Chapter 8

16 4 0
                                    

Chapter 8

Nasa kwarto ako ng banda, inaayos ang susuotin nila para sa photoshoot na gagawin bukas. Isa sa mga kaibigan ni kuya ang kukuha ng picture ng grupo na maaaring i-post para sa promotion na rin. Isa sa na isip kong suotin nila ay ang tuxedo, hindi naman sila umangal at ang isa pa ay ang magkakaroon sila ng sari-sariling kulay, at ako pa rin ang namili noon. Kay kuya ay blue dahil iyon ang paborito niya, kay Art naman ay yellow, kay Allen ay green at kay JD ay red dahil sumisimbolo iyon sa love. Doon na din sa mga by colors nila ang dapat personality nila.

Tahimik lang akong tinitignan ang mga napili nilang props para sa mga kulay nila nang makita ang dami ni JD para doon. It's a plain white with a red longsleeve checkered.

Plano niya bang magmukang ewan sa picture? Hindi pwede!

Kaya kahit walang paalam ay walang sabi sabi ko iyong kunuha at dumala sa kwarto ko. Kinuha ko ang biniling shirt na red na plano ko ding iregalo sa kaniya sa susunod, may maliit na tatak iyon sa bandang dibdib na lalaking nahanginan ng malakas na hangin. May kapartner iyon, at nasa akin. Mayroon iyong tatak sa bandang dibdib na fan, hindi masyadong halatang mukhang couple kung hindi kami pagtatabihin, at balak kong suotin iyon sa araw ng photoshoot niya na suot iyon.

"Ohh? Hindi ka pa tapos?" halos mapatalon ako ng pumasok si Kuya sa kwarto.

"Tapos na, nag double check lang ako kung okay na ba yung mga susuotin nyo para bukas." sagot ko bago umalis doon.

Kinabukasan ay maganda ang naging gising ko. Excited ako sa gagawing photoshoot, pagbaba ko palang ay kunain na agad ako at kinamusta siya kung nagreready na ba sila. Agad akong na disappoint nang makitang nagbibihis lang siya pero hindi nag aayos ng itsura.

"Ano ba yan? Gusto niyo bang magmukhang bangkay sa mga pictures nyo? Eto oh, concealer at polbo." inabot ko sa kaniya ang concealer ko at polbo na nasa mini bag na dala ko para always ready ako sa pag aayos kahit na sa baba lang naman ang set up ng photoshoot.

Naghahalwat pa ako nang makita ang extrang liptint ko.

"Eto pa, kahit konti maglagay kayo para naman maging kissable ang mga labi myo." pagkaabot ko noon ay muli kong chineck ang ibang dami na susuotin mamaya after ng sa tuxedo.

"Hindi kami marunong nito." pag angal ni kuya.

Agad akong napasimangot dahil doon. May ginagawa pa ako at madami pa akong gagawin para sa kanila at gusto pa atang ako na rin ang mag ayos sa kanila.

"Sige na, ayusan mo na muna sila. Ako na ang mag do double check dito." sabi ni JD sa akin na ikinagulat ko. Hindi naman na ako umangal pa.

"Akin na nga!" masungit kong asik kay kuya.

Si Kuya ang una kong inayusan, dinagdagan ko nalang din ng konting contour para ma define ang jaw line niya at pati na rin ng iba pang members. Nang matapos na lahat ay bumaba na kami, dinala ko ang pang retouch.

"Andrea, meet Jonathan. Siya ang magiging photographer namin." agad akong pinakilala ni kuya sa kakilala niya matapos ipakilala ang grupo.

"Hello, I'm Andrea. Kapatid ni Kuya Clark, ako po yung nag ayos sa grupo." pakilala ko.

Nagpunta na ito noong isang araw pero hindi ako pinakilala ni kuya. Sila lang ang nag usap at pinakita ang studio kung saan pwede mag shoot.

Humaba pa ang mga pinag usapan namin, mga tungkol sa mga susunod pa nilang susuotin at ang mga pwedeng i angle para mamaya. Dahil sa unang shoot ay sa studio palang naman ay sila kuya na muna ang nag ayos ng iba pang dapat ayusin kahit na naayos na naman iyon kahapon. Na set up na din ang mga lights na gagamitin.

Invisible To You (Eleazar Series#3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now