Chapter 18

19 1 0
                                    

Chapter 18

"May pupuntahan ang kuya mo kaya ikaw na muna ang pumunta ng Mall para bilhin ang mga ito." kakababa ko lang at iyon agad ang bumungad sa akin.

Iniabot sa akin ni Mama ang listahan ng kailangan nya. Mga grocery iyon. Naka off din kasi ang kasambahay namin kaya wala ring ibang mamamil, ako lang talaga dahil may trabaho din sila Mama at Papa.

"Papasamahan nalang kita kay Manong." sabi ni Mama at iniabot sa akin ang card niya.

"Pwede ako Tita, samahan ko siya." nagulat ako nang biglang may magsalita, si JD kakalabas lang ng studio room.

Akala ko ba ay wala si kuya? So wala dapat silang practice. Bakit siya nandito?

"Sure. May kasama ka na pala, si JD. Wag mong kalimutang kumain kayo bago umuwi ahh. Bilang thank you manlang sa pagsama niya sayo." bilin pa sa akin ni Mama bago kami iniwang dalawa.

Awkward na lumingon ako kay JD, bahagya siya ngumiti sa akin, ngumiti din ako sa kanya ng pilit. Mabilis akong nagpaalam sa kanya na maliligo lang ako saglit at aalis na rin kami.

Hindi ko alam pero nahirapan ako sa pagpili ng susuotin ko, para bang date ang pupuntahan ko kahit na ang totoo ay mamimili lang naman ako at sasamahan ni JD.

Yun lang, hindi date. Pilit kong pinaintindi iyon sa isip ko.

"Let's go." sabi ko kay JD nang makababa galing sa aking kwarto.

Isang simpleng dress lang ang suot ko na may pagka fitted at flat sandals. Nakakahiya namang magpambahay lang ako sa Mall, mamaya may makasalubong pa akong schoolmate ko ehh.

Sumakay kami ng sasakyan namin na inihanda ni Manong para sa pag-alis namin. Hindi ko alam pero para akong nahihiya kay JD habang magkatabi kami sa loob ng sasakyan, hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nalilimutan ang mga sinabi niya. Noong araw na rin na iyon ay hindi ko sinunod ang sinabi niyang manuod ako ng practice, pero nasa living area lang ako the whole time, nakikinig ng mga kanta niya, at isa lang ang napansin ko. Hindi mga typical na pang broken ang mga kinakanta niya noon, mga masasayang love song na akala mo ay sobrang saya ng puso niya. Because of that I can't help but think that he really likes me!

🎶Ikaw ay diwata
Na hindi ko makukuha, malalapitan
Ilan pa bang rosas
Upang ako'y mahagkan mo na
At nabighani na🎶

Para akong hinehele ng kanyang boses nang magsimula siyang kumanta. Naka earphones ako pero wala iyong tunog, I just used it to avoid a conversation with him.

🎶At sana'y pakinggan mo
Ang himig na alay sa 'yo
O, sinta
Aawitan kita ng kundiman
Tititigan kita nang lubusan
At sa eksenang ito, o please 'wag ka nang lalayo
Kaya't aawitan na lang kita ng kundiman
Kundiman🎶

Pinilit kong manatili ang mga mata sa bintana kahit na ang totoo ay ramdam na ramdam ko ang lantaran niyang pagtitig sa akin. Parang kabayong tumatakbo ang puso ko sa mga oras na ito, hindi ko alam kung paano mapapakalma. Kaya para mapakalma ang sarili ay sumandal ako at pumikit.

"Anong pinapakinggan mo?" halos mapatalon ako nang biglang kunin ni JD ang isang earphone ko at inilagay sa kaniyang tenga. Napanganga nalang ako at pinanuod kung paano siya ngumiti sa akin sa narealize na ginagawa ko.

"Ahh, you're listening to me." he proudly said at cackled.

Bigla akong namula at nahiya sa sinabi niya. Totoo din naman iyon, at hindi ko maipagkakaila iyon.

"So?" pasungit kong sabi sa kaniya, hindi na sinubukang itanggi pa ang kanyang akusa. Tutal ay fan din naman nila ako at lagi kong pinapakinggan ang kanta nila, mas maganda nga lang talaga pag live ko siyang naririnig. Yung solo lang kahit walang tugtog o kahit anong musika, ang sarap pa rin sa tenga, parang bumabalik yung nararamdaman ko sa kanya o hindi naman talaga nawala?

"Crush mo pa rin ako no?" pabiro niyang sabi, hindi ko siya kinibo at inirapan nalang. Hanggang sa makarating kami ng Mall ay hindi ko na siya pinansin at nakinig nalang sa kahit anong music na magplay sa phone ko.

🎶Why do stars fall down from the sky
Every time you walk by?
Just like me, they long to be
Close to you...🎶

I sang with the music on my earphone. One of my favorites, naalala ko si JD sa kantang ito. The way girls shout his name every time na may performance sila, mapa school man o labas ng school ay madaming sumusupporta sa kanila kaya naisip kong magbenta ng merch nila noon.

Nakatingin ako sa stuff toy na baboy sa blue magic, tapos na kaming mamili ng mga pinapabili ni Mama. Kaya heto ako at napadaan sa blue magic store para tumingin ng kung ano ano.

Naalala ko last Valentine's, may isang girl na binigyan ng life size teddy bear ng manliligaw niya. Madaming tilian ang nang galing sa mga estudyante noon at kasama na ako sa naki sana all, pero makalipas lang ang isang buwan ay nabalitaan ko nalang na tumigil na yung boy sa panliligaw kay girl. May sabi sabi daw kasi na pagbinigyan ka ng teddy bear or any stuff toy galing sa blue magic ay maghihiwalay daw kayo. Yun ang sabi nila, but for me, I don't believe them. Nasa tao yun, kung maghihiwalay kayo edi maghihiwalay, pero kung kayo talaga edi kayo. Easy.

"Gusto mo?" halos mapatalon ako nang may biglang magsalita sa likod ko. Si JD. Umiling ako at agad na umalis doon, nagugutom na ako.

"Tara na kumain." pag-aaya ko sa kanya. Kami lang dalawa, si Manong ay nasa sasakyan nauna na sa amin dahil kumain na ito kanina habang go grocery kami sakto namang tapos namin doon ay dumating si Manong para kunin naang mga pinamili namin.

"Saan mo ba gusto?" he asked.

Sa isang fastfood kami kumain, at siya ang nagbayad kahit na sinabi kong ako na dahil sinamahan niya naman ako, pero makulit siya. Hindi nako naka hindi pa nang sabihin niya pang isipin ko nalang na date namin ito kaya siya ang magbabayad.

"Isipin mo nalang date natin ito, kaya ako na."

Para akong nanlambot doon, gusto kong magsisisigaw pero hindi pwede dahil nasa harap ko lang siya. Lalo pa akong kinilig nang kunin niya ang manok na ulam ko at himayhimayin iyon na para bang bata akong hindi ko kayang gawin ang ginagawa niya.

"Eat well my girl." he said na lalong nagpapula sa akin.

Hindi ako makapag salita, feeling ko tuloy totoong date namin ito. Sana pala ay nag ayos pa ako lalo.

Ahh! Next time! Sisiguraduhin kong ako ang pinaka magandang makikita niya!

"Mauna ka na sa sasakyan, may bibilhin lang ako." paalam niya sa akin saglit, hindi naman na ako nagtanong pa at dumaretso nalang sa parking lot kung saan nandoon si Manong.

Nakapikit ako sa sasakyan nang dumating siya kaya hindi ko na nakita ang binili niya, hanggang sa makauwi kami sa bahay ay gaanon lang ako hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa ganoong pwesto. Nagising lang ako nang nasa bahay na kami, kami nalang ang nasa sakyan at si Manong ay binibuhat na ang mga pinamili namin.

"Gising ka na pala." he said.

Nakita ko siyang nakatingin lang sa akin habang natutulog ako. Bigla tuloy akong nahiya, for sure naka nganga ako habang tulog! Nakakahiya!

Mabilis akong umayos ng upo.

"Oo, kanina pa ba tayo dito? Sana ginising mo na ko para natulungan natin si Manong."

"Hindi, kakadating lang din." he said at may kinuha sa kaniyang tabi na paper bag na blue, "Here, for you."

Paper bag palang ay alam ko na iyon. Malaki ang pangalan na nakalagay doon, Blue Magic.

Don't tell me binili niya?! Oh my gosh!

"Nakita kong gustong gusto mo yan. Take that as my gift."

Invisible To You (Eleazar Series#3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now