Chapter 30

21 3 1
                                    

Chapter 30

Nagmamadali akong lumabas sa aking clasroom. Last subjects ko na at maaga pa para sa 3 pm, 2 pm palang ng hapon. May isang oras pa ako para isipin ang mga sasabihin ko kay JD, kung paano ko siya haharapin pag nakita siya. Paano sisimulan ang dapat naming pag-usapan.

Kahit maaga pa ay pumunta na agad ako ng Paper Cafe. I ordered a regular cafe latte, and I sat at our usual spot. Malamig ang panahon ngayon, parang anytime at bubuhos na ang ulan dahil sa kulimlim nito.

I sip my coffee and remembered when was the last time I came here with JD. Prelim pa ata nang huli kaming nagpunta dito, nagre review at hindi pa ulit na sundan. Madalas naman kasi dito last semester dahil ito ang naging tambayan namin sa pag-aaral. Tahimik at ang comfy ng place para sa mga tulad naming estudyante.

Kinuha ko ang mga activities na kailangan kong gawin habang naghihintay. Mahaba pa ang oras bago siya dumating, siguro naman ay tapos ko na ang lahat pagdating niya. I wrote my notes and answers my activities and the time has come but still no JD come. Nagkibit-balikat lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa, baka na late lang pero mag 4pm na ay wala pa rin siya.

Nilikom ko ang aking mga gamit, tapos ko na lahat ng ipapasa ko next week pero hindi pa rin siya dumadating. I look for his text or chat but still none. I tried to call him but he's out of coverage.

To: Babi JD<3
San ka na?

I wait for his reply, pero wala.

"Konting oras pa, Andrea." I whisper to myself and wait until 5pm but still no JD came.

"Baka nasa school pa." I said to myself.

Tumayo ako dala ang aking mga gamit palabas. Makulimlim pa rin ang langit pero mas madilim na kumpara kanina. At tama nga ako, dahil pagkasakay ko palang ng jeep ay agad ng bumuhos ang malakas na ulan.

"Shit, wala akong dalang payong." kahit anong halungkat ko sa aking bag ay wala talaga. Mukhang naiwan ko iyon sa bahay at nakalimutang ilagay sa bag.

Wala akong choice kundi takbuhin ang gate ng school mula sa babaan ng jeep. Madami namang puno kaya medyo nabawasan ang patak ng ulan bago pa ako makadating school, basa man pero hindi sobra.

Hinihingal akong tumingin sa mga building, wala na masyadong naglalakad sa labas, siguro ay dahil sa ulan na rin. Patay ang mga ilaw sa mga classroom, mukhang wala na masyadong estudyante.

"Kuya Guard, may mga estudyante pa ba sa BA Department?" tanong ko sa guard nang makadating ng school. Buti at may silungan malapit sa guard.

"Meron pang ilan na hindi pa nakakalabas."

"Ehh Si JD po ba? Nakita nyong lumabas?" muli kong tanong, kahit na baka hindi niya kilala si JD. At least I tried.

"Iyon bang nakanta sa banda? Iyong dati mong nobyo?" sunod-sunod ang naging pagtango ko. Napakunot pa nga ang noo ko sa sinabing dati kong nobyo, pero tumango pa rin ako.

"Nakita ko, kasama ng isang babae. Bagong nobya ba niya iyon?"

"Saan po sila nagpunta?"

"Doon sila nagpunta noong nakita ko ehh. Neng, malakas ang ulan!" hindi ko napinsin ang sinabi ni Kuya Guard at agad na tinungo ang dulong building na tinuro ng guard. Sa Tourism Building.

Si Yuki ang unang pumasok sa isip ko ng sabihin ng guard na may kasamang babae si JD. I think kaya nag come up si Kuya Guard na bagong nobya ni JD ang kasama dahil madalas niya iyong kasama na dati ay ako.

Wala na akong pakialam kung malakas ang ulan at mabasa ako, ang tanging goal ko lang ay makadating sa Tourism Building. I choose the grounds instead of the pathway beside the buildings with a roof. Mas mabilis kung sa grounds, daretso na agad sa building kesa sa gilid ng buildings na liliko pa para hindi talaga mabasa.

Pagdating sa Tourism Building, hindi ko alam kung saan sila hahanapin, wala rin akong mapagtanungin dahil walang tao sa hallway. Kung kailangan kong isa-isahin ang mga rooms ay gagawin ko, makita ko lang si JD at ang babaeng sinasabi ng guard.

Unang room palang na tinignan ko ay nakita ko agad si JD, nakaupo siya sa isang upuan katabi ang isang babae. Si Yuki. Pareho silang may tinitignan sa notebook. Nagtago ako sa tabi ng pinto para hindi nila makita.

"Hindi, mali. Dapat eto ilalagay mo dito. Tapos pagplusin mo." dinig kong sabi ni JD.

"Ay, oo nga." ilang sandali muli silang natahimik at may sinulat si Yuki sa notebook.

"Wow, ang galing mo talaga! The best ka!" napairap ako sa narinig. Parang gusto ko nalang silang suguring dalawa.

Naiinis ako. Dalawang oras akong naghintay kay JD pero heto siya kasama si Yuki. Mas pinili niyang kasama si Yuki kesa harapin at kausapin ako. Parang noong nakaraan lang sabi niya, mahal niya ko, na ako lang. Pero heto siya, hindi manlang ako makausap.

Lalong na durog ang puso ko nang makita ang paghalik ni Yuki kay JD. Agad na nagtuluan ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman. I step back, hindi ko na kayang makita ang ginagawa nila. Natigilan ako nang may nadanggi akong botehan sa aking paa dahilan para magkaroon ng ingay sa hallway.

Imbis na manatili pa doon ay agad na akong tumakbo palayo sa building na iyon bago pa man nila ako makita. Wala na akong pakialam kung lalo pa akong mabasa ng ulan. Masyado nang masakit para maisip pa ang bagay na iyon, ang gusto ko nalang ngayon ay ang makauwi at makulong sa aking kwarto.

"Andrea." paglabas ko palang ng building ay sinalubong na agad ako ni Azzy.

Hindi ko alam pero lalo akong naiyak nang makita siya. May hawak siyang payong, nakatingin sa akin ng may pag-aalala. Wala pa akong sinasabi pero hinubad niya ang kaniyang jacket at pinasuot sa akin. Then he tap may shoulder.

"It's okay, everything will be alright. I'm just here for you." he said that makes me cry more.

Hindi ko man sabihin, pero sigurado akong alam na niya.

Hinatid niya akong pauwi, walang sinasabi o tinatanong. He just let me cry until I couldn't anymore.

"Thank you." tanging nasabi ko bago pumasok sa aming bahay.

Tulala lang ako hanggang sa aking kwarto. Malinaw na malinaw pa rin sa akin ang lahat. Isa lang ang sigurado ako, he choose her again over me, and that hurts me the most.

Invisible To You (Eleazar Series#3) (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang