Kabanata XIII

1.6K 52 10
                                    




Chapter 13: The Scent of Lavender


**

Katatapos lang namin kumain 15minutes ago at kasalukuyan nang papunta sa bahay ni Miss Fuentero. Medyo napapaisip pa nga ako kung bakit hindi niya kasama mga magulang niya sa bahay simula noong tumungtong siya ng college pagkatapos niyang mabanggit na siya lang daw mag isa sa bahay niya. Ayaw ba nila kasama si Ma'am o si Ma'am ang may ayaw kasama sila? Pero sabagay, matanda na siya. Maybe gusto niya lang maging Strong Independent Woman without a heart.


Heartless kasi 'to, minsan.



''Miss, wala ka po talagang kasama sa bahay niyo? Bakit kasi kayo lang mag isa? Paano yung paglilinis ng bahay niyo? Sa nakikita ko wala kang kasambahay e. Kung naghahanap ka Ma'am, willing naman po ako. Kaso hindi ko nga lang makikita ang future ko, pero okay lang kung triple naman ang sahod sa iny—''



''Madaldal ka talaga 'no? Should I cut your tongue para lang manahimik ka?'' naiirita siyang tumingin sa akin sabay irap.



Kahit pala busog na siya, mainit talaga ang ulo niya. Akala ko kasi kaya lang mainit ulo niya kanina eh kasi gutom. All time event pala ang kamalditahang tinataglay nito. Sa hindi ko inaasahan, kumunot bigla ang noo ko. Kitang kita ng mata ko kung paano bumukas yung gate ni Miss Fuentero ng kusa. Grabe! High-tech pala bahay ni Miss-Ma'am parang 'alexa, open the gate' ang kasosyalan.


Nang makapasok ang sasakyan sa loob halos lumuwa ang mata at laglag ang pangang akong namamangha. Hindi na alintana sa akin ang itsura ng mukha ko ngayon, ni hindi ko na nga napansing nakalabas na pala ako ng sasakyan after niya ako pagbuksan ng pinto. Parang gusto kong sampalin sarili ko kung totoo ba 'tong mga nakikita ko o nanaginip lang ako sa laki, sobrang ganda, well-modern spacious house-- ay noo scratch that. I must say, she have a Luxurious Beautiful Mansion herself.



''Wow..'' namamanghang sambit ko habang inililibot ang mata sa paligid para tignan ang mga kung ano ang nandito at kung gaano talaga ito sa kalawak.


Parang sa tingin ko mapapagod nalang yung paa ko kakalakad bago ako makalabas sa property niya. Malawak ang garden niya sa magkabilaan and I think this is her front yard. May way direction din na daanan pagkapasok mo palang ng gate. At ang mas nakakaangas pa, mahahagip agad ng mga mata mo eh yung mga kotse niya tulad ng Lambo. tapos MK4 Supra, Ford Mustang GT na kalalabas lang at grabe! merong sariling parking lot sa gilid ng bahay niya, tapos etong Audi R8 niyang sinakyan namin. Dagdag mo pa ang mga nakahilerang motorcycles like Ducati Testa Stretta, Kawasaki Ninja H2, and Norton V4SV at minamantak kong lahat ng mga 'yan halos umaabot na ng million million. Grabe!



Nagtataka kayo bakit alam ko? Mahilig kasi ako sa Cars and Motorcycles since before especially kung black since I love the color black talaga. Ang cool lang kasi tignan at kahit anong kulay pwede bagayan.



Hindi pa natatapos doon ang pagkabusog ng mga mata ko sa nakikita nang makapasok kami sa loob ng Mansion niya. Sa laki ng bahay niya aakalain mong may 4th or 5th floor pa sa loob pero hindi, talagang tall ceiling siya with chandelier sa gitna. May isang stairs sa right side na color black. Most the stuffs here are also color black actually. Napapansin kong favorite niya rin ang kulay na 'yon, doon palang sa mga kotse at big bikes niya eh.



Kinuha ko ang phone ko sa bag dahil hindi na ako makatiis picture-ran ang ganda ng Mansion niya. Saka para kahit papaano naman may laman 'tong bagong phone ko.



''We're not in the Museum Ortega, stop taking pictures. And don't you dare post it on any social media with my face nor you.'' nalipat ang atensyon ko sa kanya na ngayo'y nasa second floor. Ang bilis niya naman ata maglakad?



The Lunatic Psychopath - GxG (Book 1)Where stories live. Discover now