Kabanata 10

22 5 2
                                    

Kabanata 10

Her Fate

[SERAPHINA EMBERHEART]

Pagkatapos ng nangyaring seremonya at ritual kahapon ay halos lahat na ng narito ay binibigyan ako ng galang. Hindi ko akalain na magiging ganito pala ako kapangyarihan dahil no'ng una ang akala ko ay isa lang akong ordinaryong tao hanggang sa paunti-unti kong nadiskobre kung sino talaga ako kagaya ni Aric. Isang asul na misteryosong kapangyarihan ang bumabalot sa kaniya.

Ang ama niya ay salamangkero ngunit dalawamput taong na itong nawawala at wala man lang patunay sa balitang patay na siya. Naguguluhan pa rin ako kung paanong ako ang nakapagpabalik sa kapangyarihan ni Aling Aoife?

Paanong nabago ang propesiya sa pamamagitan naming dalawa ni Aric? May kapangyarihan man akong silicon kung ano ito ngunit sa aking bisyon ito ay malabo at nanatiling misteryo sa aking isipan.

"Seraphina, anak." Pagtawag sa akin ng aking ina kaya nilingon ko ito.

Nakatanaw lang ako sa gitnang bintana kung saan may maliit na kwarto malapit sa bubungan ng bahay.

Tumayo ako at naglakad papunta sa kaniya. "Bakit po?" Tanong ko.

Nginitian niya ako kaya nagtaka naman ako. "Mas lalo ka pang gumanda, anak." Paghaplos nito sa buhok ko.

Dahil may kapangyarihan ako para magpalitaw ng salamin ay pinalitaw ko ang isang salamin sa harapan ko.

I saw various circular flowers encircling my head like a crown made of wood. My long hair became wavy at the sides, and it turned even greener.

I wear a gown adorned with intricately woven roots, gracefully cascading in a verdant off-shoulder design, exuding natural elegance. Embellished with delicate foliage, the gown's ethereal silhouette captures the essence of the forest.

A radiant glow emanated from my forehead, illuminating the surroundings, as a crescent moon materialized before fading into the darkness.

Hinawakan ko ang noo ko. "Ganito ba dapat kapag nature deity, ina?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo dahil lahat ng nature deity anak ay may kaniya-kaniyang simbolo," tugon naman niya.

Naramdaman ko rin sa sarili na tila mas lumakas pa ang kapangyarihan kong taglay kumpara dati. Tumingin ako sa salamin nakita kong mas naging berde pa ang tila usok na bumabalot sa'kin.

Nararamdaman ko lahat at nagagawa kong kontrolin lahat. Mas nadagdagan pa abilidad kong kausapin ang mga hayop at makita ang hinaharap lalong-lalo na para balikan ang nakaraan.

Hindi ito basta-bastang kapangyarihan lang na pinagkaloob at kakaiba nga kapangyarihan kong taglay pati ang lakas kumpara sa ibang mga nature guardians. Nagagawa kong kontrolin ang paglago ng mga halaman at pagalawin ang mga ugat ng halaman.

I don't know what will happen soon, but if this is actually the kind of life I have, I'd rather accept it. I know I am soon going to be in danger, sacrificing or risking my life for the sake of this world, or let's just say the entire Earth realm.

I suddenly saw a boast of deep indigo magic, like sparkling smoke, and I know he is here. “Nandito si Aric!” Masigla kong sabi at mas nabigyang kulay pa ang mukha ko.

Red Roses Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon