Epilogue

18 1 4
                                    

Epilogue

Ngumiti ako sa mga fans na nagpapapirma sa amin, nakikipagkamay din pag naglalahad sila ng kamay, at tinatanggap ko naman ang regalong mga inaabot sa akin. Pangatlong bansa na itong napuntahan namin para magconcert at may exclusive fanmeet and fansigning sa mga VVIP fans.

Halos magdadalawang buwan na rin nang magpropose ako kay Andrea, at pagkatapos noon ay umalis na kami para sa world tour concert ng aking group.

"Thank you." sabi ko sa foreigner na nagpa sign sa akin ng album.

Uminom ako saglit bago muling humarap sa mga nagpapapirma, una kong nakita ang ipinatong niyang album kasunod ay poster, at T-shirt. Medyo natigilan ako nang makita ang T-shirt, may nakasulat iyong 'I love you, Dale', it reminds me of Andrea.

Grade school at high school palang ay madalas ko nang naririnig sa mga kaklase ko na may crush sa akin si Andrea. And she's so bulgar to show it to us. Lagi siyang nakaayos pagkaharap ako at binibigyan ako ng regalo pag valentine's day, at naiinis ako dahil hindi ko iyon masuklian.

"Tang inang yan, hindi na naman ako pinansin ni Andrea." dinig kong sabi ng isa kong kaklase, grade 8 palang kami at grade 7 naman si Andrea. Nasa huling row ako ng upuan habang ang mga kaklase kong lalaki ay nasa unahan pero dinig na dinig ko parin ang usapan nila.

"Iba ang gusto noon, alam naman natin kung sino." sabi naman ng isa.

"Eh, hindi naman siya ang gusto ni JD, diba may nililigawan na iyon? Si Yuki diba?" muling sabi ng isa na hindi pinansin ni Andrea.

Hindi ko namalayang nakakuyom na pala ang kamay ko habang nakikinig sa kanila. Alam nang lahat na si Yuki ang gusto ko at hindi si Andrea, doon sila nagkakamali.

"Pwede naman tayong mag LDR, bakit kailangan pang mag break?" napapikit nalang ako sa tanong ni Yuki. Aalis na sila at sa Manila na siya mag-aaral.

"LDR isn't for me. Hindi din tayo magwo-work."

"Hindi magwo-work? O may iba ka nang gusto?" hindi ako sumagot sa kaniya at inabala ang sarili sinusulat ko.

Nasa isang bench kami ng school, sa isang garden. Walang tao doon, kaming dalawa lang. We met for a break up, sa ilang taon namin ay napamahal na rin siya sa akin pero iba pa rin pagnaging LRD kami. Ngayon pa nga lang naalapit kami sa isa't-isa ay malabo na, paano pa kaya pag-alis siya.

"Totoo diba? Nakikita ko, may gusto ka din kay Andrea, diba? Hindi mo lang siya pinapansin dahil magkaibigan kayo ni Clark." agad akong natigilan sa narinig mula sa kaniya.

Kaibigan ko si Clark simula bata, nakakalaro ko na sila sa basketball at sa larong kalye, at ang magka gusto kay Andrea ay mali.

"Pwede ba, Yuki. Wag mong idamay ang wala, tayong dalawa lang to, hindi siya kasali at hindi ko siya gusto." madiin kong sabi sa kaniya at agad na nilikom ang aking mga gamit.

"Okay, fine. Kung break ang gusto mo, edi go. Wag ko lang malalaman na pagkaalis ko ay nililigawan mo si Andrea o kayo na, dahil babalik ako para agawin ka sa kaniya. Naiintindihan mo?" she said and even grabbed my neck uniform to make eye contact. Para akong nah- hypnotized sa ginawa niya at hindi nakagalaw pa hanggang sa umalis siya.

Iyon ang tumatak sa isip ko, kaya nang umalis siya kung sino-sinong babae ang niligawan ko para hindi maituon ang atensyon kay Andrea.

"She likes you a lot." dinig kong sabi ni Azzy sa akin habang nakabantay sa akin para sa bola, kalaban namin sila sa basketball, at nanunuod si Andrea pero hindi tulad noong 1st quarter na nagche-cheer siya, ngayon ay tahimik lang.

"I know." iyon lang ang sinabi ko at mabilis na nilagpasan siya para mag shoot ng bola.

"I like her."

Invisible To You (Eleazar Series#3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now