Kabanata 25

12 2 0
                                    

Kabanata 25

Elderly warning

[GAVIN STONEHEART]

Kakabalik ko lang dito sa village at napansin kong marami na rin nagbago.
Dito sa Mt. Rainvalley ay may ibang mga nakatira dito na ngayon ay wala na. Tanging balita ko na lang sa kanila ay lumipat na sa ibang lugar.

Ang iba naman sa kanila ay piniling tumira sa taas ng bundok nitong Mt. Rainvalley dahil dito sa baba ng village ay maraming mga nakaambang panganib.

May isang village rin sa itaas ng bundok kung saan naninirahan ang ilan sa mga tagarito. Noon kasi ay sinalakay ng mga sorcerers at sorceress ang lugar na ito kaya napilitan akong umalis. Sumama ako sa mga kamag-anak ko para lang manatiling ligtas.

Dala-dala ang mga pula at itim na dragon na bumubuga sa mga kabahayan. Sinalakay rin nila ang ilang kalapit naming bayan.

“Naalala ko, halos lahat ng mga bagay noon ay nasusunog habang nag-iiyakan at nababalot ng takot ang lahat,” bulong ko sa hangin.

Ramdam ko ang presensya ng diyos ng banayad na hangin. “Gavin? Gavin!” Sigaw ng isang babae kaya mabilis kong hinanap ang may-ari ng boses.

Nang mahanap ko na ito ay tinitigan kong mabuti. Isang babaeng nakasuot ng pulang bonet, may pagkakulot ang buhok. Nakangiti itong kumakaway sa akin kaya naglakad ako papalapit sa kaniya.

“Sino ka?” Nakataas ang kilay kong sambit ng malapitan ko na ito.

Kumunot naman ang noo niya. “Hindi mo ako natatandaan?” Kitang-kita sa ekspresyon nito ang pagtataka.

Napakamot ako sa batok, “Hindi.” Maikli kong tugon sa kaniya.

“Tayo yung magkalaro noon at ako yung batang babaeng laging nakasakay ng bisikleta papunta sa inyo,” nakangiti niyang pagpapaalala sa akin.

“Pasensya na, hindi talaga kita matandaan,” sagot ko.

Tumalikod na ako at naglakad papalayo sa kaniya habang siya naiwan.  Nanatili siyang nakatitig sa akin dahil ramdam ko ang pagtitig niya.

“Ingat ka!” Sigaw nito kaya nilingon ko siya at nginitian.

Kumaway rin ako sa kaniya bilang simbolo ng pagpapaalam ko. Hindi ko inaasahang gaganti rin ito ng ngiti at kaway sa'kin.

Tinahak ko daan papunta sa isang kagubatan. May lugar kung saan nakakaramdam ako ng iba at tila ba sa nakaraang dalawampung taon ay may nangyari dito.

Mukhang dito na ata ang sinasabi ng mga nakakatanda kung saan nangyari ang trahedya na hindi inaasahang magaganap ng diyos ng banayad na hangin.

I saw a thief, they called him Beneficent Purveyor or also known as Cedric Purveyor. He steals things, sells them at a higher price, and uses everything he stole to help people in their village.

“Dito ba siya namamalagi at nag-aabang ng mabibiktima?” Tanong ko sa sarili habang nakikita ko itong nagpapahinga sa ilalim ng puno.

Dahan-dahan akong naglakad palayo hanggang sa nalagpasan ko na nga ito. Nakakita ako ng isang bagay na hindi ko inaasahang makikita ko. May nakaukit sa isang puno, nakasulat ito sa sinaunang salita kaya hindi ko mabasa.

Parang sulat kamay ito ng diyos at isang normal na tao mula dito sa kakahuyan. Sa hitsura nito ay tila sobrang tagal na lalo na't ang pagkakaukit ay parang nalipasan na ng panahon.

Ano kaya ang nangyari rito noon? Tila may misteryong bumabalot sa lugar na ito.

Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko ng may nararamdaman akong kakaibang presensya. Halos 'di ako makagalaw sa kinatatayuan ko at tila ba nakadikit ang paa ko sa lupa.

Red Roses Where stories live. Discover now