Kabanata 9

26 5 7
                                    

Kabanata 9

Ceremonial Rituals

[LOVEILLE WINDWARD]

In a serene glade, Whisperwind Pixies gather leaves, adorning the forest floor with a variety of colors. They delicately decorate using vibrant flowers, leaves, branches, and feathers, symbolizing the unity of all nature guardians. Each element whispers of their affinity for the land they protect, a testament to the harmony they strive to maintain in their magical realm.


Lahat ay hinahanda lalo na ang pagdadausan ng seremonya. Gumagawa sila ng isang malaking net gamit ang mga dahon at mga damo sa paligid.

Gamit rin ang mga damo at petals ay nakakagawa sila ng damit.

"Masaya ako para sa aking anak at halatang mainit naman ang pagtanggap ng lahat sa kaniya lalo na ang whisperwind pixies." Natutuwa kong sambit habang lahat ay tumutulong sa pagdedekorasyon.

"Nasaan pala si Seraphina?" Tanong ng isang nature guardian.

"Kasama ang kaibigan niyang si Aric sa malaking puno." Tugon ko at kahit hindi ito magsabi ay nararamdaman ko ang presensya nito doon.

Ngumiti lang ito at lumipad papalayo sa'kin para tumulong sa pagkabit ng mga bulaklak sa nagawa na nilang berdeng net gamit ang mga dahon at damo.

Ang iba naman ay gumagawa na ng nga lanterns para sa seremonyang gaganapin. May mga inaayos na ang mga lamesa at binibigyang dekorasyon ito gamit ang kanilang mahika para mapabilis ang paggawa.

Sa mabilis na simoy ng hangin na dumaan sa aking harapan ay ramdam ko ang presensya ng diyos ng banayad na hangin na si Zephyrus sa paligid. Maaaring nasa paligid lang ito at nakatingin sa mga ginagawa namin.

Umaalingawngaw rin ang bango ng mga bulaklak, isang pambihirang bango ang nasagap ng ilong ko. Maaaring nasa paligid lang rin si Floriana, ang diyosa ng mga bulaklak. Ang dalawang diyos o diyosa ay nasa paligid lamang at mamaya ay maaaring dumating na rin ang isang diyos na kasapi nila. Tatlo silang mga diyos o diyosa at nag-iisang babae lang si Floriana sa kanila.

Nilapitan ako ni Carter. "Loveille, magkakaroon rin tayo ng ritual sa gabi pagkatapos ng seremonya." Sabi nito sa akin.

"Pwede naman dahil ito ay isang pagtitipon para sa pagbabalik ng anak nating si Seraphina," sagot ko at tumango siya bilang pagsang-ayon.

"Halatang masaya ang lahat sa kaniyang pagbabalik pagkatapos ng napakahabang panahon na nawalay siya sa atin," komento niya kaya nginitian ko siya. "Kahit ako ay natutuwa." Dagdag pa niya kaya napatingin ako sa paligid.

"Sana ay matanggap na niya ang kaniyang kapalaran," turan ko sa aking asawa. "Nagbago naman na ang propesiya, maaari na rin siyang umibig sa mga salamangkero at iba pang mga nilalang." Saad ko sa kaniya habang pinapanood ang lahat sa paghahanda para sa seremonyang magaganap mamaya.

Nagpaalam na umalis muna si Carter dahil may aasikasuhin pa daw siya. May mga sulating latin na nakasulat sa papyrus na nagdedeklara na ang susunod na nature deity ay si Seraphina.

Harnessing my power, I elegantly manipulate the breeze, shaping the leaves into clouds that grace the handcrafted grass.

Malapit na silang matapos dahil hinahanda na lang nila ang mga pagkain sa isang malaking mesa, mga alay gaya ng mga prutas, gulay at iba pa.

Kung maari sana ay dumating ang ibang mga diyos sa kaibayong mundo. Gaya ni Solara, she's the radiant goddess who presides over the sun, bringing light, warmth, and vitality to the world.

Red Roses Donde viven las historias. Descúbrelo ahora