Chapter 23

17 1 1
                                    

Chapter 23

"Hoy, ano yan?" agad akong naitulak si JD nang marinig ang boses ni Kuya.

Bakit kasi bigla bigla nalang siyang nangyakap? Nilalagnay ba siya? Nakalimutan niya ba kung sino ang girlfriend niya?

"Ahh! Sorry," sabi ni JD bago siya umalis sa studio room.

Walk out? Anong trip nun?

"I told you, guys." dinig kong sabi ni Allen kina kuya at tumawa. Narinig ko rin ang mahinang pagtawa ni Art, pero si kuya ay hindi umimik.

Anong meron?

Imbis na manatili doon ay walang pagdadalawang isip kong sinundan si JD. Alam kong may mali at hindi ako papayag na ganoon nalang iyon. Hindi siya a-akto nang ganun ng walang dahilan.

May part sa akin na naniniwala pa rin sa sinabi niya, kahit na may girlfriend na siya. Kahit na may side sa akin na nagsasabing hindi iyon totoo kahit pinagsabay niya kaming ligawan.

Nakita ko siyang nakaupo sa bench sa labas ng bahay. Parang umulit lang, nung time na sinabi niyang nililigawan niya ako.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.

"Hey." tawag ka sa kaniya bago tumabi sa inuupuan niya. Nilingon niya lang ako sandali pero hindi na muling pinansin. Kaya hindi nalang rin ako muling nagsalita, tahimik lang kaming pareho nang hindi na siya nakatiis na magsalita.

"Iyong kanina, wag mo nang isipin." para akong nabingi sa sinabi niya, parang may iba pa akong gustong marinig mula sa kaniya.

I look at him, hindi siya makatingin sa akin. Pinagmasdan ko ang bawat parte ng mukha niya, ang makapal niyang kilay, yung malalim niyang mga mata, matangos na ilong, manipis na labi at ang kulay kayumanggi niyang balat, very manly. Very mesmerizing to me. Ngayon ko nakita kung gaano kalaki ang iminatured niya, mula noong grade school hanggang ngayon siya pa rin...

"Congrats nga pala." I said, out of nowhere.

Bigla nalang pumasok sa isip ko ang nangyari sa performance nila sa isip ko, noong sinagot siya ng babaeng ka batch niya. Katulad na katulad nang balak ko sanang gawin.

"Congrats san?" he asked, pilit akong ngumiti sa kaniya.

"Congrats kasi sinagot ka na ng nililigawan mo." bahagya pa akong tumawa.

"Ganun din sana ang gagawin ko ehh. Naunahan lang ako." duktong ko at muling tumawa. Kita ko ang pagkagulat sa kaniya sa sinabi ko, pinilit ko pa ring ngumiti.

"Buti nalang may nauna, nalaman kong hindi pala ako nag iisa." I said again even if it hurts me.

Agad kong naramdaman ang pag-init ng mga mata ko. Napayuko nalang para maitago iyon. Masakit pa rin pala.

"Wala na kami... Ikaw lang yung totoo kong nililigawan... Nasabi ko lang na si Lory ang nililigawan ko kasi siya iyong naabutan nila Clark na kausap ko sa pintuan ng room, hindi ko alam na se-seryosohin niya iyong sinabi ko." natigilan ako sa sunod sunod niyang sinabi.

Paano ako maniniwala ngayon? Kung nung una palang na maniwala ako sa kaniya ay mali agad.

"Pagkatapos ng performance namin, kinausap ko agad si Lory. I told her that all she assumed are not true. Ni hindi ko nga siya nakakausap at nakakachat paano ko siya liligawan. Nagkataon lang ang lahat, isang beses ko lang siyang idinahilan at nag assume na siya. Please, believe me."

Agad kong pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata ko bago umiling sa kaniya. Hindi ko na kayang maniwala, pakiramdam ko kung gagawin ko pa ulit yun masasaktan lang ulit ako.

Invisible To You (Eleazar Series#3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now