Kabanata 11

14 5 2
                                    

Kabanata 11

God of the sea

    [EREBOS, God of Shadows ]

Bukod sa pagiging diyos ng mga anino ay ako rin ang diyos sa underworld na maaaring magpataw ng kaparusahan sa sinumang lalabag. Ako rin ang diyos ng mga bangungot, nakatago lang ako mula sa anino ng mga bagay  upang hindi ako makita.

Madalas kapag naramdaman na ang presensya ko ay natatakot sila at panay tingin sa paligid. I reigns over the realm of shadows and darkness, governing the underworld and the realm of nightmares, where sinners face judgment.

Hindi naman ako basta-basta nagpaparusa kaya yung mga tao at nilalang na sinusundan ko ay inaalisa ko muna kung talaga bang kailangan bang parusahan o kaya‘y huwag na lang muna.

Sa tao naman, kapag naging sobrang makasalanan sila ay kaluluwa nila ang haharap at maghihirap sa bandang huli. Kapag nilalang naman na naging makasalan gaya ng fairies o kung ano ‘yan kailangan nilang tawirin ang nagyeyelong dagat ng sila lang, tulay kung saan maaari silang mahulog sa anumang oras, masusugatan sila ng mga kutsilyong kusang lumilipad at marami pang iba.

Nagmamasid ako sa paligid at maaaring walang alam ang lahat na matagal rin akong hindi nagparamdam. “Lahat sila ang alam ay masama akong diyos,” bulong ko sa malamig na hangin. “ngunit nagkakamali sila dahil ang kaparusahan ay kaparusahan.” Patuloy ko pa sa sinasabi ko.

Napasinghap ako ng maramdamang may kakaiba sa ihip ng hangin. Sobrang lamig nito pero kakaiba ang ihip nito tuwing dumadapo ito sa aking balat. Hindi ordinaryong lamig ang nararamdaman ko at nararamdaman ko sa paligid na parang bang may nag-aabang na panganib.

Iba ang ihip ng hangin at maya-maya pa namataan ko na ang maliit na kutsilyong paparating sa akin habang nakatanaw sa paligid at buti na lang ay agad kong naproteltahan ang aking sarili. Napag-crossed ko kaagad ang mga kamay ko na dahilan para tumalsik ito palikod at kung saang direksyon man ito galing. “Magpakita ka!” Sigaw ko sa madilim na paligid. “Come out in the dark, reveal yourself, and stop this game!” A man with long hair that reaches his shoulder and a bushy beard can be seen reflected in the darkness.

Narinig ko siyang tumikhim at nakatayo ito sa may ilalim ng puno. “Sana‘y makilala mo pa ako, kapatid.” Turan nito sa sakim na boses bago ito humalakhak ng malakas.

Pamilyar ang boses nito at dito sa kinaroroonan ko ngayon ay medyo malapit lang sa maliit na parte ng karagatan kung saan sa isang di gaano kalakihang daluyan ay dumadaloy ang tubig ng dagat. Sa hangganan no‘n ay isa ng talon at sa pansin ko na biglang bumalik ang normal atmosphere pati ang kakaibang ihip ng hangin ay biglang nawala.

“Hindi kita maaaring ‘di makilala sapagkat pamilyar ang boses mo at hugis pa lang ng iyong anino ay kabisado ko na,” matapang kong sagot rito.

Ginamit ko ang aking abilidad para makausap ang mga ispirito sa paligid at mga nasa likod ng mga anino.

Sa bawat ihip ng hangin ng hangin ay tila may bumubulong na naman. “Siya ang matagal mo ng hinahanap,” bulong ng mga ispirito.

Napapikit ako at dinama ang malamig na ihip ng hangin. “Mukhang itong tagpo na ‘to na ang iyong inaabangan,” bulong ng mga anino.

Paunti-unti kong binuksan ang aking mga mata ko at napansing hindi pa rin ito umaalis sa pwesto. Tila ba ako ang hinihintay nitong harapin siya sa ibaba, hindi ako maaring magkamali dahil siya ang diyos na nagkasala noon. Siya ang diyos na muntikan ko ng makalaban dahil sa kaniyang ginawang kapalastanganan na hindi katanggap-tanggap sa lahat ng ibang mga diyos.

Kitang-kita ang repleksyon nito sa dilim, ang malaki niyang katawan ngunit naaaninag ko ang mga malalaki nitong muscles. Hindi ako pwedeng magkamali! Maaaring siya nga ito at kung ano man anh pakay niya, sana'y huwag na lang niyang ituloy dahil mabibigo lang siya rito.

Red Roses Where stories live. Discover now