Chapter 22

10 1 1
                                    

Chapter 22

🎵Saradong puso't isipan
Hindi mo pa rin iniwan
Naniwala ka
Nanatili ka
Takot sa pag-ibig ay nilisan
Pag-ibig mo'y hindi ka bibitawan
Nandito ka na
Di na ako mag-iisa🎵

Agad na tumulo ang luha ko nang hanggang sa gate ng school ay naririnig ko pa rin ang pagkanta ni JD. He used to sing that for me but now he's singing it to another girl.

Paulit-ulit sa isip ko ang nakita. Ni hindi ko siya nakitaan ng pagtutol sa ginawa ng babae, ni Lory  The way she hugged him, parang normal iyon kay JD.

Ngayon hindi ko alam kung maniniwala pa ako kay JD. I thought ako lang, akala ko palihim lang kami dahil kay kuya pero ngayon, sa tingin ko hindi. Bakit hindi ko iyon na isip? Baka nga pinaglalaruan niya lang ako, dahil gusto ko siya matagal na. Pampalipas oras niya pag wala yung babaeng gusto niya. At ako naman si uto uto, naniwala.

"Umiiyak ka ba?" bigla akong natigilan sa paglalakad nang may humarang sa harap ko. Si Azzy.

Mabilis kong pinahidan ang mga luha sa aking mga mata. Ayokong makita niyang nasasaktan na naman ako sa parehong lalaki. Alam kong magiging masakit yun sa kanya lalo pa at may pinagsamahan din naman kami. Ayokong magalit siya lalo kay JD dahil lang sakin.

"No, ang sakit lang kasi masyado nang kanta, nadadala ako." sagot ko at tumawa pa kahit may luha pa rin na nakawala sa mga mata ko.

🎵Ngiti mo sa aking mga mata
Di hahayaang mawala
Tingin mo lang alam ko nang ikaw
Ikaw na nga
Pag-ibig na nais ko
Sa tuwina hindi na bibitaw
Pangalan mo ang isisigaw🎵

"Bakit? Hindi naman pang broken ang kanta ahh?" sabi niya na may pagtatakha.

Napahikbi ako sa sinabi niya, hindi na napigilan ang pag-iyak.

"Iyon na nga ang masakit ehh. The song shows how inlove the boy with his girl, ang masakit dun hindi ako yung babae na inaakala kong ako." I can't help but cry louder.

Masyadong masakit para pigilan at itago ko. Yung saya at excite ko kanina ay para akong nasa ere na bigla nalang bumagsak dahil sa nangyari. Lahat ay biglang naglaho.

Lalo akong napahagulgol nang yakapin ako ni Azzy. I cried to him.

"Akala ko magiging kami na ehh. Pero bakit ganun? Hindi lang pala ako yung nililigawan niya. Kaya pala patago kami." lalo akong humagulgol.

"Shhh. Ganyan talaga, hindi lahat nang inaasahn natin nangyayari." pag aalo niya sa akin. Ganoon kami hanggang sa tumahan ako at kumalma.

Tulala lang ako habang nakaupo kami sa labas ng 7Eleven. Bumili siya ng ice cream para sa aming dalawa pero hindi ko iyon ginagalaw, nakatingin lang ako doon. Hindi ko mapigilan pero paulit ulit na nagp-play sa isip ko ang nangyari. Kung paano sumigaw ang babae sa gitna ng crowd.

"It's okay, siguro hindi nyo pa time. Dadating din ang time na kayo naman, at habang hindi pa. Be his friend, be a supportive friend to him." sabi niya sa akin.

Iyon ang tumatak sa isip ko. Kaya makalipas ang ilang linggo kong pag-iwas sa kaniya dahil sa nangyari ay balik na ulit ako sa dati. Tanggap ko na na meron na nga siyang girlfriend, at tama ang sinabi ni Azzy. Na kahit ganoon ang nangyari ay dapat suportahan ko pa rin siya, sila.

Bunuksan ko ang mga messages na galing kay JD sa mga nakaraang linggo. Araw araw niya ata akong tinetext pero kahit isa doon ay hindi ko binuksan o nireplyan. Ngayon na tanggap ko na ay okay na ako. Alam ko namang magbe break din sila, ramdam ko iyon.

JD:
-Hey.
-Sorry.
-Mali ang nasa isip mo.
-I saw you with Azzy.
-I'm sorry, I didn't mean to hurt you.
-Mali lahat ng iyon. Sana maniwala ka sakin.
-Sorry, please talk to me.
-Hindi ka nalabas pag may practice kami? Iniiwasan mo ba ako?
-Kailan mo ba ko ulit kakausapin?
-May practice kami mamaya, manuod ka please?

Ang huling text niya ay ngayong umaga lang, at siguradong ngayon ang practice na sinasabi niya.

Mabilis akong naligo at nag ayos ng sarili bago bumaba patungo sa studio room nila kuya. Nasa hagdan palang ako ay naririnig ko na agad sila.

🎵Kakalimutang pilit ang yong mga tawa't himig na Namumutawi sa
Sa aking utak na mapilit bakit di ko ba maisip na pagod kana🎵

Bigla akong nalungkot sa kanta. Kung para sakin man iyon, mapapagod ako pero magpapahinga lang pero magpapatuloy. Oo nga, minsan na akong bumitaw pero kahit na ganoon hindi naman siya nawala.

Paglapit ko palang sa pinto ng studio ay si JD agad ang nakita ko. Nakapikit siya habang hawak ang mic sa kanyang harap, ang mga kabanda ay busy sa pagtugtog, si Art lang ang nakapansin sa akin. Siya lang ang napalingon sa pagdating ko sa pinto.

🎵Sabihin mo kung kakapit o lilimot na
Ang puso bay lalaban o titigil na kung
Kumapit bay kakapit ka
Sabihin mo kung kakapit o lilimot na
Ang puso bay lalaban o titigil na
Kung, kung, kung
Kung kumapit ba'y kakapit ka🎵

I watched him until he opened his eyes. Doon nagtama ang aming mga mata. Agad na naghuramentado ang puso ko, mas naging sobra pa nang ngitian niya ako.

Like what the hell? Para saan iyong ngiting iyon?

Ilang sandali pa ay mabilis siya umalis sa pwesto niya at mabilis na lumapit sa akin bago ako niyakap ng mahigpit.

"I miss you. Akala ko habang buhay mo na akong iiwasan. I'm glad you're here. I want to talk to you." he whispered.

Wala na ata siyang pakealam kung pinapanuod kami nila kuya. O magalit ang girlfriend niya sa kaniya.

"I really miss you." he whispered again.

Invisible To You (Eleazar Series#3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now