Chapter 13

22 2 1
                                    

Chapter 13

Pababa palang ako ng hagdan ay rinig na rinig ko na agad ang pagpa practice nila kuya sa studio. Nagco-cover sila ng mga bagong kanta.

🎶Patuloy na aasa na
Ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghinintay na makasama ka
Sa 'king buhay
Hanggang sa dulo ng
Walang hanggan
Ikaw ang hanggan🎶

May date kami ni Azzy, it's been a weeks na rin nang mangyari ang nakita ko sa bahay nila JD. At ngayon ko lang naisipan lumabas at magliwaliw, luckily ay nagyayaya naman si Azzy, matagal na daw kasi kaming hindi nalabas kaya heto at hindi ko na hinindian.

Kagabi bago matulog ako nagpaalam kina Mama at pumayag naman sila. At ngayon ay dadaan lang ako kay kuya para magpaalam na aalis na dahil papunta na si Azzy para sunduin ako.

🎶Patuloy na inaasam
Na masilayan na kita
Babangon at lalaban at isisigaw
Ko kay Bathala
Ang kahilingang
Mahanap kita
Ang tanging hangad
Ng puso'y ikaw🎶

Sakto sa lyrics na iyon ay ang pagtigil ko sa pintuan ng studio. Pagharap ko sa kanila ay si JD agad ang bumungad sa akin at ang mga tingin niya. Hindi ko maintindihan pero may gulat sa mga mata niya na tila ba hindi niya ine-expect na nandoon ako pagmulat niya.

🎶Balik Takip-silim, sasapit na'ng gabi
Ng puso'y ikaw
Mga bitui'y lumihis, sisikat nang muli
Ng puso'y ikaw
Araw ay sumilip, nasilaw sa dilim, puso ay nagising
Nag-iisang muli🎶

Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya nang matapos ang kanta. Bumalik sa isip ko ang nakita at ang sakit na naramdaman noong mga nakaraang araw. I only like him, or let say more than like, wala kaming status or anything pero super sakit na what more if we have something. May be it will hard for me to move on.

"May pupuntahan ka?" tanong sa akin ni kuya. Nag hi lang akin ang ibang members at nagpatuloy na sa mga ginawa.

Hindi na siya nag abalang lapitan ako kaya hindi na rin ako lumapit sa kaniya ng sumagot.

"Yes, may date ako with Azzy." daretsong sabi ko.

"What? Alam ba yan nila Mama? At saan kayo pupunta?" sunod-sunod na tanong niya. Agad ko narinig ang mahinang pag tawa nila Art dahil doon. Natawa nalang rin ako, si JD at Kuya lang ang seryoso.

He's just looking at his phone. May be looking for a text of his girlfriends.

"Aalis na ko. Alam na nila. Bye."

"Susunduin ka ba dito? Pag hindi, wag ka na makipagdate!" rinig ko pang sigaw ni kuya kahit na naglalakad na ako palayo roon.

Azzy:
I'm here na.

Sakto lang ang paglabas ko ng bahay at nandoon na nga si Azzy, nakatayo ito sa labas ng isang sasakyan. He's wearing a black shirt with minimalist print, white pants and white shoes. Para siyang character sa movie na naghihintay sa girlfriend. Agad siyang kumaway sa akin ng makita ako, pilit akong ngumiti sa kaniya at lumapit.

"Sakto lang pala labas ko." I said and laugh.

Hindi mawala sa isip ko ang itsura ni JD kanina bago ako umalis. Katext niya kaya ang babaeng kahalikan niya sa kanila? Break na ba sila ni Erica? Maraming tanong sa isip ko pero lahat yun ay iwinala ko at pinilit na magconsentrate sa date namin ni Azzy.

"Ang ganda mo." agad akong pinamulahan sa binulong niya bago ako makapasok ng sasakyan.

I'm wearing a blue above the knee dress and white shoes. Nakailang labas na rin naman kami, pero ngayon lang kami magkakaroon ng formal date. Kaya I choose to wear dress.

Dahil grade 10 palang si Azzy ay hindi pa siya allowed na magmaneho, may kasama pa kaming driver para maghatid sa amin sa Mall. Manunuod kami ng movie dahil palabas ang paborito ko, Aladin.

"Sure ka na ba na ito ang panuodin natin?" natatawang tanong niya habang nakatingin sa binili niyang tickets. Tumawa ako sa kaniya.

"Oo naman. Nakabili na tayo ehh."

Naghintay kami sandali sa driver nila Azzy na nabili ng popcorn and drinks namin para sa panunuod. Kasama namin ang driver sa panunuod dahil hindi kami pwedeng kami lang dahil underaged pa.

"Mamaya, saan tayo kakain?" agad akong natawa nang tanungin niya iyon.

"Kakain agad? Hindi pa nga tayo nakakapasok ng sinehan, pagkain na agad pagtapos." tumawa rin siya.

"Sorry naman." natawa nalang ako sa kaniya habang papasok kami ng cinema.

Katabi ko Azzy at sa kabila naman niya ang driver na kasama namin. Masama kaming nanunuod, minsan ay sabay pa kaming natatawa ni Azzy. Natigilan ako ng maramdaman ang kamay niyang pasimpleng inaabot ang kamay ko.

Naiiling nalang ako na natatawa nang ako mismo ang humawak sa kamay niya. Ang bagal!

"Hey, sinisira mo ang diskarte ko." bulong niya sa akin na kinatawa ko.

"Whatever. Ang bagal mo." natawa nalang din siya sa sinabi ko.

Hanggang sa matapos ang movie ay hindi niya binitawan ang kamay ko, doon lang paglabas namin ng cinema.

"Saan mo gustong kumain?" he asked me.

Tumingin ako sa loob ng Mall. Madaming tao, sigurado ay madami ring tao sa mga kainan ngayon dahil lunch na.

"Kahit saan."

"Huh? Wala namang kainan kahit saan." natatawa siyang napakamot sa ulo. Natawa nalang din ako.

"Ikaw, saan mo ba gusto?" balik kong tanong.

"Ikaw, kuya Ben. Saan mo gusto kumain?" tanong niya naman. At ang sinabi niya ni Kuya Ben ang kinainan namin dahil pareho kaming walang maisip ni Azzy.

He's really a sweet and caring. Siya ang nag ayos ng pag kain ko ng dumating ang aming order, kulang nalang ay siya ang magsubo sa akin para makakain. Mabilis niya akong dinaluhan at binigyan ng tubig nang mabulunan ako. Napaka ideal boyfriend, walang duda kung bakit madaming nagkakagusto sa kaniya pero ako lang ang nililigawan niya. Almost 2 years na rin siyang nanliligaw kahit na alam niya ang pagkagusto ko kay JD.

"Bye, chat mo ako mamaya." paalam niya sa akin.

Nasa tapat na kami ng bahay, hinatid nila ako. Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

"Yes." I whisper to his ear and run inside our gate.

Nilingon ko siya ng may ngiti sa labi. Nakatayo pa rin siya roon, nilingon niya ako.

"What do you mean?" tumawa lang ako imbis na sumagot sa kaniya.

"Go home, call me later!" paalam ko bago tuluyang pumasok sa aming bahay.

Grabe ang kaba ko, nahihiya ako. I clearly said yes to him. He's now my boyfriend.

"What happen to you?" halos mapatalon ako nang may bigla nalang sumulpot sa aking harapan. Si JD.

"Wala,"

"Really?" napairap nalang ako sa kaniya at nag umpisa nang maglakad pa tungo sa hadan.

Panira ng mood.

Ganda na ng mood ko ehh, nakalimutan ko na iyong nakita ko pero heto na naman siya. Basta basta nalang susulpot na parang kabute.

Pumikit ako ng mariin at inisip na dapat kay Azzy na ang focus ko ngayon dahil boyfriend ko na siya. Boyfriend ko na si Azzy, siya nalang dapat.

Invisible To You (Eleazar Series#3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now