Chapter 3

33 4 0
                                    

Chapter 3

Hawak ko ang isang botehan ng tubig nang pumasok ng aming sasakyan. May laro sila Kuya ng basketball at manunuod ako. Siguradong nandoon din si JD dahil kasama dito sa team nila kuya.

"May dala na akong tubig." agad na sabi ni Kuya nang makita sang dala ko. Tinignan ko siya at nginitian, bago sinulyapan ang dala.

"Hindi to sayo, feeling ka!" singhal ko kay Kuya at humarap sa bintana. Narinig ko ang pagtawa niya.

"Para kay JD?" muli siyang tumawa.

"Sa tingin mo ba hindi yun marunong magdala ng tubig?" duktong niya pa. Kunot noo akong lumingon sa kaniya.

"Bakit? Sa tingin mo ba sapat ang isang bote sa kaniya? Tss!" asik ko sa kaniya at muling tumingin sa bintana.

Lagi ko iyong napapansin sa kaniya tuwing nanunuod ako ng laro nila. Kada break ay umiinom ito ng tubig, kaya pagkakatapos ng laro ay ubos na iyon. Kahit ang girlfriend nito ay hindi siya pinagdadala, kaya madalas ay bago ang kanilang laro ay bumibili na ako ng tubig para sa kaniya at ipapabigay ko sa isang kakilala na kateam niya.

"Art?" tawag ko dito, hindi naman ako nabigo dahil lumingon ito agad sa akin.

"Bakit?" tanong niya nang makalapit sa akin.

Lumingon muna ako sa iba nilang kateam, hinahanap si Kuya at nang makitang busy ito sa iba at malayo sa akin ay agad kong sinabi ang favor ko kay Art, isa din sa member ng band ni Kuya.

"Paki bigay naman 'to kay JD." sabi ko at sinulyapan pa si Dale na kasalukuyang kasama ang iba nilang kateam. Mamaya maya ay pupunta na ito sa girlfriend.

Nakita ko ang mapanuksong ngiti na sumilay kay Art. Halos lahat naman sila ay alam na gusto ko si Dale, kahit si Kuya. At kung tutuusin ay kaya kong ibigay ito sa kaniya ng harap-harapan pero may girlfriend ito at ayokong mangyari ang nangyari nung Valentine's day, na imbis na kay JD ko na ibigay ang ginawa ay sa iba na punta.

"Salamat." mabilis kong inilagay sa kamay niya ang tubig at lumayo.

Nakita ko ang bahagya niyang pagtawa at nagtungo na din sa kumpulan nilang team kung nasaan din si JD. Nakatago ako sa kumpol ng manunuod habang nakatanaw sa kanila. Nakita ko ang pag-abot nila ng tubig kay JD at may sinabi, nakita ko naman ang pagkagulat ni JD sa sinabi nila bago lumingon sa paligid kaya agad akong nagtago.

Grabe ang kaba ko doon, at nang sa tingin ko ay hindi na ito nakatingin ay muli akong sumilip, ganoon nalang ang pagwawala ng puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa.

How did he know that I'm here?

Imbis na maging awkward ay ngumiti ako sa kaniya at kumaway. I even signed him to drink the water I gave, pero nakatingin lang siya sa akin at nang buksan ang tubig na binigay ko ay nakihalubilo na din sa mga kateam niya. Hindi ko mapigilan ang aking pag ngiti matapos noon.

"Whoooooo!! Go JD!!!" nabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ang sigaw ng ilang babae doon.

Kanina pa kami dumating ni Kuya at doon ako sa banda nakaupo kasama ang kanilang team. Katabi ko ang mga kasama din ng mga kateam niyang mga babae, ang iba ay kanilang girlfriend at kapatid din.

Agad ako nagtaka ang dumating si JD nang mag isa at hindi kasama ang girlfriend. He always brought his girlfriend to his game.

"Hi." bati sakin ng ilang kasamang babae. Ngumiti ako sa kanila pabalik, bago muling tumingin kay JD.

Nagulat pa ako nang makitang dare-daretso ito sa upuan ko. Ngumiti ako sa kaniya nang makalapit.

"Hi," I greeted him, pero manlang ako nito binati o nginitian pabalik. Tinignan lang ako nito at inilagay ang kaniyang gamit sa aking tabi.

Invisible To You (Eleazar Series#3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now