Chapter 14

17 2 0
                                    

Chapter 14

"Andrea, nasa labas na boyfriend mo. Hinahanap ka na." sabi sa akin ng isa sa mga kaklase ko.

Lumingon ako sa pintuan, inaasahan na nandoon nga si Azzy at hindi nga ako nabigo. Ngumiti at kumaway ako sa kaniya, ganoon din ang ginawa niya pabalik.

"Bilisan mo, I miss you." he lipsycn, I nod and cackled.

Mabilis akong naglikom ng aking gamit bago nagpaalam sa aking mga kaklase na nandoon pa rin. Mula ng magbalik eskwelahan lagi na akong sinusundo ni Azzy, sabay kami sa pag uwi kahit na magkaiba kami ng daan.

"I miss you. " he whispered to my ear, natawa naman ako.

"Grabe ha? Sabay kaya tayong nag lunch kanina, tapos miss agad?"

"Ahh! Basta namiss kita!"

Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa aking kamay na ikinatigil ng pagtawa ko. He always did it everyday, tuwing uwian pag naglalakad kami, and masasabi ko na ang gaan lang sa pakiramdam. I feel so love because of him.

"Hmm, what do you want? Kain muna tayo? San mo gusto?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Agad akong napaisip, ano nga bang gusto ko?

Kinapa ko agad ang wallet ko. He always treat me and gusto ko naman bumawi.

"I told you, ako ang gagastos pagmagkasama tayo." he said, natatawa akong tumingin sa kaniya.

"I insist." sabi ko habang tinitignan ang laman ng wallet ko nang hindi sadyang nalaglag ang ilang barya ko.

Mabilis akong umupo at pinagpupulot ang mga barya ko, gannon din si Azzy.

"Sabi sayo kasi, ako na ehh."

Bumuntong hininga ako.

"Oo na, basta bukas ako naman." I said.

"Uy, pre." dinig kong sabi ni Azzy habang ako ay nakayukho pa at inaayos ang wallet.

Agad akong hinawakan ni Azzy sa kamay ang wala na akong hawak, tumingin ako sa taong nasa harap namin. Si JD, nakatingin ito sa akin bago sa kamay namin. Bigla akong nanlamig sa tingin niya. Sa ilang buwan namin ni Azzy ay ngayon ko lang nakasalubong at nakita si JD na kasama ko si Azzy. I know he knows na kami na dahil alam din ito sa bahay at lagi siyang nandoon para sa practice, at ako ay wala lagi dahil kasama si Azzy at kung hindi naman ay nasa kwarto lang.

"Pabalik ka?" tanong ni Azzy sa kaniya, tumango lang si JD.

"Sige pre, una na kami ni Andrea."

"Ge, ingat kayo. Baka mawala kayo sa isa't-isa." he said and walked out, ang masama pa sa gitna pa namin siya ni Azzy dumaan dahilan para magkabitaw kami ng kamay.

What the hell is his problem?

"Hoy!" nahimigan ko ang pagkairita sa boses ni Azzy at parang gusto pang sugudin si JD kung hindi ko lang napigilan.

Mabait si Azzy, even if he knows how much I like JD he wait for me. Hindi siya nagse selos pag sinasabi kong nasa bahay ang grupo nila kuya dahil wala na rin siyang dapat ipagselos, Dahil simula nang maging kami, I make sure na siya nalang.

"Is it okay to visit you this weekend?" he asked me while we're talking at the phone.

Napangiti ako.

"Sure! You're always welcome here!" masaya kong sabi. Tumawa siya.

Alam nila Mama at Papa ang relasyon namin kaya welcome na welcome siya doon. Hindi rin naman naghigpit sila Mama sa amin basta ay alam namin ang limitasyon namin.

Nang dumating ang weekend ay maaga akong gumising para magbake ng cake sa tulong ni Manang, para iyon kay Azzy pagdating mamayang hapon. Pero bandang lunch ay nagdatingan ang grupo nila kuya, ang banda.

"Oy, ang bango. Ano yan?" si kuya nang makapasok ng kusina, dumaretso ito sa fridge at kumuha ng pitcher of water para sa kanila. Sunod-sunod din kasi ang pasok ng mga kasama niya kaya medyo nagkaingay.

"Cake yan?" si Art.

"Para ba samin?" si Allen naman.

Tinignan ko ang tapos ko nang cake, ilalagay nalang muna sa fridge para mamaya pagdating ni Azzy.

"Hindi." sabi ko at agad na inilayo ang cake sa kanila.

"Kung hindi samin, kanino?" si kuya.

Umirap ako.

"Para to kay Azzy. Kaya kaya kung gusto nyo, maghintay kayo mamaya. Hindi kayo ang unang titikim nito." pasungit kong sabi, sumipol si Art at Allen. Sunod-sunod na kantyaw ang natamo.

"Yun oh! Sana all!" si Allen. Natawa nalang ako.

"He's going here? Alam ba yan nila Mama?" kuya ask.

Muli akong umirap habang nilalagay ang cake sa fridge.

"Oo naman."

Nang humarap ako sa kanila ay si JD agad ang nakaagad ng pansin sa akin. Tahimik lang itong umiinom ng tubig at inilapag ang baso. Agad kong inalis ang tingin sa kanya nang makita ang pagtingin niya sa akin.

"At ano namang gagawin nya dito?"

"Malamang bibisitahin ako. Ano ka ba naman kuya!" natatawa kong sabi na medyo may inis pa.

Nilikom ko ang ibang natitirang kalat bago naghugas ng kamay.

"Para namang hindi kayo araw-araw magkasama para bisitahin ka pa ng Sabado." sabi pa ni kuya. Muli akong napairap.

"Ay, bitter ka lang ehh. Kasi wala kang girlfriend. Dyan na nga kayo. Manang paghain mo na nga sila, baka nagugutom lang ang pinakamabait kong kuya." sabi ko bago lumabas ng kusina.

"Pinakamabait daw na kuya oh, ehh diba ikaw lang naman ang kuya niya." dinig ko pang sabi ni Art naikinatawa ng grupo at maging ako ay natawa rin.

Silly.

"Talagang gutom ako. Kakainin ko yung cake na para kay Azzy!" dinig ko pang sabi ni kuya kahit medyo malayo na ako roon.

Naiiling nalang ako. I know him. Sinabi niya lang iyon pero hindi niya gagawin.

Nang dumating ang hapon ay dumating na nga si Azzy. Tahimik kaming kumakain sa kusina, sila kuya ay nasa studio room nila at nagpa practice.

"Ang sarap ha, ikaw ba talaga ang gumawa nito?" manghang sabi ni Azzy sa akin. Natatawa nalang ako na tumango sa kaniya.

Tinuruan lang ako ni Manang, pero noon pa man ay marunong na ako bago pa kami naging magkarelasyon. Minsan ko na rin kasing binigyan ng cake si JD noon. It's just a vento cake with a dedication on top for his birthday. And now si Azzy na ang ginawan ko, he deserve this.

"Ang galing naman ng girlfriend ko." he said and even pinch my cheeks. Ngumiti ako sa kanya.

"Syempre naman. Para sayo kaya to. Kaya ubusin mo to ahh?" natatawa kong sabi sa huli. Nakita ko ang pagkagulat niya at natawa na rin.

"Pwede rin, kaso magugustuhan mo pa rin kaya ako kahit mataba na?" he laughed.

"Oo naman,"

"Really?" he become serious and look at me. Tumango ako.

Hindi nga nawala ang pagkagusto niya sa akin kahit lantara  ang pagkagusto ko sa iba noon. Ano pa't maging ganoon din ako kaloyal sa kanya. He deserve that.

Unti-unti nyang inilapit ang mukha sa akin. Agad na nagwala ng dibdib ko, alam ko na agad kung ano ang balak niya gawin kaya unti-unti ko ring ipinikit ang mga mata. Pero bago pa man lumapat ang kaniyang labi sa akin ay may bigla nalang umubo sa malapit, at nang imulat ko ang mga mata ay bumungad si JD sa amin. Nasa kusina na rin ito.

Awkward akong umayos ng upo at ganoon din si Azzy.

"Kukuha lang ako ng tubig." sabi ni JD.

"Okay." tanging sabi ko at nagpatuloy sa pagkain ng cake, katulad ni Azzy.

Argh! Sana hindi niya sabihin kay kuya ang nakita! Muntik na kaming maghalikan ni Azzy at muntik pa niyang makita! Nakakahiya and at the same time nakakainis! Malapit na eh! Pero dumating siya! Sayang! Yun sana ang unang beses na magkakahalik kami ni Azzy at iyon rin sana ang first kiss ko!

Invisible To You (Eleazar Series#3) (COMPLETE)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz