Kabanata 36

13 1 0
                                    

Kabanata 36

Hiling na natupad




[ELDORIUS CHARLES]

Ang akala ko noon ay hindi na ako makakaalis sa lugar na iyon. Ilang taon rin ang ginugol ko sa mundong iyon at ang akala ko talaga ay hindi na ako makakatakas sa madilim na mundong iyon. Ang akala ko ay mananatili na ako doon habang buhay ngunit hindi papa iyon hinayaan ng tadhana na mangyari sa akin iyon.

Ayon sa salaysay ng aking asawa ay tumulong rin daw ang kanilang mahal na pinuno na nagdala sa akin sa lugar na iyon at pinaliwanag niya sa amin na gusto lang niya daw protektahan siya. Sana ay nagsilbing aral sa kaniya ang nangyari na hindi lahat ay gagamitin lang para sa sariling interes o ikauunlad.

Lumapit sa akin si Aoife. “Sana magsilbing aral sa kaniya ang ginawa niya,” sambit niya.

“'Yan rin ang iniisip ko at inamin naman niyang nagkamali siya sa ginawa niya,” tugon ko.

Sumulyap siya sa akin. “May punto ka rin naman,” pagsang-ayon niya sa sinabi ko.

“Dapat matutunan rin nating magpatawad pero sa akin ang ginawa niya ay hindi katanggap-tanggap dahil hinarap ko ang parusa at tinanggap ang pagkakaalis ng aking kapangyarihan,” dagdag pa niya.

Sa tingin ko ay may punto rin siya pero naiintindihan ko naman ang kaniyang dahilan na nais lang niyang protektahan siya mula sa mga tao at ibang nilalang na tulad ko.

Siya ang pinuno at base sa kaniyang mga naranasan ay maaaring nangako siya sa kaniyang sarili na poprotektahan niya ang kaniyang mga nasasakupan upang hindi na maulit muli sa iba ang nangyari sa kaniya.

Lumapit sa akin ang anak kong si Aric. “Masaya ako dahil nakasama ka na namin at nakilala na rin kita,” masiglang sambit niya. “May ipakikilala pala ako sa inyo,” nakangiti niyang sabi.

Lumabas mula sa likod niya ang babaeng may mahabang berdeng mga buhok at mga mata. Maaaring tagapangalaga ito ng kalikasan at ayon sa kaniyang ina ay nagkakilala sila dito mismo sa lugar na ito.

Malapit lang rin ang kinaroroonan ng bahay ng babaeng nag-alaga sa kaniya simula noong sanggol pa lang ito bago siya kunin ng kaniyang mga tunay na magulang.

“Nagagalak po along makilala kayo,” magalang niyang sambit.

Ako naman ay tumayo at lumapit sa kaniya sabay lahad ng kamay ko.“Nagagalak rin akong makilala ka at hindi nga ako nagkamali na kayong dalawa ay magkaiba rin ang mundo,” sambit ko sabay abot ng kamay ko at pagkatapos makipagkamayan sa akin ay inalis ko na ang kamay ko mula rito.

Tila bigla akong kinabahan dahil maaaring mangyari at maulit sa kanila ang nangyari sa amin. Una na itong nangyari sa diyos na so Zephyrus at ang kasintahan nitong mortal. Maaaring napigilan man nila ang dapat na mangyayari pero paano sa susunod na mga araw at panahon?

I glanced at her green emerald eyes. “My wife and son have already told me about you, and they tell me that you're a nice being,” I stated, and she smiled before nodding at my statement.

My son fixed his gaze on me. “Father, I feel like she's the one for me,” he confidently uttered.

I forced a grin. “I'm happy to see that you genuinely adore her.”

Red Roses Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz