Kabanata 29

11 1 0
                                    


Kabanata 29

The Unknown

[AELIANA, the Starweaver]

Biglang lumitaw sa harapan ko ang isang estrangherong lalaking nakita ko noon.

Isa siyang salamangkero at dahan-dahan akong lumapit sa kaniya habang siya ay nakatalikod.

"Ano ang ginagawa mo dito sa mundo namin?" Tanong ko at bigla naman ako nitong hinarap habang nakangisi.

Sumulpot sa kung saan ang divine being. "Aeliana, huwag mo ng subukang lumapit pa." Napaatras ako sa takot dahil pulang-pula ang mga mata nito.

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" Tanong ko at nanatiling gulat ang reaksyon dahil walang sinumang pinapayagang makapasok rito.

"Sasakupin ko ang lahat ng mundo." Isang marahas na tono ng boses ang narinig ko na taliwas sa kaniyang boses noon.

Hindi maaari dahil hindi siya ang lalaking estrangherong iyon sapagkat hindi naman ganyan ang kaniyang tunog ng boses nito.

Maaaring ginamit lang nito ang pangalan ko sa pamamagitan ng pagpapanggap upang makapasok siya.

"Aeliana, lumayo ka sa kaniya!" Sigaw ng divine being sapagkat sinusubukan niya akong iligtas.

"Lahat kayo ay mamamatay at kung tatanungin mo kung sino ako ay nagmula ako sa mga rogue sorceress." Sambit nito at nagpakawala ng iba't-ibang klase ng boses sa kaniyang pagtawa.

-✿✿✿✿✿-

Ramdam kong may yumuyugyog sa katawan ko hanggang sa naamliputangan na ako. Natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga sa isang patag na kama na tila gawa sa kahoy.

"Ayos ka na ba?" Lumapit silang lahat sa akin.

"May nakita ako," sabi ko na nagpabahala sa kanilang lahat.

Lumapit sa amin ang divine luminary o reyna dito. "Ano ang nakita mo?" Tanong niya sa akin kaya tinignan ko silang lahat isa-isa.

"Sabi niya ay sasakupin niya daw ang mundo at mamamatay daw tayong lahat," tugon ko sa tanong niya kaya kinabahan ang lahat ng nandito. "Siya daw ay galing sa rogue sorceress at mukhang malalagay tayong lahat sa panganib dahil nagagawa niyang komontrol ng isang nilalang." Pag-abiso ko sa kanila kaya naman ay nag-iisip sila ng paraan.

"Manatili kayong alerto at protektahan ang nature deity lalo na ang salamangkero niyang kaibigan," utos niya.

"Isang salamangkero rin ang nakita kong kinontrol niya," nabaling lahat ang kanilang atensyon. "pero..." hindi ko na naituloy dahil lumitaw muli ito sa isipan ko.

"Pero ano?" Tanong ng Cosmic Guardian.

Tinignan ko siya. "Siya ang estrangherong lalaki na nakilala ko noon at mukhang ang puntirya nila ay si Aric." Sabi ko kaya nabahala ang lahat dahil alam naming lahat na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan si Aric.

Kapag sinuko ni Seraphina ang kaniyang sarili at kapangyarihan ay mangyayari na naman ang kinatatakutan namin. Hindi na ito pwedeng maulit muli dahil kapag naulit ito ay malabo na namin itong mapipigilan.

"Kailangang malaman ito ni Zephyrus," komento ng inang reyna. "Ang isa makakatuklas lang ng sagot ay ang kaniyang ina ngunit kinakailangan ko pang ibalik sa kanila ang kaniyang ama." Tila nanghihiyang niyang sambit at mukhang may kinalaman ito sa nangyari kay Aoife.

"May kinalaman ka sa nangyari?!" Gulat kong tanong kaya tinignan niya ako.

"Oo, mayroon at sana'y mapatawad pa niya ako." Pag-amin niya sa kasalanang nagawa at halos lahat ng narito ay nagulat rin.

Red Roses Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon