Chapter 33

21 3 1
                                    

Chapter 33

"Ma'am, tumawag po si Miss Nadine. Dadaanan daw nila mamayang hapon ang pinagawang gown para sa 18th birthday niya." sabi ng assistant kong si Myline.

Busy ako sa pag aayos ng telang gagamitin ko para sa gown na tatahiin para sa isang client. Next week na ito kukunin at kalahati palang ang natatapos ko sa ginagawa. Maaga pa at halos isang oras palang nang magbukas kami ng boutique

Ilang taon na rin nang magpatayonako ng sarili kong boutique, nandito na rin ang office at gawaan namin. All in one na. Medyo malayo lang sa lugar na kinalakihan ko, sa Maragundon. Mas pinili ko at ng team ko na magtayo dito sa Dasmariñas, mas malapit sa Manila at mas mabilis mapupuntahan ng mga clients namin kung sakali. At inapprove din ito ni Mama, tama lang daw ang naisip namin.

"Sige, i-ready mo na para ibibigay nalang pagkadaan nila." sabi ko at tuloy-tuloy pa rin sa ginagawa. Bayad na rin naman ang gown at kukunin nalang.

Pinili ko ang mga kulay ng sinulid na gagamitin ko bago umupo sa aking upuan sa harap ng makina. Inayos ko ang mga dapat ayusin bago nagsimula sa pananahi.

"Okay, Ma'am. Magsesend na din ako ng design sa bago nating client, magpapagawa daw siya para sa pageant." duktong pa ni Myline, tumango lang ako at nagpatuloy sa ginagawa.

I moved my foot with the paddle of my sewing machine. Ganoon lang ang ginawa ko hanggang magtanghalian. Nag-inat-inat ako sandali nang maisipang magpahinga muna sa ginagawa. I lift the gown, it's just a simple off shoulder black fishtail gown with sequins. Pinagawa ng isa naming regular customer para sa prom ng kaniyang anak.

I looked around, looking for Myline. Nasa isang room ako kung saan naka stock ang iba't-ibang tela, at kung nasaan ang mga sewing machine. Nasa tabi ng kwartong to ay ang office ko, sa kabila naman ay ang fitting room at mga gowns para sa iba't-ibang okasyon, may mga pang kasal, ball gown, different dress at atpb.

May tauhan ako na natulong din sa akin sa paggagawa ng mga damit na binebenta namin, mamayang hapon pa ang pasok ang isa at ang isa naman ay naka leave.

"Myline!" I called her name. Ilang sandali lang ay agad siyang dumating.

"Ma'am, bakit?"

"Umorder ka na ng lunch natin."

"Okay, Ma'am." sabi niya at muli na akong iniwan sa kwartong iyon.

Sandali pa akong nanatili doon at nag scroll muna sa aking phone. Kung ano ano lang ang nakita ko, nagreply din ako sa mga chats and inquiry about sa designs ko, hanggang sa napadpad ako sa story ni Myline. Video iyon ng mga nagsasayaw na grupo ng lalaki, hindi ko malaman kung mga koreano ba iyon o Filipino kasi tagalog naman ang kanta. I-skip ko na sana iyon nang mamukhaan ko ang isa sa mga miyembro ng nagsasayaw. Hinding-hindi ako pwedeng magkamali pagdating sa kaniya.

"Hi!" mabilis kong inalis sa app na iyon ang phone ko nang marinig si Art sa labas.

Ngayon ang araw ng pagsusukat niya ng tuxedo na gagamitin niya sa nalalapit na kasal. Lumabas ako at bumati sa kaniya.

"Hi, ang aga mo ahh."

"Syempre naman."

"Lunch break palang namin, mamaya ka pa masusukatan. Kung gusto mo, tumingin ka na ng mga available dyan at kung ano kasya sayo. Baka may magustuhan ka." sabi ko at pumasok sa office ko.

Sakto namang dating ni Myline dala ang paperbag ng pagkain galing sa isang fastfood. Ipinatong niya iyon sa mesa ko at umupo na rin para kumain.

"Kain, Sir Art." alok ni Myline kay Art.

"Sige lang, makita lang kitang busog, busog nako." napairap nalang ako sa narinig.

Ikakasal na't lahat playboy pa rin. Wala na talagang bago. Ewan ko ba kung paano niya napa-oo ang kanyang girlfriend.

Invisible To You (Eleazar Series#3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now