Kabanata X

1K 42 0
                                    



Chapter 10: Deal


**


''Class listen. We will be having an upcoming event next week and we only have a few days to prepare sa kung sino man ang sasali. This event is called Sporty Month of Winterville University.'' panimula ni Miss Fuentero. Naka tungkod ang dalawang kamay niya sa table na walang emosyon ang mga matang nag e-explain sa harap ng klase. 


''We will be having 5 sports which are Basketball, volleyball, archery, badminton and Tennis ball. Each section is merong 2 representatives sa each sports na nabanggit ko. Iba't ibang school din ang makakalaban niyo. Now, who wants to be part of Sporty Month and represent our section? In return, automatic na 98 sa subject ko. Additional for those scholars, merong price kung mananalo.'' 


Naglakad si Miss Fuentero papunta sa gitna at pinapalibot ang mata sa paligid habang nakahalukipkip. Isa sa mga kaklase kong lalaki ang nagtaas ng kamay kaya ginesturan siya ni Ma'am using her index finger to stand up and speak. 


''Ma'am ano, may I go out? Ihing ihi na po kasi ako'' sabi niya habang hawak hawak ang pantog. 


Lahat kami mahinang natawa. Minsan talaga may pagkagago 'tong mga kaklase ko, especially boys kahit si Miss Fuentero na ang prof. Sa pagkaseryoso, nakaka intimidate na mukha at ma-awtoridad na boses nito, hindi ko aakalaing naiilabas pa nila ang ganitong side sa harap niya. 


''Alright.'' irap nito. ''So does anyone here wants to join?'' 


Muli pa itong naglakad hanggang dito sa dulo kung saan kami nakaupo ni Czie hanggang sa isa isa na sa mga kaklase ko ang nagtaas ng kamay kung anong sports ang sasalihan nila. Wala naman akong balak magtaas ng kamay kasi sa lahat ng nabanggit niya ay hindi ako marunong. Pero sayang kasi yung grades tapos yung Additional price for scholars. Naghalumbaba nalang akong tinignan si Miss Fuentero. 


She's wearing a below-the-knee fitted skirt na may slit sa harap na hindi naman kahabaan na binagayan niya ng white half sleeves button polo na naka tuck in, tapos black LV blossom Heels. Aaminin kong sobrang ganda ni Miss Fuentero, hindi naman talaga maikakaila 'yon simula una ko palang siya nakita. Dito palang sa malayuan naaamoy ko ang mabango niyang amoy, hindi siya nakakahilo at hindi gaano ka-sweet ang scent ng pabango. Sakto lang. 


Sakto lang para kaadikan..


Ay erase erase! Ano ba 'tong iniisip ko? Bakit ko ba tinitignan ang suot niya e naiinis nga pala ako sa kanya. Mga slight na lang. 


Napansin niya atang nakatingin ako sa suot niya dahil nang maiangat ko ang mata ko sa kanya, nakatingin na din pala ito sa'kin sabay irap at bumalik sa kanyang table. May hawak siyang 1/4 sheet of paper na naglalaman ng name ng students na sasali sa sporty month. 


''I'll announce the students who will be joining our sporty month. Hindi ko na pwedeng bawiin 'to at bawal ko nang burahin. So In basketball, our representatives are Mr. Fuegaz and Mr. Orlando. In Volleyball, Ms. Lim and Ms.  Reyes. For our table tennis, Mr. Gomez and Ms. Valentina. For our Badminton, we have Ms. Hawili and Ms. Torres..'' 

The Lunatic PsychopathWhere stories live. Discover now