Chapter 2

40 4 0
                                    

Chapter 2

Nakaupo ako sa sofa namin sa bahay, nakikinig ng practice nila kuya galing sa practice studio nila. Nag-scroll ako sa sinend ni Mama, pinapapili niya ako ng dress na susuotin ko sa birthday ko na gaganapin sa isang linggo.

Simpleng handaan lanh iyon at puro kaibigan ko at ni kuya Clark lang ang invited at ilang mga kapitbahay. Isa na doon si JD.

Isang kulay red na dress ang nakaagaw ng atensyon ko sa mga pictures na sinend ni Mama. It's a red puff sleeve dress above the knee, it has a one string in the side front that makes the dress sexier.

I saved it and resend it to Mama. I think, that dress looks good on me. Hindi naman kasi ako ganoon kapayat at nagkakaroon na din ng hubog ang aking katawan dahil nagdadalaga na, hindi katulad ng mga ka edad kong kaklase. I'm turning 15 this coming week.

Pagkasend ko noon kay Mama ay agad aiyang tumawag sakin para i-conform kung sigurado na ba ako doon.

"Yes, Ma. I'm very sure." I answered.

Malaki ang ngiti kong tumayo sa sofa at nag-inat inat pa na tila ba nangalay sa paghiga. Nagtungo ako sa practice room nila kuya at doon pinanuod silang magpractice.

"Nandito pala ang kapatid mo." sabi ni Rannie, ang vocalist ng grupo.

Kumaway ako sa kaniya. Breaktime na nila at nagpapahinga saglit nang makita ako ni Rannie. Kumakanta ito kanina kaya siguro hindi ako nakita samantalang ang iba niyang ka grupo ay nakita ang pagpasok ko doon.

Lumapit sila sa upuan na malapit sa pinuwestuhan ko. Naroon kasi ang meryenda at gamit nila.

"Kanina pa ko nakikinig sa practice nyo, sa living room palang." sabi ko at nguti kay Rannie.

He's the best friend of my Kuya Clark, and the other are their friends, si Allen at Art. Ahead si kuya sa akin ng dalawang taon, magka batch sila ni Rannie at kasalukuyang nasa grade 11, habang si Allen at Art naman ay grade 10.

"By the way, birthday ko na nextweek, wag kayong mawawala." I invited them, agad naman silang nag sayunan at nag plano na mag inom.

Allowed naman na sila nila Mama at Papa, lalo na at mga kilala naman nila Mama ang mga magulang ng grupo.

Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating na nga ang pinakahihintay ko. Ang aking birthday.

Inaayusan ako ng make up artist na kinuha ni Mama para sa araw na ito. Hindi naman sobrang bongga ng party. Maliit na salo salo lang kasama ang mga kaibigan at maikling program. Konti lang ang bisita dahil dalawa lang naman kami ni Kuya at konti lang ang mga kaibigan na inimbita niya, at ganoon din ako.

Bihis na ako at nakaayos ng makababa, naroon na ang  mga inaasahan kong bisita, pero isa lang ang hinahanap ng mga mata ko. Si JD, hindi ko makita. Nakailang lamesa na ako para kamustahin ang mga bisita ko, pero wala.

"Kuya, si JD ba? Hindi pupunta?" bulong kong tanong kay Kuya nang makalapit sa lamesa nila. Kasama niya ang buong grupo ng Invalid doon at ang iba ay varsity player. Binati nila ako.

"Happy birthday."

"Happy Birthday, Andrea."

"Happy birthday, gorgeous." sabi pa ng isa sa kanila at hinalikan pa ang aking kamay. Napuno ng hiyawan ang kanilang lamesa kahit pa nandoon mismo si Kuya.

"I think, that's him." mahinang sabi ni Kuya pero umabot pa din sa tenga ko.

Agad akong napatingin sa tinitignan niya. Si JD na kakadating lang, nakaplain t-shirt ito na light gray, nakamaong pants at puting sapatos. Simple lang pero ang lakas ng dating para sakin.

Invisible To You (Eleazar Series#3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now