Kabanata XXVIIII

555 22 0
                                    



Chapter 29: Full Moon, With One Killer.



**




"Czie, nakita mo ba si Miss Fuentero na dumaan dito?" kanina pa ako paikot ikot dito sa labas hanggang sa bahay pero hanggang ngayon hindi ko mahagilap si Miss Cali.


"Hindi e. Tignan mo sa sayawan, baka nandoon."


"Oo nga pala, sumunod na kayo kila Aling Pasing para sa salo-salo. Kapag hinanap kami ni Inang, pakisabi na sinusundo ko pa si Miss Cali." Sana lang talaga 'di ako pagalitan. Bawal kasi sa amin ang late na kung pupunta lalo na sa hapag.


"Sige bes, 'wag ka mag alala. Ako bahala" kumindat ito na may nakakalokong ngiti sabay thumbs up.


Mabilis akong naglakad patungo sa nasabing lugar kung saan ginaganap ang sayawan. Nagaalala ako lalo na't hindi naman siya taga dito at hindi niya kabisado ang lugar na ito. Baka mamaya pinag tr-tripan na 'yon ng mga basugalerong lasinggo, worst is manyakin pa dito mga  ng lalaki. Pagkarating ko sa sayawan, aasahan mo talagang madaming tao ang bubungad agad sa 'yo at nakakabinging ingay ng tugtog sa paligid.



Kaya nga sayawan 'di ba, kung hindi rin talaga tanga 'tong sarili ko.   



Kung saan saan ko na lininga ang ulo ko, mahanap lang ang taong gusto ko makita. Nalingat lang ako saglit kanina, nawala na siya bigla. Dapat kakausapin pa ako ni Miss Elli pero hindi na natuloy kasi mas inisip ko si Cali dala ng pag aalala ko.


"Nasaan ka na ba, Miss Cali? Kainis naman! May lahi atang kabute 'yon." para na akong siraulo dito kinakausap ang sarili.


Sa isang hindi kalayuan, agad na nahagip ng mata ko si Lucas, nakaupo sa isang table seats habang nakayakap kay Miss Cali. Agad na nagsalubong ang dalawang kilay ko at napakagat ng ibabang labi. What behavior is that!? Parang gusto ko tuloy kunin yung itak na ginagamit ni kuya sa lechon na nasa gilid ko lang tapos kay Lucas ko itaga sa sobrang inis. Sino nagsabi sa kanya na pwede niyang yakapin si Miss Cali, huh?


Nakapamewang akong pinapanood sila ng 'di makapaniwala. Pakiramdam ko yung dugo ko umaangat na sa ulo ko. Ang lapad pa ng ngiti nilang dalawa habang naguusap pagkatapos ng yakapan sesion. Ano ba pinaguusapan nila at tuwang tuwa sila? Future ba nila? Ilang anak ang gagawin? O gaano kataas ang bahay na titirhan? 


Nakayukom ang kamao kong naglakad papunta sa direksyon nila para masuntok ang lalaking 'yon. Hindi pa man nakakalapit, napahinto din agad ako. May naalala ako bigla.


Oo nga pala, boyfriend siya ni Miss Cali. Boyfriend siya ng taong mahal ko. Walang masama sa ginagawa nila dahil sila may totoong relasyon. Ako, hanggang delulu lang talaga kami.


Pero ang sakit lang e. Ang sakit lang na bakit kailangan ko pa makita 'to after marinig sa bibig niya na mahal niya ako? Wala akong ideya kung gaano na ba ako katagal na nakatayo dito habang pinagmamasdan sila kaya mabigat ang dibdib kong tumalikod para umalis. Ayoko mag mukhang tanga dito na sinasaktan ang sarili sa nakikita. Iyakin pa naman ako, pag ako umiyak bahala sila diyan. 

The Lunatic PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon