasa lapag. Pagka-akyat namin sa loob ng bus, nakipag unahan pa sa akin 'tong si Czie makuha ang spot na nasa tabi ng bintana. Pero sorry nalang siya, dahil nasa akin parin ang trono. Hindi kasi ako sanay na hindi katabi ang binatana dahil alam naman niyang masusukahin ako tapos hindi pa Ordinary Bus. 


''Ang daya mo! Ako dapat diyan e!'' parang batang usal niya. Alam kong nagpapa-bebe lang 'to sa mukha niyang nagtatampo. 

The Lunatic PsychopathDonde viven las historias. Descúbrelo ahora