Kabanata XXII

748 27 0
                                    


Chapter 22:  Glimpse of Past.

**


THIRD PERSON'S POV



''She saw me. Lizzy saw me.'' 



''Elli, calm down.'' 



''How could I calm down Lucas when the girl I love saw me, holding a gun, thinking I'll kill her that day.'' may halong kaba at takot na hayag ni Elliza. Pabalik balik ang lakad nitong hindi mapakali. 

Ilang araw na ang lumipas nang mangyari ang trahedya sa unibersidad. At sa bawat araw na lumilipas, walang segundong hindi sumasagi sa isip niya na baka layuan siya ni Lizzy.

''Could you please stop walking  back and forth? Nahihilo ako sa'yo e.'' may inis na sambit ng binatang si Lucas. Abala naman ito sa pag ce-cellphone para kausapin ang iilan sa mga tauhan niya. 

''Eh hindi nga ako mapakali. Paano nalang kung layuan ako ni Lizzy? Paano... paano kung magkita kami, tapos matakot siya sa akin. You know that I like that girl so much. I just did what I need to do. To protect her at all cost. Kasalanan 'to ng gagong 'yon e.'' sa sobrang dala ng frustration niya, diretcho niyang ininom ang wine ni Lucas na nasa sink table. ''I'll talk to her.'' 

''Hey! That's my wine! Kumuha ka ng iyo doon, hindi yung nangunguha ka ng hindi sa'yo. Saka, don't worry. She's in safe care. She's with my girl, and sa pagkakakita ko naman. That girl don't seem bothered anymore about what happened when I met her.''

''No. I know Lizzy. Pinapakita niya lang na okay na sa kanya ang lahat when the truth, it's not. She's that kind a type of girl. Ayaw niyang maging burden sa kahit kanino kaya mas pinipili niyang sarilihin. Anyway, nasaan ba siya para mapuntahan ko. I really need to talk to her para malaman mapakinggan niya ang explanation ko.'' Napahilot na lamang ito ng kanyang sentido.

Si Elliza ang tipo na hindi matatahimik ang kalooban hanggat hindi ito nakakapag paliwanag ng maayos at harap harapan. Mula bata palang lagi na niyang nararanasang hindi mapakinggan ng mga taong nasa paligid niya, kahit ang mga magulang nito. At ayaw niyang maranasan ulit 'yon sa taong gusto niya. Kinuha niya ang bag na nasa gilid lamang para umalis. Ngunit pinigilan siya ni Lucas. 

''You know CJ. Ayaw niya magbigay ng information sa kahit kanino, especially ngayon. Sa ganitong kaganapan dahil mahirap na. Baka masundan ka at matunton sila. Stay here and wait them to come home. Okay lang sila, okay?'' 

''One of my responsibility is to protect Lizzy. And that responsibility was given to me by Big Boss. Ayokong may ibang pro-protekta sa kanya kundi ako lang.'' 

''You're just leading her and yourself in danger kung pupuntahan mo siya ngayon. Masyado pang mainit ang sitwasyon and we don't know kung ano pang pwedeng mangyari. Hayaan mo muna lumamig, Elli. At when that time comes pwede mo naman siyang kausapin.''

Walang ng magawa si Elliza kundi ibuga nalang ang pagkadismaya sa hangin. Bagot itong umupo at naghalumbaba. Galit ang nananaig sa kanyang kalooban tuwing naiisip ang taong may pakana nito. At doon na naging buo ang desisyon niya. Masakit man para sa kanya bilang isang kaibigan, ngunit sa kabilang banda'y iyong lang ang naiisip niyang paraan para matapos ang lahat. 

Ang paslangin ang matalik niyang kaibigan. 

''I'm sorry Lucas but I really need to go.'' sambit ni Elli. Hindi na niya inantay pang sumagot ang binatilyo nang makaalis dahil alam niyang pipigilan lang siya muli nito.

The Lunatic PsychopathWhere stories live. Discover now