Kabanata 16

17 5 12
                                    


Kabanata 16

Between Friendship and Love

[ZEPHYRUS, God of the breeze]

Dati kong kaibigan si Grimshade pero sa paglipas ng panahon ay lumayo siya sa hindi malamang dahilan. Pumunta muna ako sa tahimik na lugar ngunit may narinig akong kumakanta ng gabing iyon. Hindi ito diyosa ng buwan ngunit napakaganda ng boses nito.

Hindi ko ito naabutan sa dami ng iniisip ko dahil ‘di ko namalayang imahinasyon ko lang pala ang lahat. Ang boses nito ay mas malamig pa sa tainga kumpara sa himig ng diyosa ng buwan.

Tila sa bawat himig nito ay may kinalaman sa nangyayari sa akin. “Sino naman kaya siya?” Bulong ko sa sarili dahil bigla na lang itong nawala ng sinusundan ko kung saan nanggagaling ang napakagandang himig na iyon.

Biglang may sumulpot sa likuran ko. “Zephyrus,” may narinig akong boses sa likuran ko kaya umikot ako para harapin siya. “Narito ka lang pala.” Nakangiti nitong sambit.

Kumunot naman ako ang noo dahil sa pagtataka. “Terramore, bakit?” Nagtatakang tanong ko.

Nakatitig lang siya ng seryoso sa akin kaya kinunotan ko ito ng noo. “Mag-ingat ka.” Tanging sambit niya lang ngunit parang may kasamang guilt sa tono niya.

Ano bang ibig niyang sabihin?

“Sige,” maikli kong sagot.

Hindi pa rin ako matahimik dahil nakakaramdam pa rin ako ng mabigat na presensya sa paligid kahit pa wala na si Grimshade as reign of death.

Gulong-gulo pa ang isipan ko ngayon at halatang lahat ng mga diyos na mga kasama ko ay hinahayaan na lang muna nila ako mapag-isa.

Hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang nangyari at tuwing may babaeng nagtatapat sa akin ng kanilang nararamdaman ay naaalala ko muli ang mga bagay na iyon.

Bumuntong-hininga ako. “Mas mabuting huwag munang umibig kaysa may mamatay pa nang dahil sa‘kin,” malungkot kong sambit. “Sumpa kaya iyon o nagkataon lang ang lahat?” Bulong ko sa sarili dahil kahit ako ay wala ring makuhang sagot.

“Amarrah,” sambit ko ng pangalan niya.

She's my first love, an innocent girl I met in the middle of the woods. Amarrah was my first love, where I felt sincere and warm feelings. She's not a god but an ordinary woman on earth.

We've been together for almost a year until someone found out about our secret relationship. She sacrificed herself so I wouldn't face death or be cursed. Years passed, and I fell in love with another girl, but she died for unknown reasons. When it happened again, I stopped loving someone else at that point.

Amarrah is my greatest love; I won't be able to forget her.

Nakatulala ako sa kawalan habang iniisip lahat ng mga nangyari noon at halos mapaluha tuwing naalala siya. Mga araw na buhay pa siya, bago mangyari ang trahedyang iyon. “I miss you, Amarrah.” I mumbled at the surroundings, looking down at the clouds.

Mga katagang iniwan niya bago siya nawala, “Zephyrus, kahit anong mangyari mahal na mahal kita at huwag ka sanang mahirapang magmahal muli.” Mga salitang sinambit niya bago niya sinara ang mga talukap ng kaniyang mga mata.

Red Roses Onde as histórias ganham vida. Descobre agora