Kabanata XXV

777 37 2
                                    


Chapter 25: Don't push me away. 



R🔞: Rated SPG alert. Light lang 'to kaya 'wag umasa. Read at your own risk peeps! :>


**


''Ck hijo, ito extrang damit ng Itang ni Lizzy. Gamitin mo muna ito. Pagapasensyahan mo na kung medyo may pagka maluwag at malaki iyan sa iyo ha? Wala na kasing ibang damit na panlalaki ang nandidito bukod sa asawa ko.'' Inabot ni Inang ang isang pares ng puting t-shirt at puting pajama kay Ck. 


Sumabay na ako kay Inang papunta dito sa kwarto ni Czie kung saan pansamantalang matutulog si Ck para iabot din itong extrang kumot. Makapal naman ito at malambot kaya kahit papaano kumportable parin kahit hindi mukhang comforter. Nakangiting tumango si Ck at nagpasalamat nang makuha ang damit.


''Magpahinga na kayo't malalim na ang gabi. Mauuna na ako dito, umiiyak na si henry. Goodnight hijo.'' paalam ni Inang at umalis. 


Ako naman ang sunod na nag abot dito sa lalaking nasa harap ko. ''Ito kumot. Panigurado ang kumot ni Czie diyan ay hindi makapal. Hindi sanay mainitan 'yon e. Okay ka lang ba dito?'' 


''Yeah. I'm okay here. But I'll be more fine if you'll accompany me here tonight.'' kumindat siya na may kasamang nakakalokong ngiti. For what so reason, para akong nakaramdam ng pandidiri sa ginawa niyang 'yon. 


Dati halos akala mo isa akong bulateng inasinan sa kilig kay Ck, ngayon kulang nalang masuka ko lahat ng kinain ko kanina para mandiri ng ganito. 


Marahan ko siyang tinulak papasok sa loob ng kwarto. ''Itulog mo 'yan Ck. Alam kong pagod ka din ngayong araw kaya goodnight, okay?'' 


''Are you sure? Well, you know I'm good at giving warm hugs when you feel cold.'' umarko ang dalawang kilay niya. ''And if you'll agree, I can also give you a lot of kisses.'' 


Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at kinaway na ang isang kamay ko bilang paalam. ''Sweet dreams, Ck. Kung may kailangan ka, katok ka lang sa kwarto  ko.'' 


Ayoko na makarinig pa ng kung anong klaseng ka-cornyhan niya. Gusto ko nalang magpahinga sa pagod na nararamdaman ko. Pagkatapos ng nangyaring halikan sa kusina na muntik pang makita ni Itang ay nagluto agad ako ng biko kanina para sa meryenda. Mabuti nalang talaga hindi kami nahuli pagkapasok ni Itang dahil nakapikit siyang nagpapaypay ng sarili kaya mabilis din kaming naghiwalay ng propesora ko. Umaaktong akala mo walang nangyari bigla. 


Nang maayos ko na ang higaang paghihigaan namin, kinuha ako ang phone kong nasa durabox. Ilang araw ko narin 'to hindi nagagalaw. Wala na akong balita kila Miss Elli, Czie at tungkol sa school. Wala naman akong nakitang kahit anong mensahe kaya naisipan ko munang bisitahin ang social media ko habang abala si Miss Fuentero sa loob ng Cr. Pagkarating ko sa Facebook, unang bumungad agad sa akin ang isang balita. Humigit 12hrs na din simula nang ma i-post ang isang litrato at video kung saan madaming magulang ang nag p-protesta sa harap ng Winterville University. Kumunot ang noo ko habang binabasa ang nakasulat sa post. 

The Lunatic PsychopathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon