Chapter 34

20 2 3
                                    

Chapter 34

"Ma'am!" halos mapatalin ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang sigaw ni Myline.

Nasa kabilang kwarto ako at nag aayos ng mga telang gagamitin sa gown na gagawin, habang si Myline naman ay nasa office at may inaayos. Mabilis akong pumunta sa office at natagpuan siya sa tapat ng kanyang laptop.

"Ma'am, look!" she pointed to her screen. Doon ko lang nakita na nagbabasa pala siya ng mga emails ng mga possible customer namin. Akala ko nanunuod lang siya ng gusto niya boy group dito sa Pilipinas, halos isang taon na rin nang mag trending ang video nila at mas nakikilala pa sila ngayon.

"Ano bang meron?"

"Nagmessage ang Diva Show, they're inviting us to guests at their show. Dahil nalaman nila na anak ka ng isang kilala ding designer at gumagawa ng sarili mong brand, plus nalaman din nila na ikaw ang gumawa ng gown ng lalaban sa Miss Universe!" she announce. Halos matulala ako sa narinig.

Wow! Just wow! I didn't know na manonotice nila ang mga designs ko at mafe-feature pa kami sa isang show!

Myline immediately replied to the email and gave each other details like what we need to do, what kinds of questions they prepared for us and other things.

Masaya ang buo kong team nang malaman iyon, kaya naman excited na excited kami nang dumating ang araw ng interview. Inayos ni Yvette ang coat ko at ngumiti sa akin.

"Congrats, Ma'am! We made it here! Kaya mo yan, nandito lang kaming tatlo sa gilid." she said. Malapit din sa akin si Myline, naging kaklase ko siya sa designs school at siya rin ang tumulong sa aking mabuo ang brand ko, ang brand namin. Kung wala siya, sila ay wala kami ngayon dito. Wala sanang, G•inLove.

"Thank you." I smile at her.

Ilang sandali pa ay nagstart na rin ang show, they introduced me as the CEO and designer of G•inLove. Umupo ako sa upuan na inassign sa akin.

"So, Miss Andrea. Anong bang meaning ng G in love?" iyon agad anong tanong ni Miss Grace, ang host ng show.

Alam na alam ko ang isasagot doon, pero parang bila akong nahiya. Tanging tawa lang ang naisagot ko. Tinapat ako mic sa akin.

"I think, I let my team to answer that question." sabi ko at tumingin sa kanila na nakaupo sa gilid.

Agad na tumayo si Miss Grace at lumapit sa team ko. Si Yvette at tumayo at sumagot noon.

"Actually, ganto yan Miss Grace. She's a lover girl. May naging crush siya noong elementary hanggang high school, wala siyang ginawa kundi magpapansin, hindi lang pala hanggang highschool, hanggang college pa. Kaya nung nagb-brainstorming kami ng magiging name ng designs namin, iyon ang naisip naming lahat, kahit na broken na, naniniwala parin sa love. She didn't lose hope to find someone who will love her like she does. So yeah, she's the girl in love, and love, and will find love no matter what happens." she answers. Nangingiti nalang ako.

Yvette is right. Kahit matapos nang break up namin ni JD, kahit na alam ko na namagkasama sila ni Yuki sa pag alis hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa na babalik siya sa akin. Na dadating ang araw na magkikita kaming muli. Pero kung hindi man siya ang para sa akin, tatanggapin ko iyon at bubuksan ang puso ko para sa ibang tao.

The show went on. kinwento ko kung paano kami nag start sa mga designs namin, paano kami nang open ng physical store, at paano ko nagustuhan ang paggagawa ng gowns katulad ni Mama. Kilala din ang designs ni Mama, hindi lang sa mga gowns kundi pati na rin sa mga casual and semi formal na damit. Madami na din siyang mga artistang nagawan ng damit, pero kahit na ganoon, pinilit kong magstart sa wala, malayo sa pangalan ni Mama.

Nang nagkaroon ng konting break ay pumunta ako sa team ko, dahil aayusin ang set up ng stage dahil may may isa pa silang guest na magpe perform pa show na ito.

"Ang ganda mo, Ma'am sa screen. For sure, mahuhumaling sayo ang isa pang guest na magpe perform!" sabi ni Elaiza sa akin, tumawa ako.

"Etsura ka!" naiiling nalang ako. Natigil ang tawanan namin nang lumapit sa mukha ko si Yvette at iretouch ako.

"Thank you," I said to her.

"You're welcome." she said to me too. Ilang sandali pa ay tinawag kaming buong team, tutal at apat lang dami kami ay sumama na ang lahat sa show.

"Let's welcome, the famous boy group in the Philippines, Haven!" ganoon nalang ang pagkagulat ko nang marinig ang name ng group nila at ang makita ang paglabas ng grupo galing sa likod at nagsayaw sa stage.

Agad kong naramdaman ang pagsiko ni Yvette sa akin. Kilala niya kung sino si JD sa buhay ko. Hindi man kami agad naging close nung college pero alam niya lahat, dahil same school kami nung high school.

Parang drums ang kaba ng dibdib ko. Parang gusto ko nalang agad matapos itong interview na to at umuwi. Halo halo ang nararamdaman ko, takot na makaharap siyang muli and at the same time excited na ewan.

Ang kaba lang sa dibdib ko ang aking naririnig kahit na ang lakas ng sigaw ng audience, idamay pa si Myline na nagpapaka fangirl sa grupo.

"Dale!" sigaw niya. It reminds me of myself a long time ago. Noong fan na fan pa ako ni JD at hindi pa niya ako nagiging girlfriend. Grabe ang pagcheer ko sa bawat performance niya, sa lahat nandoon ako.

"Palakpakan po natin ang Haven." sumabay ako sa pagpalakpak ng lahat. Nanunuod lang ako sa kanila na parang kasama sa mga audience. Sa pagpapakilala ng grupo, pagpapakilala isa-isa at sa pagpromote ng ire-release na album bago sila pinaupo sa katapat ng upuan namin.

Agad akong umiwas ng tingin sa grupo nila nang mag greet sila sa amin bago umupo. Bigla akong nahiya.

"Siguro naman, boys. Kilala nyo na ang nasa likod ng Girl in love designs." sabi ni Miss Grace.

"Yes naman po,. actually gusto po namin silang kuhanin para magdesign ng dami na susuotin namin sa mga events na a-attenand namin lalo na po at na nominate kami international." dinig kong sabi ng isang menber ng group, na sigurado akong boses ni JD.

Napapikit nalang ako at kasabay noon ay ang bahagyang pagsiko ni Yvette sa akin.

"Sure! It's our pleasure!" dinig kong sagot ni Yvette. Napabuntong hininga nalang ako ngumiti sa kanila.

Parang tumigil ang mundo ko nang magtama ang mata naming dalawa. Ibang iba na siya ngayon, may kumisig at na define ang lahat ng meron siya kumpara noong nag trending sila. Bahagya pa akong ngumiti sa kaniya at tumango bilang pagbati sa kaniya, I know kilala niya pa rin ako.

Tahimik lang ako hanggang matapos ang interview, buti nalang at kasama ko sila Yvette kaya sila na ang halos sumagot sa lahat. Agad akong nakahinga ng maluwag nang matapos ang show at bumalik na kami backstage. Nakasunod lang ako kina Yvette habang nakikipag usap siya sa isang staff ng show. Siguro tinatanong kung kailan ang air ng show na shinoot ngayon.

"Andrea!" agad akong napalingon sa tumawag sa akin, ganoon nalang ang pagkabigla ko nang makitang si JD iyon, I mean Dale.

"Hi, bakit?"

"Hmm, can I get your number?" agad na nagwala ang dibdib ko sa sinabi niya.

"H-Huh?"

"I mean, for fitting?"

"Ahh, okay." tumingin ako kina Myline.

"Myline!" mabilis siyang lumingon sa akin at lumapit.

"Bakit?" nakita ko ang pagngiti niya nang makita si Dale na kausap ko.

"Ibigay mo nga kay Mr. Dale ang number natin sa office para sa fitting and design na ipapagawa nila." paliwanag ko kay Myline. Nakita ko

"Hindi ba pwedeng number ko nalang?" she whispers, ngumiti lang ako bago muling tumingin kay Dale at bahagya lang tumango bago tuluyang pumasok sa room kung saan kami nag ready kanina.

Nanlalambot akong umupo sa upuan. Kabadong kabado pa rin dahil sa nangyari. I didn't imagine that I met him in this situation. Shit. Ang dami nang nagbago pero yung nararamdaman ko, ganun pa rin.

Invisible To You (Eleazar Series#3) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon