Kabanata 22

10 3 0
                                    


Kabanata 22

Tagpuan

[CALISTA NEWMAN]

Nakakamiss rin ang batang iyon sapagkat matagal na rin ang nakalipas at masaya ako na dumalaw siya kahapon.Alam kong masaya na siya ngayon kung nasaan man siya, kasama ang mga magulang niya. Ang mga bagay na dating akala ko'y karaniwan lamang, ngayon ay nauunawaan kong mangungulila rin pala ako kapag wala na ito.

“Inay, ayos lang 'yan.” Sabi ng aking anak ng mapansing nangungulila ako kay Seraphina.

Nilingon ko siya. “How could you claim all is well whilst her absence weighs heavy upon me?” I queried, seeking solace from her attempts to uplift my spirits.

My daughter tenderly caressed my back. “Mother,” she began, “she now resides with her parents, her true home. Accept it, for she shall never forget us, okay?” Her words sought to console me, attempting to lift my spirits.

Tinanguan ko siya. “Sana dumalaw uli siya,” munti kong hiling.

Napalapit na rin siya sa puso ko kaya medyo masakit sa'kin na nawalay siya sa amin tuwing naalala ko siya. Tuwing naalala ko siya ay hinahanap ko ang presensya niya dito sa bahay.

“Dadalaw at dadalaw uli siya sa susunod pero matatagalan na naman.” Sabi sa akin ni Dixie at niyakap niya ako.

“Sadyang hinahanap ko lang ang presensya niya,” tugon ko.

“Hindi naman talaga natin 'yan maiiwasan lalo na't matagal rin natin siyang nakasama.” Turan niya sabay haplos sa likod ko. “Inay, babalik siya,” dagdag pa niya.

Naglakad kami papunta sa pinto at pinihit ang siradura. Pumunta kami malapit sa puno kung saan siya madalas maglaro noon. Doon rin sila naglalaro noon ni Aric, ang anak ni Aoife.

Parang nakikita ko siya bilang bata diyan sa ilalim ng punong 'yan habang magkalaro pa lang sila. Parang nakikita ko rin siyang nakaupo sa puno na 'yan ng mag-isa bilang siya ngayon, sa edad niya ngayon habang naghihintay kay Aric.

Dumadapo sa aking balat ang malamig ngunit banayad na hangin habang inaalala ang mga araw na narito pa siya.

“I miss Seraphina so much, and I even treated her as my own daughter,” I uttered, reminiscing about the days when she was here.

Dixie, my daughter, comforted me: “Do not worry; she will return to visit again,”she assured, offering solace.

Naglakad kami papasok ng bahay at pinihit muli ang siradura para pumasok. Umupo ako sa may sofa, kumuha siya ng tinapay, tubig at binigay sa akin.

“Salamat, anak.” Sambit ko kaya ngumiti siya sa akin.

“Inay, gusto mo mamasyal tayo?” Tanong niya sa akin kaya nag-angat tingin ako.

Umiling ako bago siya sinagot. “Huwag na lang muna,” tumango na lang siya.

Sinusubukan akong patawanin ng aking anak at buti na lang talaga ay nandiyan siya kasama ko kahit wala na ang kaniyang ama.

[SERAPHINA EMBERHEART]


Nasa isang malaking puno ako ngayon kung saan madalas namamalagi ang mga maliliit na fairies o whisperwind pixies. Dito dumadaloy ang mga pixie dust na ginagamit nila para makalipad.

“Seraphina?” Biglang pagsulpot ng isang whisperwind pixie sa kung saan.

Nilingon ko siya. “Akala ko, akala ako lang ang narito,” sambit ko.

Red Roses حيث تعيش القصص. اكتشف الآن