Psychopath's Prologue:

4.2K 114 19
                                    







— The psycho will never get hurt unless you kill her with love.


**


Third Person's POV


"Mrs. Anderson, your daughter is showing signs or symptoms of Psychopathic Personality Disorder due to bullying situation. This can lead also to Severe Mild Depression. It refers to Anti-social personality na mahirap agapan ng agad agaran dahil behavior and mind niya ang superior dito. But with the help of family support, a lot of understanding, mas mapapadali at mababago niyo ang buhay niya." paliwanag ng babaeng nakasuot ng puti at may nakasabit sa leeg na stethoscope na si Doktora Satienza, ang propesyonal na doctor ng pamilyang fuentero.


Kasalukuyan nitong kaharap ang magulang ng isang Siyam na taong gulang na batang babaeng ngangalang—Cali Jaze Fuentero. May pagkamahaba ang mala ginto niyang buhok na hanggang bewang, maputi ang balat na mala porselana, bilogin ang kanyang mga mata na animo'y dahon sa kulay nitong berde at mahahabang pilik mata. Hindi mo mawawari sa ganda at inosente nitong mukha ay may lihim nitong ugali.


Bata pa lamang, napapansin na ng kanyang magulang ang kakaibang paguugali at kilos ng batang si Cali lalo na kapag kasama ang nakababatang kapatid nitong lalaki. Nagsimula ito no'ng paulit ulit siyang tinutudyo at ginagawang katatawan ng mga kaklase dahil sa kakaiba nitong itsura kumpara sa kanila. Naging tulay iyon kung bakit natuto na itong gumamit ng dahas sa kahit kaninong nagtakang saktan siya o ng taong pinapahalagahan niya.


"Wh-what do you mean? Pa.. paano niya nakuha 'yon! Tell me how she got that.. we don't know how she got it! Oh God! Our poor baby, Calixto.." humahagulgol na nagtakip ng mata ang kanyang inang si Doña Jazmin Fuentero sa nalamang balita tungkol sa kanyang nagiisang prinsesa.


Ang ama naman nitong si Don Antonio Fuentero ay tila wala ding magawa kundi ang manlumo at hagkan na lamang ang kanyang umiiyak na asawa. Labis labis ang pagdadalamhati ng mag asawa sa isipin ang kondisyon sa anak na si Cali.


"Is there a cure for that illness? Tell us doc, we will do everything for our daughter. Please.."  bakas ang labis na pagaasam ni Don Fuentero sa bawat salita nito.


Isang malalim na hininga ang nabuga ng doktora sa kawalan saka sila nito muling tignan. Isinara niya din ang isang folder na naglalaman ng mga resultang nakalap sa batang si Cali at sa kapatid na lalaki.


"For now, there's no cure for that mental health illness. We can only provide the patient with an alternative prescription medicine to maintain her behavior, and make her relax and think properly. That's all we can do for your daughter Mr. and Mrs. Fuentero..

It's a good option for me, as her doctor, to homeschool her. But the choices will always be up to you both, either, Homeschool para matutukan niyo at mabantayan or Take her to a real school para mag enhance ang socialization and interaction niya sa ibang tao. It'll help also at some point" umiiling na pahayag ng doktora.


Mas lalong lumakas ang paghihinagpis ng mag asawa para sa kanilang anak dahil sa naturang narinig. Hindi na rin halos maintindihan ang tunay na nararamdaman sa halo-halong emosyon sa kanilang puso at kulang nalang ay bumagsak sa kinauupuan ang inang si Doña  Jazmin sa sobrang sakit na nadarama.


"And I'm afraid. This psychopathic disorder is somehow dangerous for both of you, but I do hope it's not. Since we don't know what would happen." Hinawakan ng doktora ang kamay ng nanlulumong si Doña Jazmin. "Focus on your children. May mga bagay na hindi niyo pa alam tungkol sa kanila na sa akin lang nasabi dahil pareho daw kayong walang oras para sa kanila. I hope you understand that spending time with your children is more precious than any material things na pwede niyong maibigay. Be with them"


Sa kabilang banda, ang walang kamuwang muwang na batang si Cali kasama ang nakakabatang kapatid na lalaki— Calisto Keith Fuentero, ay taimtim lamang na nakatingin sa kanilang magulang sa isang sulok, dahilan para mapahinto ang mga ito sa kasalukuyang ginagawa, ang pagkukulay sa isang coloring book. Puno man ng pagtataka ang inosente nilang mukha ngunit makikita rin ang nababalot na galit sa mga bibiloging mga mata nito sa nasasaksihan mula sa kanilang magulang.


Lumipas ang ilang oras bago tuluyang makauwi ang pamilyang Fuentero sa kanilang naglalakihang mansyon. Maingat na inalalayan ni Doña ang kanyang mga anak paakyat sa kani-kanilang mga kwarto para makapag pahinga. Nang makakababa ito, ganon na lamang nagtaka ang tingin niya sa kanyang asawa na ngayo'y may kausap sa telepono habang nanlalaki ang mga mata.


"What is it, honey? Something's wrong?" Nagaalalang tanong ni Doña Jazmin sa asawa.





"Oh God, honey.. a staff found Dr. Ortega, hanging in her office, unalive. She's now dead"


**

The Lunatic Psychopath - GxG (Book 1)Where stories live. Discover now