Chapter 1

66 4 2
                                    

Chapter 1

Pagdating ko palang ng school ay may mga lumapit na agad sakin para bigyan ako ng bulaklak, chocolates, at letters. Valentine's day ngayon.

Nakangiti ako habang tinatanggap ng binibigay sakin ng isang dating kaklase noong elementary.

"Thanks." sabi ko at tinungo ang aking classroom.

May mga bulaklak at chocolates din sa upuan ko. Agad akong pinagtutukso ng mga kaibigan kong si Harlen at Lite. Bahagya akong natawa sa kanila at tinignan ang mga bigay sakin.

Hinanap ko ang mga pangalan ng mga nagbigay noon at walang JD doon. Bigo akong bumuntong hininga.

Ayos lang. I made a mini heart shape chocolate for him at inilagay iyon sa garapon. Nasa bag ko iyon at balak kong ibigay sa kaniya mamaya.

"Walang galing kay JD noh?" sabi ni Lite sakin at umupo sa bakanteng upuan saking tabi. Hindi ako nagsalita at nilikom ang mga chocolates at inilagay sa bag, ang iba ay ibinigay ko sa dalawang kaibigan.

"Baka nalate lang. Hintayin mo mamaya, bibigyan ako nun ng bulaklak!" sabi ko.

Umiling siya at tumawa.

"Sus, alam naman nating may Yuki na 'yon!" sumimangot nalang ako at umiling.

Alam ko namang may girlfriend na siya at matagal na sila, mag 5 months na din. Pero kahit na ganoon ay hindi mawawala ang pagkagusto ko sa kaniya.

Matagal na din nang huli niya akong pansinin, at iyon ay noong English camp pa. Grade 7 palang ako noon!

"Grade 8 palang naman tayo at grade 9 palang si
JD. Hindi pa iyon seryoso, kaya wag kang mawalan ng pag-asa. Wag mong pakinggan yang bruha na yan. Hayaan mo at pagkinasal kayo, hindi invited yan!" biglang sumulpot si Harlen at sinabi iyon.

Lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. Nag thumbs up ako sa kaniya at nag finger heart. Si Lite naman ang sumimangot ngayon, tumawa lang ako dahil alam kong hindi naman totoo ang pagtatampo nito.

"Don't worry, kahit anong mangyari bridesmaid kayo sa kasal namin!" sabi ko at sabay-sabay kaming nagtilian. Halo ang tuwa at kilig sa naiisip.

Hindi nako makapaghintay na mangyari nga iyon.

"By the way, look." ipinakita ko sa kanila ang ginawa kong heart chocolates for JD.

Pinaliwanag ko sa kanila kung paano ko nagawa iyon. At sila din ay ipinakita sakin ang mga ibibigay nila sa mga crush nila.

"Para to kay Rannie! Shems!" anunsyo ni Lite at inilabas ang heart shape Ferrero Rocher.

Si Rannie ang vocalist ng group nila Kuya, ang Invalid. Si Kuya ang leader nila at may sarili silang practice studio sa bahay kung saan may kumpleto silang gamit para sa banda.

Noong una ay hobby lang nila Kuya at Kuya Rannie ang pag tugtog hanggang sa nagkaroon ng isang contest tungkol sa banda at doon nila napagdesisyunan na bumuo ng banda. Doon nabuo ang Invalid na may apat na myembro, sila Kuya Clark, Kuya Rannie, Art at Allen. Simula ng mabuo ang grupo noong grade six ay mas nakilala sila, nag pe perform sila sa kanilang school pag may event at sumasali din sila sa mga contest.

Pag pasok ko palang ng highschool sa kapareho niyang school ay mas napatunayan kong madami ang nakakakilala sa kanila. May nagbebenta sa mga kapwa estudyante ng mga merchandise nila na may pangalan ng banda at mga pictures nila. Hindi ko din naman sila masisis na magustuhan nila ng banda dahil sa galing at gwapo ang mga myembro nito.

Lunch nang lumabas ako ng room. Nakapagtanghalian na kami ng mga kaibigan ko. Dala ang paper na naglalaman ng garapon na ibigay ko kay JD ay tinungo ko ang garden kung saan siya madalas makita. Malawak ang ngiti ko, na e-excite sa magiging reaction niya.

Yayakapin niya kaya ako sa tuwa pag nakita ang laman nito? Siguro hindi lang! Baka i-break niya pa si Yuki pag nagkataon at ipalit ako!

Humagikgik ako sa naisip.

"Every time you smile, I smile, And every time you shine, I'll shine for you..." kumakanta oa ko habang binabagtas ang daan patungo sa kaniya.

Lahat ng excitement at tuwa na nararamdaman kanina ay nawala nang makita si JD na binigyan ng mabilis na halik si Yuki sa labi. Nakaramdam ako ng inggit sa nasaksihan, pero hindi iyon naging hadlang para hindi magpatuloy sa paglapit sa dalawa.

Wala naman sigurong masama  kung bigyan ko si JD ng ganito kahit na nandyan ang girlfriend. It's just a friendly gift.

Ilang hakbang nalang ang layo ko sa kanila ng marinig ko ang pagtawag ni Azzy sakin.

"Andrea!"

Napapikit ako sa narinig. Medyo nairita sa biglaan niyang pagsulpot. Epal.

Maging sila JD at Yuki ay napatingin sa pinanggalingan ng boses, habang ako ay nakay JD pa din ang atensyon. Dumapo ang tingin nito sakin kaya ngumiti ako sa kaniya, hanggang sa mapadpad ang tingin niya sa hawak ko. Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo, pero bago pa man ako magsalita ay naunahan na ako ni Azzy.

"Andrea!" mas malapit na ang pinanggalingan ng boses nito, patunay na nakalapit na ito.

"For you." doon lang ako napalingon sa kaniya.

Iniharap niya sakin ang bouquet of chocolates. Nanlaki pa ang mata ko sa nakita, puno iyon ng mga paborito kong chocolates. Aabutin siguro ako ng isang buwam bago iyon maubos.

"Wow, thank you!" walang pagdadalawang isip na kinuha ko iyon sa kaniya.

"How did you know my favorite chocolates?"

"I asked your friends!" proud na sagot niya, tumawa lang ako. Agad ding nawala iyon nang magsalita si Dale.

"Diabetis aabutin nya dyan."

"It's okay, babe. You also gave me a lot of flowers. Sa inyo galing ang mga iyon kaya okay lang." nanliit ang mata ko sa sinabi ni Yuki.

Edi ikaw na binigyan!

"You mean, all? From us?" tumango si Yuki.

"What if I gave you a food from my mouth? Nilawayan ko na bago ko ibigay sayo. Kakainin mo pa din ba?" bahagyang tumawa si Yuki.

"That's gross, but yeah. I'll eat that."

Nakaramdam ako ng inis sa pagtawa nila sa isa't-isa. Talagang sa harap ko pa naglandian. Mga walang respeto! Crush ko siya ehh! Dapat isipin din nila yung nararamdaman ko.

"Here, for you." sa inis ko ay kay Azzy ko ibinigay ang paper bag na naglalaman ng garapon.

"Thank you for this." hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Azzy at umalis na doon.

Nang makalayo ay agad akong nagsisisi sa ginawa. Dapat ay binigay ko na agad iyon kay JD at hindi kay Azzy. Grr.

"Wow, kanino galing?"

"Nabigay mo?"

Pag dating ko ng classroom ay agad akonv sinalubong no Harlen at Lite ng tanong. Pero ang tanging naging sagot ko lang ay hindi at agad na umub-ob sa aking arm chair.

Dapat binigay ko na! Grr! Bwisit kasing Yuki yan! Ang harot, nabadtrip tuloy ako.

Para kay JD talaga yun! May kasama pa yung letter! At picture ko!

Invisible To You (Eleazar Series#3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now